Chapter 30

80 3 0
                                    

CHAPTER 30

(SHAEI’S POV)

Nakakainis! Nanggigigil ako sa Jessica na un. Ano bang problema niya bakit niya kami tinarayan ng mga kaibigan ko???

Kanina, alam ko naimbyerna din sila Nicee eh. Nakuuu! Kami pa talaga inaaway niya. Pasalamat siya kaibigan siya ni Rodney kundi … GRRRRRRRRRR!

Anyway, naglalakad na kami papunta dun sa lugar na tutugtugan nila. Excited ako pero kapag nakikita ko si Jessica, nabibwisit ako! Habang naglalakad kami, tumitingin saken tapos iirapan ako. Aba!

“Pasensya ka na kay Jessica aah.” Biglang sabi ni Rodney.

Wow! Good friend! At ngayon lang talaga siya nagsalita huh. Kanina napakatahimik niya.

“Ok lang, kasalanan naman namin eh.” Sabi ko naman. Ok lang, masasambunutan ko un eh!

Nagdire-diretso na kami sa paglalakad. Ung mga kasama ni Rodney nauuna samen sa paglalakad. Si Rodney naman, kasabay ko sa paglalakad. At siyempre, kinikilig ako! Kyaaaaaaaaaaaaah!

“Ate, ate. Pahingi pong pera. Nagugutom po kasi ako eh.”

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa batang nakahawak sa damit ko.

I looked at him. Sobrang dumi niya. Ung damit na suot niya, sira-sira. By then, may parang humawak na naman sa puso ko. Ang totoo kasi niyan, mahilig ako sa bata. Actually, I love them.  Bigla-bigla na lang, parang naiiyak ako. Naaawa ako sa bata. Dapat sa mga edad niya, naglalaro siya, nagsasaya. Pero siya hindi eh. Namamalimos siya in order to survive.

Umupo ako para mapantayan ko ung bata. Nakatingin lang siya saken. While looking into his eyes, I see difficulties, pain. Parang gusto ko tuloy siyang dalhin sa ampunan na binibisita namin ng pamilya ko. Doon, maalagaan siya, mapapakain at higit sa lahat, makakapaglaro.

“Anong pangalan mo bata?” tanong ko habang hawak-hawak ko ung kamay niya.

I don’t care kung madumi ung kamay niya. Bakit ba? Di naman ako mamamatay kapag hawakan ko ung kamay niya eh.

“Russel po.” Sagot nung bata.

“ilang taon ka na?”

“Five po.” Gahd, five years old pero halatang naranasan niya na lahat ng hirap sa mundo.

“Nagugutom ka na diba? Ano gusto mo kainin?”

“Kahit ano po, basta po makakain lang ako.”

“Oh sige, papakainin kita. Tara, dun tayo.”

Tapos hinila ko siya papunta ng 7eleven. Naalala ko, kasama ko nga pala sila Rodney. Ayos lang kahit di ko muna siya mapanuod tumugtog. Kelangan ko lang munang tulungan itong bata.

Pagpasok namin sa 7eleven, bigla kaming hinarang ng isang crew doon.

“Bawal pulubi dito. Baka kung anong gawin niya.” Sabi nung lalaki. Aba! Hindi niya ba nakikitang kasama ko ung bata???

Mga tao talaga! Ang samaaaaaaaaaaaaaaaaaa.

“Excuse me, is that your way of treating your customers? Pulubi? Who cares? Bibili kami ng pagkain.” Tapos nilagpasan ko na siya. Ang tibay ng mukha! Pangit ng ugali!

 Pinaupo ko muna si Russel doon. Ako na lang ang bahalang kumuha ng pagkain niya. Kelangan niya ung masustansiya kaya naman kumuha ako ng sandwich, biscuits, juice pati na rin rice meal. Binayaran ko na agad un sa cashier para naman makakain ung bata. Sinadya kong damihan para naman mabusog talaga siya.

Habang kumakain siya, nakatingin lang ako. Halata ngang gutom na gutom siya kasi mauubos na niya ung mga binili ko. Mamaya bibili na lang ulit ako para sa kanya. Natutuwa naman ako, may bata na ang natulungan, napasaya.

“Monicka.”

Napatingin ako sa tumawag saken/. Bakit andito siya???

(RODNEY’S POV)

“Asan na naman ba ung babaeng un? Paimportante masyado ooh.” 

Narinig kong sabi ni Jessica. Ano bang problema niya? Bakit parang galit na galit siya kay Monicka???

“Guys, mauna na kayo. Puntahan ko lang saglit si Monicka.”

Tapos tinalikuran ko na sila. Kelangan makanuod ni Monicka samen. Kelangan magka-usap kami dahil gusto ko pa siyang lubusan na makilala.

Bumalik ako sa dinaanan namin. And there, I saw her talking to a beggar. Napangiti ako. Kahit na ganun ung katayuan ni Monicka, nagagawa niya pa ring makipag-usap sa mga kapus-palad.  Saglit lang silang nag-usap tapos napansin ko na papunta sila sa 7eleven kaya naman sinundan ko lang sila. Pagpasok nila, hinarang sila ng isang lalaki. Siguro nagtataka kung bakit kasama ni Monicka ung ganong bata. May sinabi lang si Monicka tapos nilagpasan na nila ung lalaki.

Pina-upo ni Monicka ung bata. Tapos nagsimula na siyang kumuha ng pagkain. Ang dami niyang biniling pagkain sa bata. Nakakatuwa siya. May isa na naman akong nakitang side niya.

Habang kumakain ung bata, nakatingin lang si Monicka sa kanya. Siguro, Masaya siya gaya din ng pagiging Masaya nung bata. Pumasok ako ng store at lumapit sa kanila.

“Monicka.” Tawag ko sa kanya, halatang nagulat siya.

“Rodney? Sorry.” Sabi niya.

Sorry? Bakit siya nagsosorry saken? Dahil ba bigla siyang umalis? Nah, di dapat siya magsorry.

“Sorry? Ano kasalanan mo saken?”

“Eh kasi, nasayang ko ung oras niyo.” Tapos biglang siyang yumuko.

“Tss. Ano ka ba, wala un,” tapos binalingan ko ung bata, “Ano, busog ka na?”

“Opo, ang bait po ni ate eh.” Pagkasabi nun nung bata, nakita kong napangiti si Monicka.

Again, her smile. Pati ako napangiti na rin. There’s something in her smile that makes me smile. And I don’t know what is it. May dalang kakaiba ung ngiti niya eh. Dati ko pa tinatanong sa sarili ko kung ano un, pero di ko talaga malaman.

“I really love kids. Kaya nga nung Makita ko siya, di ako nagdalawang-isip na lapitan siya. Iba kasi ung dating ng mga ngiti nila saken eh. Gusto ko lagi sila Masaya.” Pagkasabi niya nun, bigla siyang tumayo tapos kumuha na naman ng mga pagkain.

“Ok ka na Russel?” tanong ko sa bata.

“Ok na ok po. Girlfriend niyo po ba si Ate Shaei?” napangiti ako sa tanong ng bata.

Girlfriend??? Hmmmmmmm…

“Hindi. Kaibigan ko.” Tapos ginulo ko ung buhok ng bata. Maya-maya, lumapit samen si Monicka. May dala siyang plastic bag na may laman na pagkain. At inabot niya un sa bata.

“Russel, ito pa pagkain ooh. Bibigyan mo ang mga kapatid mo huh. Wag magdadamot.”

“Opo. Salamat.” Niyakap ni Monicka ung bata.

Again, I smiled.

Hindi siya nag-alinlangang yakapin ang bata. Kahit na madumi at mabaho ito, niyakap niya pa rin. Hindi siya nagpakita ng kaartehan at pandidiri. At hindi niya iniintindi ung mga sinasabi ng mga taong nakakita sa ginawa niya.

This girl is really an exception.

Paano kaya kung ….. ????

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon