Seen

39 7 7
                                    

1:54 pm

Kenneth: Hi :)

Seen

Kenneth: Kamusta ka na?

Seen

Kenneth: Balita ko may bagong nanliligaw sayo

Kenneth: Gwapo ba?

Kenneth: Mas gwapo pa sa akin? (^ム^)

Seen

Kenneth: Magreply ka naman. Ang sakit kaya ma-seen. :(

Trisha: ?

Kenneth: Ouch (╥_╥) Salamat sa reply

Seen

Kenneth: Tama na ang seen please (ಥ_ಥ)

Seen

Kenneth: Ganyan naman lagi eh. Hanggang seen lang ako. Noon pa man...

Seen

Kenneth: .·´¯'(>▂<)´¯'·.

Seen

Kenneth: (;´༎ຶД༎ຶ')

Seen

2:24 pm

Kenneth: Trisha... Talk to me please...

Trisha is typing...

Kenneth: O___O

Trisha: ...

Trisha: ...

Trisha: Pwede bang mamaya ka na mag-chat kay ate?

Trisha: Wala siya dito

Kenneth: ???

Kenneth: Sino ka?

Trisha: Kapatid niya ako. Gamit ko laptop niya ngayon

Kenneth: Kapatid? Ikaw ba yung si Sophia?

Trisha is typing...

Trisha: Yup

Kenneth: Bakit pati account niya ginagamit mo?

Kenneth: Binabasa mo yung messages sa kanya?

Kenneth: Isusumbong kita sa ate mo

Trisha: Sumbong mo. Parang masusumbong mo naman ako :b

Kenneth: -___-

Kenneth: Kilala mo ba kausap mo?

Seen

Trisha: Oo

Trisha: Ikaw yung binasted ni ate di ba?

Kenneth: -___-

Trisha: Nung 3rd year high school.

Kenneth: -___-

Trisha: Sa tapat ng computer lab.

Kenneth: Okay. Tama na. (Θ︹Θ)ს

Trisha is typing...

Kenneth: Tama na nga sabo eh

Kenneth: *sabi

Seen

Kenneth: Paano mo nalaman kung sino ako?

Kenneth: Kinuwento ako ng ate mo? (*¯︶¯*)

Trisha: Asa ka diyan. Hindi noh. Nandoon ako nung tinanong mo siya kung pwedeng manligaw

Trisha: Hindi ka pa nga tapos sa pagsasalita, humindi agad si ate. XD

Kwento? Meron Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon