Chapter 26

23 3 0
                                    

CHAPTER 26

(SHAEI’S POV)

Kanina ko pa hinahanap si Rodney pero di ko pa rin siya nakikita. Bakit naman ganon eh di naman masyadong malaki ung university namin?

Hala Rodney! Di ka naman nagpaalam saken na aalis ka na! Nakakainis naman ooh!

Napadaan ako sa bulding ng college nila. Ehh? Ang dilim na. Patay na lahat ng ilaw. Nakakatakot. Wala naman siguro si Rodney jan sa loob diba??? Saan ba kasi nagpunta ung gwapog nilalang na un???

Baka naman nagustuhan ng mga multo at kinuha na siya. Sabi pa naman, may multo daw sa building nila at ang kinukuha ay mga gwapo!

*crossed fingers* Wag naman po sana. Sabi niya kikilalanin niya pa daw ako eh. Gusto ko pa pong maging maganda ang love story ko. Wag niyo munang kunin ang bida!

*pssst*

Kinabahan ako ng may marinig akong sitsit.

*psssst*

Ayan na naman! Juskoo, takot po ako sa multo. WAAAAAAHHHHHH!

Tumakbo na ako! Hindi keri ng powers ko labanan ang mga multo.  Ung totoo, pinagpapawisan na ako ng sobra. At medyo naginginig na ako.

*pssst*

OHMAYGAHD! Sinusundan pa ata ako. Di na ako nagtangkang lumingon kasi baka kung ano pa ang Makita ko.

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon