Chapter 35

21 1 0
                                    

Chapter 35

(TRISHA’S POV)

“Damn that woman! Nakakainis! Dapat di niyo na lang ako pinigilan eh.” sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

Imbyerna ako sa babaeng un. Mantsahan ba naman ang isa sa pinakamahal at pinakamaganda kong damit! GRRRR! Gusto ko siyang patayin!

“Change outfit Trisha? What happened?” tanong pa nitong si Devin. Halata naman siguro na may nakadumi sa damit ko diba? Eh ano pang tinatanong-tanong niya!

“May nakabangga kasi sa kanyang babae. Ayun, natapunan siya nung kinakain na ice cream nung babae. Chocolate ice cream.” – Chescka

“Oh anong ginawa ni Trisha? Sinungitan ba ung babae?” – Devin

“Naman! Yan pa, parang gusto niya pa ngang saktan eh. Buti na lang napigilan namin.” – Arra

Talagang masasaktan ko un. Nag-effort akong magsuot ng magandang damit para kay Rodney tapos dudumihan niya lang. Pag Makita ko lang talaga ulit ung babaeng un, patay siya saken!

Sinulyapan ko si Rodney. Pinaglalaruan niya lang ung ice tea niya. I mean, iniikot-ikot niya lang ung straw. Efff! Wala na ba talaga siyang pakialam saken? Di man lang ba magrereact? Samantalang nung kami pa, overprotective. Tapos ngayon???? Wala na!

“That’s okay Trisha. At least nakapagpalit ka na.” – Rodney. Yun lang? Wala na ba siyang ibang sasabihin? Nakakadagdag ng init ng ulo!

“Alam niyo, wag na natin pag-usapan pa ung kanina. Kumain na lang tayo!” sabi naman nitong si Mikaela. PG lang!

Leche! Wala akong gana. Hanggang ngayon, inis pa rin ako sa babaeng un, pati na rin kay Rodney! He is ignoring me. Grabe lang! Simula nung kulitin ko siya kung sino ung pinag-uusapan nilang babae kanina, nagkaganyan na siya! FVCK!

(RODNEY’S POV)

Habang kumakain kami, simple kong sinulyapan si Trisha. Nasa mukha niya pa rin ung pagkabadtrip. Well, hindi na ako magtataka kung muntik niya ng masaktan ung babaeng nakabangga sa kanya kasi ugali niya na un. Madali talagang uminit ang ulo niya. Araw-araw ata PMS. Hindi ko muna siya pinapansin kasi alam ko, once na pansinin ko siya, kukulitin niya na naman ako tungkol kay Monicka.

Ineenjoy ko lang ang pagkain ko ng patigilin kami ni Prime sa pagsubo.

“Hey guys, tumigil muna kayo sa pagkain.”

“Bakit? Pauso mo! Kakain ako! Gutom ako noh!” sabi naman ni Daryll. Isusubo na sana niya ung pagkain ng hawakan ni Prime ung kutsara niya.

“Hep! I told you wag muna. Kasi may ipapakita ako sa inyo. At kapag nakita niyo na, baka mailuwa niyo ung kinakain niyo. Especially, us, boys.” Then he smiled.

Lakas trip na naman ni Prime. Tiningnan lang namin siya. Kinuha niya ung phone niya. Tss. Picture lang ata ng babae niya.

“Picture ng babae? Baka pangit yan!” sabay tawa ni Daryll.

“Hindi siya pangit. Ang ganda kaya niya. Oh tingnan niyo!” tapos inabot niya ung cellphone niya kay Devin at pinasa naman kay Daryll.

“Whoah Pare! A goddess!” – Daryll

“Di mo tinanong ung pangalan? Tsaka dapat hiningi mo ung cellphone number!” – Devin

Pfft. Babae nga. Mahihilig talaga sa mga babae toh. Sila Trisha di na nag-aksayang tingnan ung picture. Kumain na lang sila.

“Oy pare, tingnan mo. Ang ganda niya diba?” sabay abot saken ni Daryll nung phone ni Prime. Nagulat ako ng Makita kung sino ung nasa picture.

Monicka??? Paano nagkaroon ng picture ni Monicka si Prime? Magkakilala ba sila?

“Akin na nga yang cellphone ko! Natulala na si Rodney ooh.” Tapos nagtawanan silang tatlo.

“Eh teka nga, sino ba yan?” sabay agaw ni Arra ng phone kay Prime.

“Eh ito ung babaeng nakabangga kay Trisha! Ito un diba?” pinakita niya kila Chescka, Hannah at Mikaela ung picture.

“Oo nga, siya un!” – Hannah

“Goddess huh?” inagaw naman ni Trisha ung phone at tiningnan ung picture, “She’s not a goddess. Dapat dito binubura. ----- oh ayan, deleted!”

“Ano ba Trisha, bakit mo binura?” reklamo ni Prime.

“Concerned lang ako sa phone mo, baka magkavirus eh.” Then she smirked. Galit si Trisha kay Monicka. Paano kaya kung malaman niya na si Monicka ung babaeng …….

“Nakuu Trisha! Kung di lang kita kaibigan, baka -------“ – Prime

“Baka ano Prime?”

Hindi ko na hinayaan pang sumagot si Prime kay Trisha. Baka mag-away pa ung dalawa.

“Kumain na lang tayo, please. Nag-aaway pa kayo jan.” and by my words, tumahimik sila.

Si Monicka, andito rin siya sa mall. Sana Makita ko siya o makasalubong man lang. I want to see her smile.

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon