Part 2 po ng 9221
*****
Sa 9221 segundo...
Mahahanap kita...
~~~~~~~~~~
Tatlong taon na ang lumipas...
Pero may isang tao pa rin ang laging nasa isip ko. Ang taong iyon pa rin ang nais kong makita ang magagandang mata. Isang taong hinahanap-hanap ko.
IKAW.
Ikaw pa rin ang laman nitong puso ko. Lagi kong naaalala ang bawat bagay tungkol sa'yo. Ang pagkahilig mo sa libro, ang malalalim mong tingin at ang iyong ngiti.
Dahil hanggang ngayon, mahal kita. At paano ba kita makakalimutan?
Tatlong taon. Tatlong taon ko ng sinusubukang maging masaya ng wala ka. Gusto kitang kalimutan pero may parte pa rin sa akin na napapaisip. Iniisip kung hinihintay mo rin ba ako.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa ginawa kong pag-alis. Kasalanan ko. Eh di sana ngayon, nasabi ko na ang nararamdaman ko para sa iyo. Minsan, ka-chat ko si Kristan na isinekreto namin sa iba pati sa iyo. Tinatanong ko ang kalagayan mo, kung may umaaligid bang manliligaw o kaya kung hinahanap mo rin ba ako.
Araw-araw, umaasa pa rin ako. Kahit napakahirap umasa ng walang kasiguraduhan. Na sana may parte rin ako sa puso mo.
Unti-unti akong nasanay sa States. Madali na para sa akin ang magkaroon ng mga kaibigan. Nakakasabay naman ako sa pag-iingles ng iba na sa una ay tinatawanan lang nila.
Nakasundo ko rin agad ang bagong pamilya ni Mama, lalo na ang kapatid kong lalaki. Tinuring nila ako na isa rin sa pamilya nila. Pero hindi rin mawala ang pagka-miss ko kay Papa.
At ang pagka-miss ko sa iyo...
Madami rin akong nakilalang mga babae dito. Pero lahat sila, hindi kayang pantayan ang pagtingin ko sa iyo. Dahil may nagbago man sa akin, hindi naman magawang magbago ng tibok ng puso ko sa'yo.
Tiniis ko ang ilang taon na sa bawat oras na lumipas, ikaw ang gusto kong makausap. Sa bawat araw, gusto kong marinig ulit ang pagtawa mo sa mga joke ko. Sa bawat segundo rin, ikaw ang nais masilayan.
Pero malayo ka na sa akin.
Pero isang araw... Muntik ng mapunit ang mukha ko sa sobrang pagngiti ng may malaman ako kay Kristan. Hinihintay mo daw ako. Araw-araw kang pumupunta sa bahay namin, pati sa tambayan ng barkada at cafeteria.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Kristan naman..."
"E nung isang araw ko lang sya nahuli na pumunta dun sa inyo. Hanggang ngayon, nakikita ko pa rin siyang pumupunta. Hindi niya naman sinasabi sa 'kin dahil simula ng umalis ka, lagi na naman syang mag-isa," paliwanag niya at ibinaba na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Kwento? Meron Ako!
RandomA mushroom's compilation of short stories and one-shots. ٩(^ᴗ^)۶ Just my random thoughts. ☆ヘ(^_^ヘ)