Chapter 15

449 6 7
                                    

Chapter 15

Clarissa's POV

Hay nako. Sino na naman tong bwisit na to.

"Ano na naman ba gusto mo Micha?!"

Kung naaalala niyo, yan ang sidekick ng mangaagaw na Carmelle na yun.

..... kahit wala pa naman siyang naagaw or mayroon na ba?

"Kinakamusta lang naman kita. I mean, ano feeling ng 'busted' or 'rejected'?"

Kapal ng mukha nito ah.

"Excuse me, for the record, hindi ako yung nanligaw and another thing is that siya ang riniject ko by the way".

"Ilusyonada ka talaga forever since bata tayo. Bakit? Sinabi ba ni Jared na liligawan ka niya? Inask ka lang naman ka niya sa isang sayaw eh".

Ouch, sakit nun. May point siya eh.

"Ilusyonada? Ako? Hahaha. Sa ating dalawa, ikaw lang ang ilusyonada. Ikaw lang naman ang umaaasa na gaganda ang tingin ng tao sayo dahil sa pagdididikit mo kay Carmelle eh".

"How dare y---"

"Bakit hindi ba totoo na dumidikit ka sa kanya kasi insecure ka sa simula pa? Na tingin sayo ng mga tao na bobo ka dahil nung incident sa grade 4 sa spelling bee na ang spelling mo sa 'accomplishment' 'akomplismint'".

"Manahimik ka na nga!"

"The truth hurts Michaela and may point ka sa mga sinabi mo tungkol kay Jared pero mali din ginawa mo. Tanga parin ang tingin ng mga tao sayo dahil sa ginagawa mo. Sino ba naman ang nagpapaalipin sa sariling kaibigan".

*Pak*

"Hindi mo alam ang buong storya Clarissa kaya wag ka na magsalita".

"Obviously di mo naisip na ang sampal mo ay walang tabla sakin. Gumising ka na sana sa pantasya mo".

Winalk outan ko na siya. Imaginin niyo. Sinampal ba naman ako? Hindi ko maiwasan magwonder paano kami naging magkaibigan dati.

Nasan na ba yung bahay ni Venny?! Ano ba to? Taguan taguan house?!

End of Clarissa's POV

Sabrina's POV

Nakakaasar naman tong si Vennetia. Kanina pa ako inaasar tungkol kay Nathan. Hindi ko nga siya type. Ang kulit naman nito.

"Tapos pag kinasal kay-----". Tingnan niyo! Kasal agad!

"Hoy anong kasal kasal sinasabi mo diyan! Hindi ko pa nga type eh, kasal na agad?!"

"Aminin mo na kasi Sabrina. Gwapo siya, maganda ka at parehas kayong magkaloveteam sa isang movie. Fate took action na!"

Ang labo din ng imagination nito eh. O baka masyadong exacto na naimpluwensyahan na.

"Ibuhos mo na nga lang attention mo sa pagbibili sa sleepover mamaya andun na si Issa tsaka tungkol sa lovelife, problemahin mo kayo ni James hindi sakin!"

Teka, bat di sumagot tong bruhang to?!

"Hoy teka! Bat di ka sumasagot? Kayo na ba ni James?!"

"Ah sira hindi ay aba malay."

"Wala akong naintindahan sa sinabi mo. So meaning kayo na nga?!"

"Ssssshhhh! MU lang noh. Shhhh. Ang ingay mo."

"WAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA".

Late na. Pinagtitinginan na akong baliw ng mga tao. Hay nako.

"OMG, KAYO NA?!"

Dream On LoverboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon