Chapter 19

42 3 0
                                    

CHAPTER 19

(SHAEI’S POV)

“Trixie! Asan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay sayo aah. Bilisan mo!”

(Teka lang naman. Pwedeng maghintay?)

“Eh kanina pa kaya ako naghihintay sayo! Anong petsa na ohh”

(Oo na sige na! Papunta na.)

Then I hung up.

Psh. Kakabadtrip si Trixie! Alam naman niya na mainipin ako eh, pinaghihintay pa ako lalo.

Binilisan ko na nga ang pagpunta dito sa mall kasi akala ko andito na siya.

Wala pa pala! Eh mas nauna nga ung labasan nila kesa sa amin eh.

Rumampa na naman ata ung babaeng un.

Inuuna pa ung mga lalaki niya.

Nakuu, kung di ko lang talaga siya bestfriend!

Tiningnan ko ung relo ko, 2:45. Dapat makapunta na agad dito si Trixie. Wala pa kaming regalo para kay Vince, friendship naming beki.

18th birthday pa naman nun. Di dapat kami mawala. At 6 pm mag-uumpisa ung party.

Eh sa may Las Pinas pa kami uuwi.

At nasa Manila kami ngayon. Makakaabot pa kaya kami???

Arrrggghhh! Sana lang talaga dumating na si Trixie.

Umupo muna ako para naman di ako mapagod kakatayo.

At para di ako masaydong mainip, titingnan ko muna mga pictures ng soulmate ko.

Habang tinitingnan ko, nakangiti ako. Para nga akong baliw eh. Pero ayos lang!

Tingin.

Tingin.

Tingin.

Ayan natapos ko na! natuwa na naman ako ng konti.

Pero naiinis din kasi wala pa rin si Trixie.

Ang tagal talaga. Baka naman nasagasaan na un ng mga malalaking truck!

Hala! Wag naman po sana!

Pero paano nga kapag nasagasaan siya??? Kawawa naman ang bestfriend ko, di pa nga siya nakakagraduate eh.

Iniwan na ko ni Trixie. Huhuhu! Wala na akong BFF T_T

“SHAEI!” napatingin ako sa taong tumawag saken. Pati ung mga katabi ko na nakaupo ay napatingin din kasi malakas ung pagkakatawag ng pangalan ko.

Nagtaka ako ng Makita ko kung sino siya. At the same time, bumilis din ang tibok ng puso ko.

Nagiging abnormal na naman!

Si Rodney naglalakad papunta sa direksyon ko kasama si Angelo.

Alam ko na si Angelo ung tumawag saken kasi kilala ko ung boses ni Rodney.

At base sa pagkakatawag saken ni Angelo, feeling close na siya.

Kelan pa kami naging close??? Kung maka-Shaei saken wagas eh!

“Hello Ms. Barcelo.” Tuluyan na nga silang nakalapit saken. At itong si Angelo, sobrang lapad ng pagkakangiti.

At ang gwapo niya tingnan kahit na pang sira ulo ung ngiti niya.

Ngeekk! Kasama niya nga pala si Rodney. Dapat si Rodney lang pala ung gwapo sa paningin ko!

KKKYYYYAAAAHHHHH! Bakit ba sila andito??/ at bakit sila lumapit saken!???!

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon