12:

26 5 6
                                    

Nililipat ko na po kasi yung mga short stories dito. XD In-edit ko na rin.

*****

12:29 AM

Ikaw agad ang naaalala ko sa oras na ito.

-Her Side-

~~~~~~~~~~

"Tan-Tan, anong sinabi ng alon sa kaibigan niyang alon?"

"Ano?"

"Wala. Nag-WAVE lang sila. Hahaha!"

Heto ka na naman. Nagbibiro at tumatawa sa sarili mo ring joke. Kahit napaka-corny at hindi na bago ang mga sinasabi mo.

At heto na naman ako, nakikinig sa mga biro mong iyon. At ang hindi ko inaasahan ay ang pagpapangiti mo sa akin sa simple mong kalokohan. Ang weird pero hindi na nabubuo ang araw ko ng hindi naririnig ang mga jokes mo.

Naaalala ko pa noon. Lunch break, nandito ako sa cafeteria dahil dito ako laging kumakain at nagpapalipas ng oras. Hinihintay ang susunod kong klase tulad ng kinagawian.

Pero hindi ko inaasahan ang pagpasok niyo at pag-upo sa katabi kong lamesa. Hindi ganoon kalapit pero hindi din ganoon kalayo. Sapat na para marinig ko kayo.

Sinong hindi makakakilala kay Kristan? Siya lagi ang laman ng mga usapan ng mga babae dito. Kilala rin siyang bokalista sa banda ng university. Kaya walang dahilan para hindi ko siya makilala.

Pero ikaw.

Ikaw ang umagaw ng atensyon ko.

Ni hindi nga kita kilala o pamilyar man lang sa akin.

Nakasuot ka ng red polo na terno sa black jeans at gray chucks mo. Sa tangkad mo, imposibleng hindi ka mapansin. Pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko ay ang ngiti mong may pagkapilyo pero iba ang sinasabi ng mga mata mong may malalalim na kahulugan.

Naririnig ko ang usapan niyo ni Kristan mula sa pwesto ko. Ayoko mang makinig pero parang inaakit ako ng malalim ngunit pilyo mong boses. Idagdag mo pa ang mga nakakatawa mong joke at banat.

Napapangiti ako. Pero pinipilit ko iyon itago at hindi ipahalata sa inyo. Nagpanggap akong hindi nakikinig habang nagbabasa.

Pero kinabukasan, nandito na naman kayo sa pwesto niyo malapit sa akin.

Nagbibiro ka na naman.

Sinasaway ka ni Kristan sa kaingayan mo.

At nakikinig ulit ako.

Palihim na nakikitawa at ngumingiti.

Kwento? Meron Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon