Meet Again

35 4 18
                                    

Para sa'yo ito mommy. Sana magustuhan mo. Sorry din po kung natagalan. (∩_∩)

*****

Ezekiel

"Bro, cake niya ba talaga 'yan?" tanong ni kuya Harold na nagtatakang tumingin sa akin.

May disenyong mga bola, kulay asul, may lalaking bata sa gitna na nakasuot ng jersey at may nakasulat na 'Happy Birthday Mike!'

Obviously, it is not her cake. Hindi siya mahilig sa basketball at babae ang pamangkin ko.

Kaya naman kunot na kunot ang noo namin ni kuya nang makita namin ito. Binatukan niya ako bigla at sinermunan.

"Bakit kasi hindi mo man lang tinignan iyong laman bago mo kinuha?!"

"Eh ikaw kaya 'tong pinagmamadali ako, kuya. Sakto naman kasing tinawagan mo pa ako sa bakeshop kaya aligagang-aligaga ako," sagot ko.

Na-late kasi ako ng gising at nakalimutang mag-alarm kagabi. Ako pa naman ang inutusan ni kuya na kukuha ng cake ni Tiffany ngayon. Kaya naman halos tumakbo na ako papuntang bakeshop para kunin ang cake niya dahil sinisigawan na niya ako sa telepono.

"Ikaw pa talaga ang sisira sa birthday party ng anak ko! Bilisan mo at balikan mo 'yung cake!" Sigaw niya sa akin na halos umusok ang ilong niya sa inis. Gusto kong tumawa pero alam kong lalo siyang magagalit. Pinigilan ko muna ang sarili ko.

"Oo na kuya. Basta pakainin mo ako mamaya ha"

Baka kasi sa sobrang inis niya sa akin, hindi na niya ako papayagang kumain. Hindi pa kasi ako kumakain mula kanina. Nagpalipas pa ako ng gutom kagabi dahil inaayos ko ang layout na binigay sa akin ng katrabaho ko kahapon. Dadagdagan ko na lang siguro ang regalo ko sa pamangkin ko para makabawi.

Bumalik na ako sa bakeshop na in-order-an namin. Medyo may kalayuan mula sa bahay nila kuya Harold pero dito nila gusto dahil masarap sila mag-bake.

Iilan na lang ang tao sa loob, hindi gaya kanina na madami ang bumibili at nagpapa-reserve ng cakes. Kaya siguro nagkamali ng bigay ang babae sa akin kanina dahil aligaga din siya sa dami ng dapat asikasuhin sa shop. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko rin tinignan kung tama ang naibigay niya.

Nakita ko naman ang babae na nag-abot sa akin ng cake. Ngumiti siya ng lumapit ako at napagawi ang tingin niya sa hawak kong kahon.

"Good morning ulit, sir! May problema po ba sa cake?" Tanong nito.

"Miss, mukhang mali kasi ang naibigay mo sa akin. Pang-lalaki kasi ito," sabi ko at iniabot ito sa kanya. Binuksan niya ang kahon at nakitang iba nga ito mula sa pina-personalize naming cake.

"Sir, sorry. Pero tandang-tanda ko po na naibigay ko po ng tama sa inyo iyong cake," sabi ng babae kaya nagsimula na rin akong magtaka.

"Baka nagkapalit mo lang. O nagkamali ka ng bigay," sabi ko at sasagot na sana siya ng biglang may dumating at pumunta sa tabi ko.

A girl with reading glasses. She wears a denim shirt with skinny jeans and a pair of white sneakers. Mukhang nagmamadali ito dahil medyo hinihingal siya. May hawak din itong kahon na kapareho ng sa akin.

"Uh--- Excuse me po. Iyong in-order ko kasing cake iba," sabi ng babae sa kausap kong staff.

She looks familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Bigla siyang napatingin sa akin at nakita kong nanlaki ang mata niya ng makita ako. Bakit? Mukha ba akong masamang tao? Napaiwas naman agad siya ng tingin.

Kwento? Meron Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon