"No, you can't." sabi ni Luhan at hinawakan yung kamay ko.
"Tara na, Allison, balik na tayong building." hinila ako ni Ten at tumakbo palayo sa kanilang dalawa. Tumatakbo kami hanggang sa loob ng practice room. Nilock ni Ten yung pinto.
"Thank you sa paghila sakin ah." sabi ko nung makaupo na kami.
"Alam ko kailangan mo, kasi hindi na maipinta yung mukha mo kanina." sabi sakin ni Ten. "Ang ganda mo a. Dalawang member ng EXO ang pinagaagawan ka."
"Ako pa ba? Ganda ko kaya."
"Pero seryoso, sino mas gusto mo sa kanilang dalawa?"
"Ultimate bias ko kasi si Luhan, bias wrecker ko si Sehun, tapos shini-ship ko yung Hunhan."
"Hunhan?" mukhang wala siyang clue sa Hunhan.
"OTP ni Luhan at Sehun."
"OTP?"
"One true pair. Parang loveteam."
"Huh? Si Luhan hyung at Sehun hyung pinagpe-pair mo?" siya naman yung mukhang hindi maipinta yung mukha.
"Hindi lang ako ano ba! Lahat ng fan ng EXO shini-ship. Maraming OTP sa EXO, hindi lang Hunhan."
"Grabe, parang ginagawa nyo naman silang bakla."
Gusto kong matawa ng malakas at sabihin sa kanya na bakla naman talaga ang EXO pero baka mamaya may makarinig na staff at maging issue pa, mahirap na. "Basta fandom joke lang yun."
"Realtalk, sino ba talaga mas gusto sa kanilang dalawa?"
Bayan! Akala ko pa naman makakaligtas na ako sa tanong niya kanina. "Hindi ko alam e."
"Weh?!"
Intrigero naman to masyado si Ten. Pero sino ba talaga? Gusto ko si Luhan kasi bias ko siya, pero more than that? Hindi ko talaga alam. "Hindi ko nga talaga alam! Ang kulit mo."
"Kung wala ka namang gusto sa kanila sabihin mo na para hindi na umasa."
"Eh nahihiya ako. Para namang ang ganda ko masyado kung ireject ko sila."
"Kaysa naman paasahin mo."
Free day namin ngayon. Si Ten uuwi daw sa kanila, ako hindi ko pa alam kung saan ako mamamalagi ngayong araw.
1 new message
FROM: Mic
busy ka bakla? Tawag ako ah miss na kita.Siya yung kaibigan ko sa Pinas na nagpakilala sakin sa mundo ng kpop.
TO: Mic
ge. Free day ko naman ngayon.Mic calling...
"Hello!"
(Hello bakla! Kumusta ka na?! Waaa~ bigtime ka na! Proud na proud ako sayo! May kaibigan akong SM trainee!)
"Hahahahaha ganda ko diba?"
(Ayoko mang sabihin to, pero oo ang ganda mo! Ano kumusta? Yung EXO lagi mo bang nakikita? Oy may rumor na kumakalat na may dinedate na trainee si Luhan, tas nung makita ko yung picture likod mo yung nakita ko! Ano nagdedate na ba kayo ng bias mo?) parang armalite yung bunganga ni Mic, sunod-sunod yung tanong.
"Gaga hindi ano ba! Nagkakataon lang na madalas kaming magkasama."
(Magkwento ka nga! Dali! Ang dami ko nang namimiss na kaganapan sa buhay mo.)
So kinwento ko naman lahat sa kanya mula sa umpisa. As in detailed.
(Seryoso bakla?! Hindi mo ko bineberto?)
"Oo nga! Mukha lang akong hindi katiwa-tiwala pero mapagkakatiwalaan naman ako."
(Tangina! Ang haba ng buhok mo! Sehun at Luhan? Tangina talaga! Pero bakla sisirain mo ang best otp.)
"Hahaha yun din ang iniisip ko. Mas shiniship ko ang Hunhan kaysa sa SonHan."
(SonHan? Ew ang pangit. Wag na. Manahimik ka na lang dyan sa SM, mag-training at magdebut, magpasikat, magpayaman. Wag mo nang guluhin yung otp nila.) kahit mukhang non-sense yung sinabi ni Mic, para sakin may sense naman yun.
Huminga ako ng malalim. "Syempre naman no. Kahit na bias at mahal na mahal ko yun si Luhan, mas magiging masaya pa rin ako kung magsa-sail ulit yung Hunhan."
(Bakla, ano kaya kung maging tulay ka para mag-sail ulit ang Hunhan? Yieee ini-imagine ko pa lang kinikilig na ako. For sure mamahalin ka ng sobra-sobra ng mga EXO stan kapag nalaman nila na nag-sail ulit ang Hunhan dahil sa isang fan.) Hahaha mukhang non-sense na naman yung sinabi niya pero parang great idea yun.
"Omo! Kinikilig ako Mic hihihi. Sige sige. Brace yourself, because Hunhan will be back!"
Biglang nag-vibrate yung phone ko habang kausap ko si Mic, may isa pang tumatawag. "Wait lang Mic, ihohold kita, may tumatawag."
(Sige.)
Baklang usa calling...
Bakit naman kaya tumawag to?
"Hello?"
(I knew it. You really love me. Yun na yung sign para hindi sumuko sayo.) then he hang up.
Ano daw? Anong pinagsasabi nun?
Luhan's POV
Alam ko free day ngayon ni Ales, pero dadaan pa rin ako sa practice room nila baka sakaling nandun siya. Pagdaan ko, tama ako nandun nga siya at may kausap siya. May kasama ba sa loob? Huminto ako sandali sa tapat ng pinto at pinakinggan yung sinasabi niya.
"Syempre naman no. Kahit na bias at mahal na mahal ko yun si Luhan---"
Manager calling...
So I don't have any other choice but to leave, baka malaman pa ni Ales na nandun ako. Sapat na yung narinig ko na ako pa rin yung bias niya at mahal niya ako.
BINABASA MO ANG
hi sm town :: exo [complete]
FanfictionI'm Alesandra, new SM trainee. Paano kaya ako makikisama sa mga taong di ko kalahi? sa mga taong di ko maintindihan ang lenggwahe? at higit sa lahat paano ako makikisama sa bias ko?