HST.1

1.3K 42 5
                                    

"Ate! Huy gising na! Nandito na tayo. Inaabangan ka na ng EXO mo sa baba."

"Ano EXO?! Asan?! Asan ang EXO!!" nagising ang buo kong kaluluwa nung marinig ko ang EXO.

"Wala! Asa ka naman. Sinabi ko lang yun para magising ka."

"Bwiset ka talaga Alexander Angelo!! Nandito na ba tayo sa SoKor?"

"Oo kaya tara."

Dali-dali na akong bumaba. Nabuhay na naman kaai yung feels ko. Pagbaba ko sa eroplano puros Koreano ang nakikita ko. Haaaaay South Koreaaa~~ Ang bango. Amoy EXO.

"Bilisan mo na! Nagdaydream pa to oh."

"Bakit ba ang init ng ulo mo ah?"

"Wala ang panget mo kasi." inunahan na akong maglakad ng kapatid ko, hinabol ko naman siya na papunta kila mama at tita Aida.

"Ales! Zander! Ang laki nyo na ah. Kumusta pag-aaral?" niyakap kami ni Tita.

"Okay naman po." sagot ni Zander.

"Uhhh... Tita, alam nyo po ba kung saan yung SM Building?" yan agad yung tanong ko.

"Hoy ano ka ba naman Ales! Kakarating lang natin yan agad inatupag mo." saway sakin ni mama.

"Sorry po."

"Hayaan mo na yung bata. Nandito kayo para magbakasyon kaya hayaan mo nang magsaya." humarap sakin si tita. "Alin ba? Yung sa SM Entertainment?"

"Opo. Opo. Yun nga po! Alam nyo po kung saan?"

"Oo, kaya lang kasi pag ganitong season maraming tao dun. Okay lang ba sayo na makipagsiksikan?"

"Sus yan pa! Basta para sa EXO niya." singit ng kapatid ko.

"Opo okay lang."

"Sige. Bukas magpasama ka kay ate Aileen mo." si Ate Aileen, anak ni tita Aida.

"YEY! Kekekeke makikita ko na ang EXO."

"Hindi yan. Sinasabi ko sayo di mo sila makikita."

"Che! KJ!"

Sumakay na kami ng taxi papunta sa bahay nila tita Aida. Pagdating namin, nandun si Ate Aileen pati yung asawa niyang Koreano, pati yung anak nilang ang cute-cute.

As usual, nagbatian, nagkamustahan.

"Ales, samahan mo ako sa supermarket." yaya sakin ni ate Aileen.

Syempre sumama ako. Chance ko na to para ma-explore ang SoKor, tsaka malay mo makita ko yung EXO. Habang nasa sasakyan kami papumta sa supermarket, nakatingin lang ako sa daan, tinitingnan ko yung mga building, tsaka baka mamaya dumaan yung EXO.

May nadaanan kaming appliance center, tapos yung mga tindang tv dun Miracles im December yung pinapalabas. Oh em geeeeeee!! Ito na naman po yung feels ko. Shet! Medyo pinigilan ko pa ying sarili ko kasi nakakahiya pag nagwala ako, sabihin pa nila baliw ako.

Nung matapos kaming mamili, pauwi na dapat kami kaso may nadaanan kaming arcade tapos nagyaya si Ate Aileen, nagyaya siyang sumayaw, yung parang sa Just Dance. Naghulog na siya ng token, tapos ang tugtog Wolf. Shet wolf! Awoooooooo~~~

"Yan Ales sayawin mo na."

"Hala nakakahiya ate."

"Di yan. Kaya mo yan." tinulak na niya ako palapit dun sa may just dance.

Nagsimula na yung tugtog. Naghalo yung feels ko sa tugtog, tsaka yung hiya ko. Sinundan ko na lang yung sa screen, buti nga nasusundan ko eh. Sinundan ko lang ng sinundan yung nasa screen, alam ko naman kasi talaga yung step ng Wolf eh. Hanggang sa matapos yung kanta, at nagulat ako sa palakpakan ng mga tao. Hala ang dami pa lang nanood.

"Ang galing mo pala sumayaw eh. Kabisado mo yung Wolf noh?" sabi ni Ate Aileen nung makalabas kami sa arcade.

"Hahah konti lang po."

"At dahil dyan ililibre kita ng bubble tea." Hinila niya ako sa tindahan ng bubble tea.

Bubble tea. Shit baka nandun si Sehun, tapos baka kasama niya si Luhan. Waaaaaaaaa.

Umorder na siya ng bubble tea, ako naman naghintay lang dun sa isang lamesa.

Biglang may lumapit na lalaki sakin. Hala anong gagawin nito sakin?Creepy amp.

"asdfghjlqwertyuiopzxcvbnm." hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Hindi naman kasi ako marunong magsalita ng Korean eh.

"Huh?!" sabi ko.

"You can't understand Korean?" buti nag-english siya.

"Yes I can't understand Korean."

"Oh. By the way, I saw you a while ago. I saw that you're a good dancer."

"Oh thank you." ngumiti naman ako. Syempre napuri ako eh.

May pinakita siyang ID sakin. "I'm from SM Entertainment---"

Biglang dumating si Ate Aileen dala yung bubble tea. Kinausap niya yung lalaki in Korean, kaya ayun hindi ko naintindihan. Habang nag-uusap sila biglang nanlaki yung mata ni Ate Aileen.

"Omg!! Ales!! Kung gusto mo daw maging SM trainee! Omg! Pumayag ka na!!"

"Weh? Seryoso?" baka kasi jinojoke lang nila ako. Malay ko ba kasi sa pinag-usapan nila.

"Oo nga! Nakitaan ka daw niya ng potential nung sumasayaw ka kanina sa arcade. Alam mo ba yung Super Junior tsaka yung Girl's Generation?"

"Oo ate alam ko. Talent sila ng SM. pati nga EXO eh."

"Idol mo EXO? Oh malay mo ito na yung daan para mameet mo sila."

"WAAAAAAAAA ATE!!! KINIKILIG AKO!!!! WAAAAA GUSTO KO NA MGING SM TRAINEE!!!! SABIHIN MO SA KOREANONG YAN NA TINATANGGAP KO NA YUNG OFFER NIYA!!!" nagtatalon ako sa tuwa habang inaalog-alog si ate Aileen.

"Eh pano mama mo?"

"Basta ako na bahala dun! Shet! Kinikilig ako ate! Makikita ko na si Luhan."

Nag-usap ulit sila nung lalaki at iniwan sakin yung callimg card niya. Waaaaaaa ito na to! Makikita ko na ang EXO! Makikita ko na si Luhan. Woooo~~ Hello SM Town! I'm coming.

hi sm town :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon