HST. 9

880 35 2
                                    

"Congratulations, Allison. The management and the instructors are very happy that you are doing well in your 7 months of training."

"Thank you, manager."

"You will be shooting your first project with EXO next week, and then the management will discuss about your debut." paliwanag ni Manager.

Nagulat ako sa ibinalita niya. Magdedebut na ako agad? Seven months pa lang akong nagtetraining tapos pag-uusapan na yung debut. "Woah! Really?"

"Yes. I heard you're going to debut as SM's first duo with Ten."

"Oh. Ten, the Thai trainee."

"Yes."

"Allison, Manager, the meeting is about to start." tawag sa amin nung staff. Ngayon kasi yung meeting with EXO para nga dun sa ififilm na bagong MV.

The meeting went well, naayos na lahat ng details sa gagawing mv. Nakakagulat lang yung professionalism ng EXO kapag trabaho na yung pinag-uusapan. Kaya pati ako parang nahawa sa professionalism nila at nagfocus lang sa meeting. Kahit saglit hindi lumipad yung isip ko, sobra talaga yung pagfofocus ko.

May dadating na sikat na composer dito para maging mentor namin for a month. Hindi siya yung unang pumunta dito para magmentor. Nung mga nakaraang buwan may mga personality na rin ang pumunta para magturo saming mga trainee.

Thirty minutes bago siya dumating, nagipon-ipon na kami sa loob ng practice room. Narinig ko sa mga kasama ko na masungit daw yung mentor namin, nakakatakot daw talaga at namamahiya ng trainee, minsan nga daw yun pa yung nagiging dahilan kung bakit nagququit yung mga trainee na tinuturuan niya.

"Okay, guys, this is Ms. Park, your mentor for one month." pakilala sa amin nung regular instructor namin at lumabas ng practice room.

"Go here and sing. You first." sabay turo sa akin.

What? Ako? Hindi ako ready. Hala tanga-tanga pa naman ako kumanta. Maayos lang yung kanta ko kapag nakapagvocalization, kumbaga sa sayaw, hindi ako marunong ng freestyle. "I'm not ready, Ma'am." kaysa naman mapahiya ako.

"I don't care. Go. Here. And. Sing."

Nangatog na yung tuhod ko. Bahala na. Pumunta ako sa gitna at pagkatapos ay umiyak. Hahaha joke lang. Pero nanginginig talaga yung buong katawan ko. Kahit nga kantang kakantahin hindi ko alam kung ano.

"What are you waiting for?! Sing!"

"Ehem. S-Say something I'm giving up on you~~"

"Stop! Ugh. You suck. Go back to your place!"

Pero imbis na bumalik ako sa upuan ko, hinarap ko siya. "Your fault. You forced me to sing even if I'm not ready." feeling ko naka-chin up, chest out at nakataas yung isa kong kilay. Nagulat din ako sa ginawa ko.

Tumayo siya sa kinauupuan niya."Oh. You little bitch. You must've a lot of confidence to answer."

Hindi ako sumagot, pero diretso pa rin akong nakatingin sa kanya.

"You're acting like a bitch, but you don't know how to sing. Act bitchy when you're good enough."

"Oh I can sing. Not only good but better. I'll show you."

"Oh you're bitchin' again. Next week, same time, same place I wanna hear you sing better. And if you didn't make it, you'll quit."

"Fine!" tapos lumabas ako sa practice room.

Nung naglalakad na ako palabas ng building tsaka ko lang naisip yung kagagahan na ginawa ko. Ano ka ba naman Ales!! Bakit ang gago mo rin minsan! Hindi ka naman talaga magaling kumanta, masyado kang nagmamarunong!! At talagang ang lakas pa ng loob mo na itaya yung career mo! Bobo mo talaga Ales hindi ka nag-iisip! Habang pinapagalitan ko yung sarili ko, sinasabunutan ko yung sarili. Wala namang tao kaya walang makakakita sa kabaliwan ko.

"Ales, anong ginagawa mo?" bakit biglang sumulpot si Luhan. Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko.

"Ah wala ha-ha-ha."

Sumabay na siya sakin sa paglalakad. "Kumusta yung mentor niyo?"

Nung naalala ko yung kagagahan ko kanina hindi ko maiwasang mapangiwi sa sobrang kahihiyan. "Ayun masungit. Hinamon ko pa nga siya next week eh. Kailangan kong kumanta sa harap niya."

"Anong problema dun marunong ka naman siguro kumanta."

"Marunong nga pero tanga-tanga ako kumanta. Kung hindi mo naitatanong eh sintunado ako nadaan lang sa voice lesson kaya tumino ng konti, tapos kapag hindi ko siya napahanga magququit ako."

"What?! Kailangan talaga magquit?" halatang nagulat si Luhan sa sinabi ko.

"Oo. Waaaaa~~ Kailangan ko na yatang mag-empake ng gamit."

"Hindi yan. Tutulungan kita."

Nagliwanag yung mukha ko. Nakakita ako ng pag-asa kay Luhan. Waaaah!! Thank you talaga Luhan! Kaya mahal na mahal kita eh! "Talaga?"

"Yup. Akong bahala." ngumiti siya at inakbayan ako.

Ayan na naman yung familiar na weird at awkward na feeling. Ito na naman yung pakiramdam ko nung sinabi ni Sehun na mahal din niya ako at nung sinabi ni Luhan na gusto niya ako. Ngayon ko na lang ulit naalala yung mga yun, hindi na rin namin napagusapan yun mula noon, siguro sadyang trip lang nila ako nung mga oras na yun kaya nila sinabi yun. Ayoko na rin masyadong isipin kasi, alam mo yun ayaw ko na mag-assume, assuming pa naman ako.

"Anong iniisip mo? May problema ba? Sabi ko naman sayo tutulungan kita diba?"

"Hindi yun. Wag mo na lang akong intindihin."

"Can we talk about us?"

Napatingin ako sa kanya sa tinanong niya."Huh? Us?"

"Yep. You and me. Us. Nung sinabi kong gusto kita seryoso ako dun."

Parang feeling ko bigla akong lumutang, tapos parang may tumugtog na orchestra sa loob ng tainga ko sa mga sinabi ni Luhan.

"I don't know why and how, and since when. Basta naramdaman ko na lang na naiinis ako kapag sobrang lapit mo kay Sehun, gusto kita makasama lagi, gusto kitang makita."

"B-But..."

"I know it's kinda awkward. Trainee and artist dating. And about the no dating rule sa contract, pero anong gagawin ko? Pwede ba nilang pigilan yung nararamdaman ko?"

"Sila hindi, pero ikaw kaya mo. Kaya pigilan mo na yan hangga't maaga pa." sabay takbo palayo sa kanya. Takbo ako ng takbo habang iniisip lahat ng sinabi ni Luhan, nagrereplay yun lahat sa utak ko.

1 new message

FROM: Baklang usa

I'll wait until you're ready to accept me and break the rule.

Ano ba?! Bakit ba nangyayari to?! Pangarap ko to dati ah, yung mapangasawa yung bias ko, pero bakit parang hindi ako masaya? Parang hindi ito yung makakapagpasaya sa akin.

hi sm town :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon