Chapter 14

77 6 0
                                    

CHAPTER 14

(CAMILLE’S POV)

(A/N: nagtataka kayo kung sino si Camille? Friend din ni Shaei sa school nila. Nabanggit ko na siya sa chapter 1 eh. Anyway, ito na ang character mo PATRICIA JANE MANOTA! Para sayo ang chapter na 'to!)

“Hoy Nicee, tulungan mo naman ako oh! Papraktis lang ng lines.” sabi ni Shaei kay Nicee.

Tss. Pacute na naman ang gaga. Edi siya na talaga! Akala mo naman kung sino …

Oops di po ako bitter!

Andito nga pala kami sa room. Tengga na naman, wala kasi ung pinakamasipag naming prof sa English!

Kahit kelan talaga, August na ooh! Wala pa rin akong natutunan.

Nganga kami dito ng 2 hours.

Kaya naman itong si Shaei, kinukulit na naman si Nicee na tulungan siyang magpraktis ng lines niya para sa gaganaping play ng drama club. Drama??? Effff!

“Eh ayoko, nagbabasa ako ooh!” tanggi ni Nicee.

“Sige na Nicee, saglit lang.” sabi ni Shaei habang niyuyugyug ung braso ni Nicee.

“Ano ba! Si Sunshine na lang. ayun ooh.”

Tapos turo kay Sunshine na kasalukuyang nakikipagdaldalan sa iba naming classmates.

“Eh ayoko nga! Di naman marunong umarte un eh!” Ang sama ni Shaei noh? HAHAHA.

“Hala ka, ikaw na talaga artista! HOY SUNSHINE, SINISIRAAN KA NI SHAEI OOH” Sigaw ni Nicee.

Parang ang layo ng kausap noh. Sigaw pa talaga. Kaya lagi kaming napapagalitan eh.

Bakit ko kaya naging kaibigan 'tong mga 'to??? Hmmm….

Lumapit si Sunshine, iniwan ung mga kadaldalan niya.

“Ano na namang pinagsasabi mo Shaei?” nakataas pa ung isang kilay niya.

Aba! Marunong na magtaray. Lagot ka kay Shaei. ^___^

Kapag ganyan na ung mga eksena, alam ko na ung susunod. Maglalaro lang yan ng acting-actingan. Usually na magkalaro ay si Shaei at Nicee. Kaya nga nagulat ako ng lumapit 'to si Sunshine eh.

Nakaupo lang ako dun, wala akong pakialam kung anong gawin nila. Pero alam ko, mag-eenjoy na naman ako nito! Game na, laro na kayo.

“May sinabi ba ako sayo? Sigurado ka?” Ayan, umpisa na ng arte nila.

Nakataaas na din ung kilay ni Shaei, taray ng dating.

Wish ko lang mapanindigan ni Sunshine ung character niya.

“May sinabi ka, alam mo yan. Diba Nicee?” – Sunshine

“OO, MERON. SABI NIYA DI KA DAW MAGANDA TAPOS DI KA RAW MARUNONG UMARTE!” Yan si Nicee, dagdag na ung mga sinabi noh. Kasi alam niya, naglalaro na sila.

Ung iba naming kaklase naglapitan na sa kanila. Akala ata totoo ung nangyayari.

“Hear that?” - Sunshine

“Of course, I’m not deaf!” – Shaei

“Hah! Akala mo talaga kung sino ka noh? Makasabi ka ng di ako maganda. Look at your face!” then Sunshine rolled her eyes.

3 claps for you Shine, artistahin ang dating.

“Lagi kong tinitingnan ang mukha ko, kaya nga I always bring mirror. And seeing my reflection in it, I am enjoying it darling. Kasi maganda ang nakikita ko. Ikaw? As far as I know hindi ka nagdadala ng salamin so you can’t see how horrible your face is.” Then Shaei grinned.

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon