"Hoy Allison gising. Hoy may naghahanap sayo sa labas."
Dinilat ko yung mata ko, si Ten pala yung gumigising sakin. "Paano ka nakapasok dito sa kwarto ko?" tumayo ako para maghilamos.
"Hindi kaya naka-lock. Matuto kang maglock ng kwarto. May bisita ka sa baba. Ang aga-aga nambubulabog."
"Sino ba kasi yun?"
" Si Sehun hyung."
"Huh? Anong ginagawa nun dito?"
"Di ko alam. Babain mo na baka mainip. Bilisan mo lang pupunta pa tayong building."
"Oo na." Bumaba na ako, nakaupo si Sehun sa couch. "Sehun, anong ginagawa mo dito?"
"Allison." tumayo siya. "Sabi kasi ni Luhan hyung lumipat ka na daw ng dorm. Si Ten pala tong kasama mo."
"Ah oo. Sabay kasi kami magdedebut."
"Nabanggit na nga niya. Oy Ten alagaan mo to si Allison ah."
"Malaki na yan, Hyung di na kailangan alagaan."
"Wow Ten huh baka mamaya ako pa mag-alaga sayo." sabi ko.
"Seryoso ako,Ten." sabi ni Sehun.
"Halata nga hyung nakapoker face ka. Oo na aalagan ko na si Allison. May gusto ka lang yata dito eh." inakbayan ako ni Ten at pinektusan.
"Anoba! Utak mo eh no. Kalalaki mong tao ang lawak ng imagination mo." ginantihan ko siya ng kutos.
"Syempre lalaki ako, alam ko yung kilos ng mga lalaki. Palibhasa kasi manhid ka."
"Ewan ko sayo. Sandali lang maliligo lang ako." umakyat ako sa taas para doon maligo.
Abnormal talaga yun si Ten kung anu-anong sinasabi. Mamaya kung anong isipin nun ni Sehun.
Sabay-sabay kaming tatlong pumunta sa building, si Sehun dumiretso sa practice room nila, ganun din kami ni Ten.
"Ano gagawin natin ngayon?" tanong ko nung makapasok kami sa practice room.
"Tama nga yung hinala ko, may gusto sayo si Sehun hyung."
"Huh?"
"Umamin siya sakin."
"Naku jinijoke ka lang nun naniwala ka naman. Tara na." nagscroll ako sa mp3 player ng pwedeng sayawin.
"Seryoso siya. Anong gagawin mo?"
"Ano bang gagawin ko? Wala." ayoko na ng ganung mga topic. Naman kasi eh sinimulan ni Luhan to tapos agh.
"Eh sino yung tumawag sayo kagabi?"
"Wala yun."
"Okay." pumunta siya sa may salamin at nagsimulang sumayaw.
"Si Luhan yun."
Humarap sakin si Ten. "Ang ganda mo ah pinag-aagawan ka."
Pinitik ko yung mukha niya. Nagawa pang mang-asar eh. "Sinisira mo yung pageemote ko eh."
"Isipin mo yung rules ng management. Kung anong makakabuti sa inyong lahat."
"Oo alam ko naman yun. Kaya nga di ko na lang pinapansin diba?"
"Tara na nga. Wag mo na muna isipin yun." hinila niya ako. "Tara practice na tayo. Ano bang forte mo sa dancing?"
BINABASA MO ANG
hi sm town :: exo [complete]
FanfictionI'm Alesandra, new SM trainee. Paano kaya ako makikisama sa mga taong di ko kalahi? sa mga taong di ko maintindihan ang lenggwahe? at higit sa lahat paano ako makikisama sa bias ko?