Chapter 15

55 6 0
                                    

CHAPTER 15

(SHAEI’S POV)

Nainggit ako bigla kay Camille.

Siya na talaga may boyfriend. Ako na wala! Pero ayos lang. Masaya kaya kapag SINGLE.

Anyway, bumalik na kami ni Nicee sa upuan at nakisama na rin ako sa kanya sa pagbabasa.

Lagi kasi un may dalang pocketbooks eh. Adik!

Un ung ginagawa niya kapag wala kaming prof.

Aay, OO, wala kaming prof ngayon. Tamad un eh! HAHAHAHA

Kanina nga pala natuwa ako sa laro namin ni Sunshine. Loko kasi si Nicee, inumpisahan ung laro namin. Edi ako naman si go lang. Artista naman ako eh. ^____^V

Ung laro namin, acting-acting lang. Ikaw na bahala sa script mo. On the spot un eh. Kung ano lumabas sa bibig, un na! HAHAHAHA. Naalala ko ung mga reaction nung mga classmates. Paniwalang-paniwala na nag-aaway kami.

“Hey guys, baba na tayo! 30 minutes na ooh wala pa si Sir. Pero pinuntahan ko na siya sa faculty. Absent daw.” – Mr. President.

“Yey! Maaga break!” ang saya noh? 2 hours kasi 'to, so ibig sabihin, 2 hours and 30 minutes ung break namin since naubos na ung 30 minutes kakahintay kay Prof. Masipag J

Di pa nga kami lumalabas kasi nag-reretouch pa ng biglang bumukas ang pinto.

“Em-2A 'to diba? Andito ba si Shaei Barcelo?” tanong nung lalaking nagbukas ng pinto.

Napatigil ako sa paglilipstick.

Kilala ko ung boses na un aah.

Bakit niya ako hinahanap?

“KKKKYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!”

Makatili naman ung iba kong classmates na babae, WAGAS.

“OhEm, diba siya si Rodney Castillo? Ang gwapo niya!” sabi ng isa kong classmate na babae.

Tiningnan ko siya ng masama. Alam niya naman ata na AKIN si Rodney diba? Anong sinasabi niyang gwapo? Gusto niya bang masaktan? Sampalin ko siya!

“Hehe, joke lang!” tapos ngumiti siya saken.

Ayan, alam niya naman pala eh! HAHAHAH. Ang bad ko ^____^V

“Hoy 'te, Shaei Barcelo daw? Ikaw un diba?” *smile* ung ngiti na un ni Nicee may something eh.

May tumatakbo na naman sa isip ng lukaret na yan!

“ITO SI SHAEI BARCELO OH!” sigaw ni Sunshine habang nakaturo saken. Tapos sabay hila saken palapit kay Rodney.

Nakatingin lang siya.

Gwapo, kainis!

Ung heartbeat ko, nagiging abnormal na naman.

Lub.lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub. lub.

“A-ako nga si S-Shaei. Bakit?” *smile* Bakit ba nauutal pa ako? Si Rodney kasi eh.

“Gusto ko lang sana tanungin kung pwede sabay tayo mag lunch?”

Waaaaaaahh! Yayayain niya ba ako mag-lunch???

Yes! Yes na yes ang sagot ko! ^_^

“Pinapatawag ka ni Mrs. Lazaro” pormal na sabi niya.

Ampfness! Akala ko pa naman … ambisyosa talaga ako!

“Ngayon na ba daw?” tanong ko.

Gahd, usapan na tawag dito diba? Natutuwa ako, nakaka-usap ko siya!

“Yes, nadaanan niya daw kasi na wala kayong klase eh.”

“Aah ganon ba? Sige, pupunta ako. Kunin ko lang bag ko.” *smile*

“Okay, sabay na tayo paakyat!”

Kyaaaah! Kinikilig ako. Magsasabay kami paakyat kay Ma’am Lazaro.

Okay! Kumpleto na araw ko. Pinasaya na naman ako ng nilalang na 'to.

Pagkakuha ko ng bag ko. Narinig kong may sinabi pa si Nicee at Sunshine.

“Okay, sabay na tayo paakyat. Ayyyiieee, kinikilig na yan! Hoy 'te, pwede ding di muna ngumiti. Grabe ang smile aah, abot hanggang batok.” - Nicee

“Ui, punta na dun kay soulmate. Tsaka, bawas-bawasan nga ang blush on. Sobrang pula! HAHAHA. Magkwento ka mamaya aah! Ayyyiieeee!” – Sunshine

“Mga baliw!” Un na lang ung nasabi ko. Takte, sobrang nag-iinit na ung mga pisngi ko.

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon