"Brian, tara na! Pumasok na tayo!" sabi ni Eros sa akin habang sinisiko pa ako.
"Wala na tayong mauupuan niyan eh," reklamo naman ni Ash na kanina pa nakakunot ang noo.
Napabuntong-hininga na lang ako bago pumayag na pumasok sa loob ng auditorium. Kanina pa rin kasi nila ako kinukulit dahil gusto na rin nilang maupo. Gusto lang talaga nila sa loob dahil may aircon.
Samantalang ako, heto at nagsisising sumama pa sa seminar na ito. Required talaga ang section namin na pumunta. Kailangan kasi ng representative sa bawat grade levels ng school.
Kung tutuusin, mas kaya kong tiisin ang nakakabagot na mga subjects kaysa ang makinig sa mas nakakabagot na seminar tulad ngayon. Hindi kasi talaga ako interisado.
Pinili naming maupo sa dulong row ng mga upuan. Kapag sa unahan o gitna kasi kami uupo, mahuhuli agad kami kapag nagdaldalan na. Sa aming barkada pa naman, agaw-pansin ang tawanan. Lakas humalakhak nitong sila Eros at Ash.
Malaki ang auditorium. Pati ang stage ay malawak. Sa pwesto namin, mapapansin na napakadami ding mga upuan. Sa kabilang side namin ay ang mga studyante galing sa ibang school. Lahat kasi ng paaralan sa lungsod namin ay imbitado. Kaya naman napakadami naming nakikita kahit ang mga studyanteng taga-private.
Hindi na rin namin hinanap ang mga kaklase namin dahil kasama nila ang masungit naming adviser. Hindi kami makakapagdaldalan kapag nagkataong sumama kami sa kanila. Takot lang namin na masigawan niya.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang seminar. Noong una ay tahimik pa ang lahat pero nang magtagal, nagkwentuhan na ang iilan. Hindi naman kami makapag-usap nila Ash dahil napakaingay ng mga nasa harap namin. Mga babae na wagas kung magharutan dahil napakadaming nakikitang mga lalaki.
Magtitilian pa sila sa iba eh nandito naman ako. Para saan pa ang kagwapuhan ko, di ba?
"Bored na?" Tanong ni Eros na nasa tabi ko. Nasa gitna namin siya ni Ash nakaupo. Tumango ako bago inalis ang tingin sa stage. Nagsasalita kasi ang isang businessman na guest speaker sa seminar.
"Maglaro na lang kaya tayo," sabi ni Ash na mukhang nababagot na rin. Kahit isa sa pinakamatalino sa klase namin si Ash, hindi rin niya maiiwasang tamarin.
"Anong laro?" Tanong ko kaya napaisip kaming tatlo.
"Truth or dare" Napakunot ang noo ko sa sinagot ni Eros. Pati si Ash ay masama ang tingin sa kanya.
"Ang bakla naman niyon Eros!" sabi ko.
"Bakit? Nakaka-excite nga 'yun eh. Kaysa naman ma-bored tayo"
Kahit kailan talaga, nabibigla pa rin ako sa mga pinag-iisip nitong kaibigan ko. Minsan ang layo sa trip naming barkada. Napatingin naman kami sa isa't isa ni Ash. Bigla siyang napangiti--iyong nakakatakot na para bang may naisip siyang masamang balak--bago nagsalita sa amin.
"Kung 'yun lang din naman ang lalaruin, bakit hindi pa natin hirapan? Dare or dare. Puro dare lang"
"Anong parusa?"
"Hahalikan si Johnny"
Napangiwi agad kami ni Eros. Schoolmate namin si Johnny. Pero kung ano ang ikinalalaki ng pangalan niya ay ang ikinababae ng kilos nito. Lagi niya kaming sinusundan lalo na kapag nagpa-practice kami ng laro. Grabe din ito kung mag-make up. Akala mo takot masapawan ang pulang-pula niyang nguso.
At ayokong mahalikan iyon.
"Game?"
"Game. Ikaw Brian?"
Ano pa nga ba? "Oo na. Sige na" Natuwa naman agad ang dalawa. "Sinong mauuna?"
"Si Eros. Siya ang pinakamatanda eh"
![](https://img.wattpad.com/cover/82446303-288-k418633.jpg)
BINABASA MO ANG
Kwento? Meron Ako!
RandomA mushroom's compilation of short stories and one-shots. ٩(^ᴗ^)۶ Just my random thoughts. ☆ヘ(^_^ヘ)