Chapter 24

19 2 0
                                    

CHAPTER 24

(SHAEI’S POV)

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na kaibigan ko na ang lalaking katabi ko ngayon.

One more step, malapit ko ng maabot ang pinapangarap ko.

Akala ko kanina joke time lang ung sinabi ni Ricky, hindi pala.

At inaamin ko, nawala ang pagkabadtrip ko!

Nanunuod na kami ngayon ng pageant. Kung kanina ayaw ko pa, joke lang un. HEHE.

Tinutukso nga ako kanina nila Nicee, Camille at Dara.

Pero siyempre, di ko naman pwedeng iwan sa ere si Shine. Love ko un noh!

“OMG! Shaei, tingnan mo ung katawan ni kuya Patrick. Haaaanganda ng abs.” bulong saken ni Nicee.

Oo alam ko! Gusto ko na ngang magtatalon at magsisisigaw dito nang dahil sa abs na yan eh. Pero ayoko nga! Katabi ko kaya si Rodney. Tsaka nag-quit na ako sa panlalaki. Di na ako madadala sa mga abs noh!

Si kuya Patrick, siya ung panlaban ng college namin. 3rd year student.

“WAAAAHHHH!” sabay naming tili ni Nicee.

Lumabas na kasi si Sunshine eh.  Suot-suot ung two-piece niya!

Ang ganda pala ng katawan ni Shine. Slim! Sigurado ako, makukuha nito ang BEST IN SEXY WEAR AWARD!

Cheer lang kami nang cheer ng maramdaman ko ung pagkulbit saken ni Rodney.

“Aah Monicka, bili lang muna kami ni Angelo ng inumin aah.” Tapos tumayo na sila.

Di ko pala nasabi na kasama si Angelo noh. Sinundan ko sila ng tingin.

Nakonsensiya tuloy ako bigla. Feeling ko kasi na-OP sila eh. Paano ba naman kasi, sino bang nagsabi na manuod sila dito eh hindi naman sila taga-college namin? Eh natural, OP talaga sila.

Hala joke lang! Nag-effort pa naman ung dalawang un na manuod tapos aawayin ko sa isip ko.

*FLASHBACK*

“Kahit na hinahanap siya ni Rodney? Di ko pa rin siya guguluhin?” pagkasabi niya nun bigla akong napatingin kay bakla.

And I saw him grinned.

Tama ba ung narinig ko? Hinahanap ako ni SOULMATE KO?

Weh? Di nga? Baka naman nasa BFV ako??? Papatayin ko 'to si Ricky kung nagkataon.

Iniwan ko na sila at agad pumunta sa lobby. Sabi kasi ni Ricky dun daw ako hinihintay ni Rodney eh.

At hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagngiti. Kung kanina badtrip ako, ngayon hindi na. Pinasaya na naman niya ako.

Habang palapit ako sa lobby, bumibilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko na ang shakra ng soulmate ko.

At di nga ako nagkamali, andun na siya. Naghinhintay, kasama si Angelo.

Napangiti ako.

“Shaei.” Tawag saken ni Angelo tapos lumapit sila saken.

“Hello ^___^” bati ko sa kanila. 

“Aah Shaei, gusto sana namin manuod ng pageant eh. Kaso wala kaming ibang kakilala na taga college niyo. Ikaw lang.” tapos ngumiti si Angelo. Kakasilaw talaga ung ngiti niya.

“Ok lang naman na manuod aah.”

“Gusto kasi ni Rodney kasama ka.Tsaka kanina pa siya Monicka ng Monicka. Totoo bang second name mo un?”

Pagkasabi nun ni Angelo, pakiramdam ko mamamatay na ako.

Gusto kasi ni Rodney kasama ka.

Gusto kasi ni Rodney kasama ka.

Gusto kasi ni Rodney kasama ka.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Angelo kasi di pa napaprocess ng utak ko ung una niyang sinabi.

Gusto kasi ni Rodney kasama ka.

Gusto kasi ni Rodney kasama ka.

Gusto kasi ni Rodney kasama ka.

Kyaaahhh! Kinikilig ako!

Tiningnan ko si Rodney, kahit saang anggulo talaga, napakagwapo niya!

“Shaei?”

“Aah sorry. O-oo, Monicka second name ko.”

“Ganun ba? Pwede bang Monicka na din-----“ di pa natatapos ni Angelo ung sasabihin niya nang sumingit naman tong si Rodney.

“Hindi mo siya pwedeng tawaging Monicka. Ako lang. Ako nakaunang nakaalam ng second name niya eh.”

Processing.

1%

2%

3%

4%

Ampupu! Ang bagal namang magprocess ng utak ko!

Nakakabobo ka naman Rodney!

TING!

100%

“Hindi mo siya pwedeng tawaging Monicka. Ako lang. Ako nakaunang nakaalam ng second name niya eh.”

Oh GOD! Wala pa po akong natatandaan na magandang ginawa ko. Bakit pinagpapala mo na ako kaagad?

“Grabe naman dude. May pagkaselfish ka pala. Ikaw lang huh. Edi ikaw na. Close na ba kayo nitong si Shaei?”

“Hindi pa. Pero dadating din tayo jan. Diba Monicka?”Rodney said while looking straightly into my eyes.

Totoo ba ung sinabi niya/? He wants to be close to me???

“Tara na nga. Daming alam eh. Panuorin na natin ung makakalaban ni Joshua.” Sabi ni Angelo. Tapos nauna na silang maglakad.

And I was left there, dumbfounded.

Pwede bang pakirewind? Parang masyado atang mabilis ung mga pangyayari.

Parang nung nakaraan lang naging magkaibigan kami.

Tapos tinawag niya akong Monicka.

At ngayon, gusto niyang maging close kami???

<3

*END OF FLASHBACK*

Dahil sa naalala ko na naman ung kanina. Tumayo na ako saka sinundan sila. Nagpaalam muna ako kay Nicee.

Sabi pa naman ni Angelo gusto daw ako kasama ni Rodney. Enebe ^____^

“Matatapos na ung pageant. Di na ba kayo manunuod?” bungad ko sa kanila ng makita ko silang nakaupo at umiinom ng softdrinks. Inalok ako ni Angelo ng inumin, pero di ako umiinom ng softdrink eh.

“Uuwi na nga pala ako Shaei. Nagtext na ung mama ko eh. Gabi na kasi eh. Salamat sa pag-acccomodate saken. Nakakatuwa ung college niyo. Ang saya, puro babae. Mananalo ung kaklase mo, nararamdaman ko.” Ngumiti si Angelo pagkasabi nun at umalis na.

At ito na naman ung weird na nararamdaman ko.

Kami na lang dalawa ni Rodney dito.

Lahat kasi ng estudyante andun sa ground, nanunuod ng pageant. At sabi ng emcee, i-aannounce na daw ung mananalo kaya naman niyaya ko na siya.

“Balik na tayo dun. Sasabihin na ung panalo eh.” *smile* Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad. Pero napatigil ako ng marinig ko ang mga salitang di ko inaasahang sasabihin niya.

“Monicka, I want to get to know you more.”

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon