HST. 14

733 24 0
                                    

ALES' POV

"Allison, saan ka nagstay kahapon?" tanong ni Ten. Balik training na kami ngayon.

"Wala. Dito lang din ako tumambay sa practice room."

"Hala Allison! Magbukas ka ng IG." busy kasi siya sa pag-scroll sa phone niya. Ano kayang nakita nito? at parang nagulat.

Kinuha ko yung phone ko at nagbukas ng IG. Pagbukas ko, bumungad agad sa news feed ko yung post ni Luhan. Pakshet bakit pinost niya yung mukha ko?! Tapos nung tingnan ko yung caption, putangina ano tong 'I love you, Ales <3.' tangina gusto ba niyang mapalayas ako dito sa SM at mapatay ng mga fans. Hindi ko na binasa yung mga comments dahil hindi ko rin naman naiintindihan.

"Ten, nakakaintindi ka ba ng Korean? I-translate mo nga yung mga comment sa post ni Luhan."

"Halos pare-pareho lang naman, sino ka raw ba, ang swerte mo raw, ano ka raw ba ni Luhan."

Kung noon to ginawa ni Luhan malamang naglupasay na ako sa sobrang kilig, pero iba na yung sitwasyon ngayon. Trainee na ako ng SM, at hindi na lang pangalan ko yung dapat kong ingatan, pati na rin yung sa company. At malaking issue tong ginawa ni Luhan, dahil isa sila sa pinakamalaking pangalan ngayon sa Korean Entertainment Industry.

Mic calling...

Malamang nakita na ni Mic yung post ni Luhan. Sinagot ko yung tawag niya.

(Hoy bakla bakit pinost ni Luhan yung  picture mo?! Ang haba ng hair a!)

"Ito na nga pupuntahan ko na at itatanong kung bakit niya pinost yung pagmumukha ko." tumayo ako at naglakad papunta sa practice room ng EXO.

(Wag mong ibaba a. Gusto kong marinig yung boses ni Luhan.)

"Oo." pagbukas ko ng pinto, nadatnan komg nakaupo sila at nagpapahinga, nagulat pa sila nung makita ako.

"Allison, anong ginagawa mo dito?" tumayo si Sehun at sinalubong ako.

Tinanggal ko na yung phone sa taimga ko pero ongoing pa rin yung call. "Si Luhan?"

Lumabas naman si Luhan mula sa isang pinto. "Bakit?" nakangiti pa siyang sinalubong ako.

"Burahin mo yung IG post mo." seryoso kong sabi.

Nagtataka yung ibang members kung anong pinag-uusapan namin. Sehun lang yung tanging nakaintindi at kinuha agad yung phone niya.

"Ano to, hyung?" humarap si Sehun kay Luhan at pinakita yung phone niya, tumingin na rin yung ibang members dun sa pinakita ni Sehun kay Luhan.

"Thae caption saya it all." sagot ni Luhan sabay tingin sakin.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Burahin mo na yung post please."

"Account ko yun, so I can post whatever I want."

"But it's my effin photo, and you didn't bother to ask for my permission before posting it!" naiinis na talaga ako. Nagaalala kasi ako kapag nalaman to ng company.

"Okay. Buburahin ko yung post kung sasabihin mong hindi mo ako mahal."

Wth. Naghahamon ba to? Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang sabihin yun, kasi mahal ko si Luhan, UB ko siya e. Diba nga siya naman talaga yung dahilan kung bakit ako pumasok dito sa SM. "Gusto kong mag-debut. Wag naman sanang  ikaw yung maging dahilan para hindi matuloy yun." yun lang at umalis na ako. Habang naglalakad ako pabalik sa practice room namim, tiningnan ko yung phone ko, nandito pa rin si Mic. Tibay a. "Hello?"

hi sm town :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon