Chapter 25

26 3 0
                                    

CHAPTER 25

(SUNSHINE’S POV)

Nakuha ko ung title.

Natutuwa ako dahil nagawa kong ipanalo ang pageant na 'to. Natutuwa ako dahil hindi ako kinabahan kanina sa question and answer portion. Natutuwa ako dahil nakapag-english ako ng diretso. Natutuwa ko dahil hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko, lalo na si Nicee at Shaei. Rinig na rinig ko ang pagsigaw nila.

Natutuwa ako dahil andito siya.

Nandito ang lalaking nakakuha ng atensyon ko.

Nandito ang lalaking naging laman ng mga panaginip ko.

Nandito ang lalaking minahal ko, unang kita pa lang.

“Sunshine! Congratulations. Ang galing- galing mo!” sabay yakap saken ni Shaei.

“Nagawa mo Shine. I’m so proud of you.” – Nicee

“Lalo kang gumanda nang maayusan ka. Thanks to myself.” – Camille

“Ganda ng ate ko!” – Ricky

“Pwede din bang makiyakap? Part din ba ako ng pagkapanalo mo?” – Dara

“Oo naman. Chuserang froglet ka. Salamat sayo.” Tapos niyakap ko si Dara. Siguro naman friends na kami noh. Mabait naman pala siya eh. Gaya nga ng sabi ni Shaei, pwedeng-pwedeng maging kaibigan.

“Congratulations.” *smile* Andito din pala si Rodney. Level-up na ang ate Shaei ko aah.

Maya-maya, lumapit samen si Dean Santos, kasama siya.

Parang nahihirapan akong huminga habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad papalapit samen.

Napanuod niya kaya ako???

“Calvin?” mahinang sabi ni Shaei.

“You deserve the title, Ms. Sunshine Montejo. Congratulations!” shake-hands kami ni Dean tapos umalis muna siya para icongartulate din daw ung iba.

“Congratulations.” Yun lang ang sinabi niya saken. Hindi man lang niya ako kinamayan.

Parang bigla akong nalungkot dahil nakita ko andun na naman siya kay Shaei.

“Calvin! Grabe ngayon na lang ulit kita nakita.” Tapos niyakap siya ni Shaei pero saglit lang naman.

Gusto kong magalit sa babaeng un. Andito din ung lalaking sinasabi niyang mahal niya tapos yayakapin niya si Calvin.

The efff! Nakakainis!

“Oo nga eh. Matagal-tagal na rin ung huli nating pagkikita.” Sabi naman ni Calvin. Tapos inakbayan niya si Shaei at may binulong.

“I miss you.”

That hit me. Kahit bulong na un, narinig ko pa rin.

Pero bakit parang ang sakit? Bakit parang may sumaksak sa puso ko?

Gusto kong magselos. Gusto kong ako ung inaakbayan niya. Gusto ko ako na lang.

Bakit ba si Shaei?

“Weh? Tumigil ka nga Calvin. Ipahalay kita kay Ricky eh.” Sabi naman ni Shaei tapos tinanggal ung pagkaka-akbay ni Calvin sa kanya.

Si Ricky naman nakita kong nakangiti.

“Ayoko. Ikaw gusto ko.” tapos umakbay ulit si Calvin.

“Ayoko. Ikaw gusto ko.”

“Ayoko. Ikaw gusto ko.”

“Ayoko. Ikaw gusto ko.”

Waaahhh! Gusto na magwala ng kalooban ko! Gusto ko ng umalis at lumipad papuntang Mars!

Gusto ko ng saksakin si Shaei at halayin si Calvin!

Gusto ko ng iuwi si CALVIN SANTOS!

Napansin ko naman, biglang lumabas si Rodney. Ewan ko pero parang may nakikita akong kakaiba sa kanya.

“Che, lumalayo-layo ka nga Calvin. Makita tayo ng nanay mo dito baka kung ano pa isipin. Tsaka, andito si----“

Hindi natapos ni Shaei ung sasabihin at lumingon-lingon. Parang may hinahanap.

“Hala! Asan na un? Asan na si Rodney?” tanong niya.

Oh ngayon hahanap-hanapin niya. Kanina nakikipaglandian siya kay Calvin hindi niya man lang napapansin si Rodney.

Bahala nga siya sa buhay niya!

“Baka lumabas.” Sabi naman ni Nicee.

“Hoy Calvin Santos! Ikaw may kasalanan nito eh. May paakbay-akbay ka pa kasi saken. Pag di ko lang mahanap si Rodney, papatayin kita!”

“Ikaw kaya nauna. Niyakap mo pa nga ako eh.” Then he smirked.

“ Bwisit!” tapos umalis na si Shaei.

Nakita kong sinundan niya ng tingin si Shaei. Ung tingin niya na un.

Alam ko, mahal niya ang kaibigan ko. Pero too bad, Shaei don’t feel the same way as he.

Bigla-bigla, nakaramdam ako ng matinding insecurity kay Shaei.

“Sunshine, napanuod kita kanina. You’re great.”

Napatingin ako sa nagsalita. Si Calvin. Dapat matutuwa ako kasi nga pinuri niya ako. Pero hindi ko magawa dahil kita ko sa mata niya na malungkot siya. Kanina nung kausap niya si Shaei, parang kumukislap-kislap pa ung mga mata niya. Bakit ngayon iba na?

“Salamat.” *smile*

“Mas gumanda ka. *smile* Sige, una na ako.” Tapos umalis na siya.

Mas gumanda ako, pero mas maganda pa rin si Shaei. Ang sakit lang. Sana di na lang siya nagsabi ng ganon.

</3

Sodalis VitaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon