Chapter 21

30 3 0
                                    

Chapter 21

(HELLO bebe CRISTINE ALEJO! Ito na ang character mo. Wag ka na magreact sa mga mababasa mo, dagdag na lang yan! Wag ka ng demanding huh? Gusto mo patayin na kita agad dito? HAHAHAHA. JOKE!)

(SUNSHINE’S POV)

“Sunshine, sige na! Pumayag ka ng sumali. Please.” Sabi ni Nicee habang inaalog-alog ung kamay ko.

Kanina pa nila ako pinipilit na sumali sa pageant para sa college week namin.

Kanina ko pa rin sinasabi na ayokong sumali.

Pero hindi talaga nila ako tinitigilan.

“Sige na Sunshine. Walang representative ung section natin oh. Ikaw lang pwede eh. Subok ka na eh!” sabi naman ni Shaei.

Isa pa 'to eh. Ang kulit-kulit!

Marami  na nga akong nasalihan na beauty contest pero hindi naman ako nanalo.

Lagi lang ako 1st o kaya 2nd runner-up.

BOBO KASI AKO! MAHINA AKO SA QUESTION AND ANSWER PORTION!

Kahit na maganda, matangkad at slim ako, wa epek pa rin kasi nga may tanong-tanong pa. Natatalo tuloy ako! Nakakahiya lang! At ayokong mapahiya sa buong university namin.

“Ayoko nga eh!” ulit ko.

“Bakit ba ayaw mo? Kunwari ka pa. Alam ko naman gusto mo sumali. Ayyiieee! Sasali na yan.” Ayan na naman si Nicee. Kahit kelan talaga eh. Di maubusan ng kakulitan. Buti na lang absent si Ricky ngayon. Dalawa lang silang nangungulit.

“Nahihiya nga ako. Iba na lang isali niyo!” sabi ko tapos tinuloy ko na ang pagpupulbo ko.

Kelangan maayos naman ang mukha ko kahit konti. Nakakahiya sa tao. Pero ngayon lang 'to. Pinakialaman ko lang kasi ung make-up ni Nicee.

“Ngayon ka pa talaga nahiya. Ilan na bang beauty contest ang nasalihan mo? As far as I know nasa sampu na. Tapos ngayon sasabihin mo nahihiya ka. Baliw ka talaga!” tuluy-tuloy na sabi ni Nicee.

Naglagay na lang ako ng lipstick at eyeliner. Bahala nga sila. Ayoko ngang mapahiya eh. Tsaka magastos ang pagsali sa pageant. Wala akong pera. Pulubi lang ako! Namamalimos nga lang ako sa Quiapo tuwing gabi eh. HAHAHHAHAAHAH!

“Bakit kasi ako pa ung pinipilit niyo? Bakit di nalang itong si Shaei eh mas maganda naman yan kesa sa akin!” sabi ko sabay turo ko kay Shaei na busy sa pagsusulat ng pangalan ni Rodney sa likod ng notebook niya.

Adik na talaga ang babaeng to palibhasa friends na sila ng soulmate niya.

“Ako? Ako talaga? Wag mo nga ibahin Shine, ikaw nga daw eh. Tapos nagtuturo ka ng iba!” sabi naman niya tapos pinagpatuloy ang pagsusulat.

“Eh? Si Shaei na lang kasi. Sigurado panalo tayo niyan kapag siya ung nilaban. Siya pa ung tatanghaling MS. *toot* UNIVERSITY!” pagpipilit ko.

Si Shaei kasi ang tipo na nilalaban.

Ang ganda kaya ni Shaei. Kahit na di siya maputi, sobrang ganda niya.

Tapos matangkad pa siya, mga kasingtangkad ko.

Sexy pa! May harap at likod. Eh ako? WALA AKO NUN!

Kung siya talaga isasali, panalo agad.

May aangat pa ba sa isang SHAEI BARCELO???

*pak*

Natigil ako sa pagkocompliment kay Shaei kasi naman bigla na lang akong binatukan ni Nicee.

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon