Chapter 12

59 5 1
                                    

CHAPTER 12

(CALVIN’S POV)

Pagpasok pa lang namin sa klase na babantayan namin, narinig ko na agad ung bulungan ng mga babae.

Psh! Nagagwapuhan na naman saken ^____^V

Anyway, tiningnan ko ulit si Shaei. Nakangiti na naman siya, anong meron?

Masyado na atang masaya 'tong babaeng 'to.

Hindi ko na lang muna siya pinansin. Dire-diretso na kami dun sa harapan.

“Hala, ang gwapo niya!”

“Parang artista! Papapicture ako mamaya.”

Ilan lang yan sa mga bulungan na narinig ko.

Pero may isang babae na nakakuha ng atensyon ko. Paano ba naman ang lakas ng pagkakasabi niya?

Want to know what she said???

“ Ow.Em, may kapalit na si Rodney sa puso ko.” – yan ung sabi nung isang babae.

RODNEY.

Kaya naman pala kanina pa nakangiti si Shaei kasi klase pala 'to nung lalaki niya.

I looked at her.

Bahagyang nakakunot ung noo niya.

Siguro dahil sa narinig niya rin ung sinabi nung babae.

Ha! Di matanggap na may kaagaw siya dun sa Rodney na un.

Kabaliwan talaga ni Shaei.

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung paano siya nainlove sa lalaking un.

Akala ko nung i-turn down niya ako at sabihing may mahal na siya eh boyfriend niya na ung lalaki na sinasabi niya. Hindi naman pala!

Hindi niya classmate o ano!

Hindi niya kaibigan.

Dahil hindi pa rin natatapos ang bulungan ng mga babae, nang dahil sa kagwapuhan ko *ehem*, pinatahimik na nung prof ung klase niya.

“SSSSSSSSSHHHHHHHH. Okay class, tumahimik na kayo. Itong dalawang 'to *sabay turo samen* ang magbabantay sa inyo ngayon. Since may meeting ako at hindi ko kayo pwedeng iwan dahil may quiz kayo, hiniram ko muna sila para mabantayan kayo. Bawal ang magkopyahan huh. *tingin ng prof kay Shaei* Ms. Barcelo, ikaw na bahala sa kanila.*tingin ulit sa klase* At kayo, subukan niyo lang magpasaway, lagot kayong lahat saken. Understood?”

“YES MA’AM!”

“Okay arrange your seats now. One seat apart para walang kopyahan.”

Nagsitayuan na nga sila para ayusin ung upuan nila.

Pero ung iba, habang nag-aayos eh nakatingin saken.

Tapos kung ngumiti eh parang may tumatakbong kung ano sa isip nila.

Malay ko ba kung minamanyak na ako ng mga 'to sa isip nila.

 Baka hinuhubaran na nila ako gamit ang isip nila!

Shit! Nakakatakot na ung mga titig nila, parang gusto na nila akong kainin.

Anong akala nila saken? Ulam? Ehhhh…

I know I’m handsome. *ehem* 

Siniko ko si Shaei. Para kasing walang pakialam saken eh.

Natatakot na nga ako sa mga babae dito eh.

“Ano ba?” sabi niya. Parang galit pa aah!

“RR, bakit ganito mga babae dito? Sobra makatingin.” 

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon