9221

17 5 0
                                    

Pati po ito, nilipat ko na rin. XD

*****

Sa loob ng 9221 segundo...

Ikaw ang gusto kong kasama.

-His Side-

~~~~~~~~~~

"O ito. Anong sinabi ng hipon sa katabi niya sa LRT?"

"Sa LRT? Ano?"

"uSUGPO! uSUGPO! Dadaan lang po! Hahaha!"

Heto na naman ako. Magbibiro at tatawa sa sarili ko ring kalokohan. Pero hindi na bago ang ugali kong ito sa inyo.

At heto ka rin, nakikinig at tatawa sa mga corny kong joke. Hindi ko napapansin, masaya akong naririnig ang pagtawa mo. Hindi na nga kumpleto ang araw ko ng hindi ka nakikitang ngumiti.

Tandang-tanda ko pa. Break na ng klase namin at niyaya ko si Kristan na kumain sa cafeteria. Magpapalipas na rin kami ng oras.

Ikaw agad ang nakita ko. Mag-isang nakaupo sa isang sulok at nagbabasa. Agad kong sinabi kay Kristan na umupo sa lamesang malapit sa pwesto mo. Sapat na para makita kita.

Napakahinhin mong kumilos. Pero ang lungkot sa mata mo ang unang mapapansin.

Hindi ko alam pero...

Naagaw mo agad ang atensyon ko.

Hindi naman kita kilala kahit na napakarami kong kaibigan dito.

Nakasuot ka ng black shirt na may disenyo ng isang kuneho na katerno ng skinny jeans at flat shoes mo. Sobrang simple mo pero iyon din ang dahilan ng pagtitig ko sa iyo.

Sinubukan kong alisin ang atensyon ko sa'yo at nakipagkwentuhan na lang kay Kristan. Pero kahit anong pilit ko, bumabagsak pa rin sa iyo ang paningin ko. Idagdag pa na nakakapagtaka ang katahimikan mo.

Napapasulyap ako sa iyo na agad kong binabawi para hindi mo mahalata. Dahil hindi kita maalis sa isip ko, ikaw ang na-drawing ko sa notebook.

Kinabukasan, pumunta ulit kami sa cafeteria. Nagbabakasakali akong makita ka ulit. At hindi ako nabigo.

Malungkot at nag-iisa ka na naman.

Nakikipagbiruan ako kay Kristan.

Sinasaway niya na rin ang kaingayan ko.

At palihim pa rin akong sumusulyap sa iyo.

Hanggang sa lagi na kitang nakikita. Nakakailang tapon-tingin na rin ako sa'yo. Pakiramdam ko, napakakalmado ng lahat sa tuwing nakikita kita. Nakakalimutan ko lahat ng problema.

Kwento? Meron Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon