Ambon

35 7 4
                                    

"GO GENESIS!!!"

"WOOO!!! ANG ASTIG NIYO!!!"

"AYLABYU BEBE KYLE!!!"

Tinakpan ko na lang ang aking tainga dahil sa ingay ng mga babae sa gilid ko. Sobrang lakas nilang tumili na kulang na lang ay pumutok na ang ugat nila sa lalamunan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pumunta sa ganitong event.

Pero hindi ko sila masisisi. Maging ako, gusto kong isigaw ang mga salitang iyon.

I love you, Kyle...

Lalong lumakas ang tilian at sigawan ng umakyat na sa stage ang banda nila- ang Genesis. Siya pa nga ang bokalista. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nandito. Katulad ng sinabi ko kanina, ayokong pumunta sa ganitong event ng university. Ayaw ko ng ingay. Ayaw ko ng madaming tao at siksikan. At higit sa lahat, ayaw ko ng mga babaeng makabasag-eardrums kung tumili. Pero niyaya niya lang ako, pumayag ako agad.

Nagse-setup ang banda niya ng tumingin siya sa direksyon ko at kumaway.

Maya-maya'y ang gitarista nila ay nag-umpisa ng magtipa sa kaniyang gitara. Tumahimik ang ilan upang marinig ang napili nilang awitin. Natuon dito ang atensyon ko ng magsimula na rin siyang kumanta.

Tumingin siya sa akin at biglang ngumiti. Ang mga ngiting iyon ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Nakakahawa. Sa tuwing nasisilayan ko ang mga iyon, gusto na ring kumurba ng aking mga labi.

Idagdag pa ang kaniyang mga tawa na sadyang musika sa aking tainga. Sapat na iyon para makaramdam din ako ng kasiyahan.

Napangiti rin ako habang patuloy siya sa pag-awit.

Naaalala ko pa, magkaklase kami simula high school pero hindi kami nagpapansinan. Madalas kasi akong naiilang sa kanya at wala rin akong balak makipagkaibigan. Si Kyle naman, palakaibigan siya pero hindi rin magawang kausapin ako. Siguro dahil sa mailap ako noon. Wala akong kaibigan. Madalas akong mapag-isa at wala ring may gustong pumasok sa buhay ko. Ayaw siguro nila sa boring. Mga libro ang kaharap ko araw-araw.

Pero nagbago ang takbo ng storya ng maghiwalay ang mga magulang ko. Mahirap para sa akin ang kanilang desisyon. Nang hindi ko na kinaya, umiyak ako sa likod ng stage nang wala ng gaanong mga tao. Doon ko nilabas lahat ng galit, lungkot at pag-iisa na aking nararamdaman. Pero hindi ko inaasahang siya ang makakakita sa pagtulo ng aking mga luha.

Hawak-hawak niya ang kaniyang gitara. Naroon yata siya upang mag-ensayo dahil madalas na siyang sumasali sa mga contest noon. Tumabi siya sa akin at biglang nagsabi ng joke. Akala ko uusisahin niya ako sa aking problema. Iyon pala ay papatawanin niya ako. Noong una, hindi ko magawang tumawa sa mga joke niya na sobrang corny. Pero hindi ko namalayang nahawa na lang ako sa pagngiti at pagtawa niya. Gumaan ang pakiramdam ko. Hindi pala ako nag-iisa.

Sumabay ang mga manonood sa kanilang awitin. Hinayaan ko na lang ang nasa paligid ko na sumiksik pa lalo sa akin. Nakapikit pa ang mga mata ni Kyle na para bang binubuhos ang kaniyang emosyon sa awitin. Hindi ko na rin maalis ang tingin sa kanya.

Matapos ang pangyayaring iyon noon, naging malapit kami sa isa't isa. Maraming nagtaka na ang sikat na si Kyle ay magiging kaibigan ang isang weirdo na Trina. Maging ako, hindi makapaniwalang lalapit siya sa akin at makikipagkwentuhan. Nagkaroon ako ng kaibigang pinapagaan ang loob ko. Pinapasaya ako sa mga jokes at banat niya at handa ring makinig sa akin. Kaibigang lagi akong pinoprotektahan at inaalagaan.

Matalik na kaibigang nagpahalaga sa akin.

Pero simula rin niyon, nasanay akong nandiyan siya lagi sa tabi ko. Nakalimutan kong masyado na akong dumedepende. Lagi akong sumasandal sa kaniya. Hinayaan kong umikot ang mundo ko kay Kyle. Nawala sa isip ko na posible rin akong magkagusto.

Kwento? Meron Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon