Chapter 28

24 3 0
                                    

CHAPTER 28

(SHAEI’S POV)

“SHAAEEEEIIII!” ayan na naman po ang sigaw ni Nicee. Nababaliw na naman siguro.

“Oh? Problema natin? Wagas ang sigaw aah!”

“Eh? Shaei?” sabi niya pa sabay ngiti ng pagkaganda-ganda. Anong meron sa babaeng to? Grabe ang ngiti. Baka mamaya niyan mapunit ung bibig niya.

“Ano nga?” tanong ko.

“Shaei!” sabi na naman niya. May kakaiba talaga sa kanya eh. Ung tipong parang nakitang niyang dumaan si Koya EE. Un lang naman nagpapangiti sa kanya ng wagas eh.

“Ano nga? Saksakin kita! May pagkilig?” pagkasabi ko nun, bigla naman siyang lumapit saken.

“Hoy ano ka ba! Wag ka maingay!” sabay ngiti na naman niya.

“Hoy babae, kung nagsasabi ka kaya, ano bang nangyayari sayo?”

“Eh kasi…”

“Eh kasi ano nga? Babatukan na kita!” Kanina pa eh, ayaw pang sabihin. Ayoko pa naman sa lahat ung binibitin ako.

“Wag ka nga! Kinikilig ako eh!” tapos bigla siyang nagblush. Ansabee ng pagpula ng pisngi niya? HAHAHAHA

Lumapit siya saken at may binulong. Nagulat naman ako ng marinig ko un. Nakakatuwa naman, magkakalovelife na si Nicee. Aaayyyiiiieeee!

“Salamat Shaei aah, King talaga ung pangalan niya. Galing mo talaga!” *super hug*

“Naman! Kelan pa ba nagkamali ung mata ko? Anyway, paano mo nakuha ung phone number ni Koya EE, I mean ni King? Lumelevel up ka na aah. Stalker ka!”

Nga pala, sabi ni Nicee, katext niya na daw si Koya EE. Grabe, di ko alam na dumadamoves pala tong si Nicee. Si Koya EE, un ung super crush niya noon pa. Nakasabay lang namin sa bus un eh. Nung Makita ni Nicee, naging crush nya na agad. Tapos di na nakalimutan. Nagpatulong pa nga siya saken para malaman ung pangalan nun eh. At nabasa ko lang sa ID niya na King ung first name ni Koya EE nung dumaan sila one time sa college namin. Lupet ko ba??? HHAHAHAHA.

*pak*

Nagulat naman ako sa ginawang un ni Nicee. Aba! Sino nagbigay ng karapatan sa kanya na saktan ako/?//???

“Di ako stalker, admirer ako.” sabi niya. Teka, line ko un diba??? Gaya-gaya talaga!

“Tsaka naalala mo nung pageant night? Epal ka, may galit-galitan effect pa. Sisirain mo pa nun ung kasiyahan ko. Ung ikikwento ko dapat sayo …” aay nakuu. Yan na naman tayo sa bitin effect. Grabe si Nicee ooh, sobrang kilig na talaga!

“ikikwento na?” tanong ko na naman. Wish ko lang sabihin na niya talaga.

“ikikwento ko dapat sayo na nagkasabay kaming  kumain ni King sa canteen at share kami sa upuan. Kkkyyyyyyaaaahhh!”

Hala grabe, nagpapadyak pa ng paa at hinahampas-hampas  ako ng papel na hawak niya. Kawawa naman ung papel, lukot na. Ganyan ba talaga siya kiligin, akala mo wala ng bukas eh. Pero in fairness, nakakakilig naman talaga un noh. Makasabay mong kumain si crush. Yiiiiiieeee!

“At ito pa, Castillo din ung surname ni King. Di kaya magkamag-anak sila ng Rodney mo???”

As soon as I heard my soul mate’s name, napangiti na naman ako and at the same time, kinikilig din.

WAAAHHH! Naalala ko tuloy nung hinatid niya ako sa bahay. Grabe, sobrang nanlalambot na ung tuhod ko nun. Any moment bibigay na ako kaya nga pinapauwi ko na. At ang sabi niya pa, HE’LL BE MY SAVIOR! Tawagin ko lang daw ang pangalan niya. Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala. Araw-araw ko kaya siyang tawagin para araw-araw ko din siyang kasama! Ooh that thought, kinikilig talaga ako! Tawagin ko kaya siya ngayon??/ hmmmm…

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon