"Oo alam kong mali yung ginawa ko na i-ship kayong dalawa. Maiintindihan ko kung galit ka rin sakin." sabi ko habang nakayuko.
"Hindi naman ako galit. Sanay na ako sa mga OTP na yan. Ewan ko nga dyan kay hyung, hindi pa nasanay sa tagal na naming alam yung tungkol dun."
Tiningnan ko siya. Mukhang hindi nga siya galit, nakalagay yung dalawa niyang kamay sa likod ng ulo niya. "Pero sorry pa rin, parang immature kasi ng dating ko."
"Mahal mo ba si hyung?" ang random ng tanong niya. "Bakit ko pa ba tinatanong e halata namang mahal mo rin siya, ang layo nga ng sinabi mo kanina nung sinabi niya na buburahin lang niya yung post kapag sinabi mo na hindi mo siya mahal."
I took a deep breath. "Actually, naguguluhan talaga ako. Tsaka iniisip ko talaga yung nasa contract na 'no dating issue between the talents' sayang yung pinaghirapan naming pareho."
"Ako, gusto rin kita. Pero mas pinili ko na wag na lang ipilit. Kuntento na ako sa ganito, loving you without expecting in return, okay na sakin na maranasang magmahal."
Tiningnan ko siya. "Sehun..."
Tumingin din siya sakin at ngumiti. "Okay lang. Hindi mo kailangang ma-guilty. Ayoko nang dumagdag pa sa poproblemahin mo."
"Thank you." niyakap ko siya sandali at kumalas din agad.
"Anong gagawin mo niyan kay hyung ngayon?"
"Hindi ko alam e."
"Hindi ako magaling mag-advice. Pero gawin mo kung saan mapapanatag yang loob mo."
"Thank you ulit. Tara na? Magpa-practice pa kami ni Ten." tumayo na ako.
Tumayo na rin siya. "Kailan ba debut nyo?" Naglakad na kami pababa ng rooftop.
"Wala pang sinasabi samin, pero practice pa rin ng practice, malay mo mag-debut kami anytime."
Nakita rin namin si Luhan na naglalakad pabab sa hagdan ng rooftop. Bakit to nandito? Nasa rooftop din ba siya kanina? Bakit hindi namin napansin? "Si Luhan hyung o." turo ni Sehun.
"Nasa rooftop din ba siya kanina?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko napansin."
LUHAN'S POV
Nung makabalik ako sa practice room, napansin ko na may kulang sa amin. (kunwari nagkokorean sila.)
"Nasaan si Sehun?" tanong ko.
"Nasa rooftop, hyung." sagot ni Chanyeol.
Lumabas ulit ako para puntahan si Sehun sa rooftop. Pag-akyat ko sa rooftop, parang gusto ko na lang bumaba ulit. Bakit magkasama sila ni Ales? at magkayakap pa sila. Ayaw niyang maging kami, pero pag si Sehun okay lang. Akala ko ba ako yung bias mo, Ales, edi dapat ako yung mahal mo, pero bakit si Sehun? Tss. Unfair. Bumaba na lang ulit ako. Bad trip na nga ako sa narinig ko kanina tapos ito pa yung makikita ko ngayon.
ALES' POV
Pagbalik ko sa practice room, nakita ko na hindi lang si Ten yung nandun, nandun din sa loob si manager. Sht lagot na ako, nakita na siguro nila yung post ni Luhan.
"Allison." tumayo si manager nung makita ako.
"Manager..."
"The CEO and the others already saw Luhan's post on Instagram." sht ito na nga. Patay na ako.

BINABASA MO ANG
hi sm town :: exo [complete]
Fiksi PenggemarI'm Alesandra, new SM trainee. Paano kaya ako makikisama sa mga taong di ko kalahi? sa mga taong di ko maintindihan ang lenggwahe? at higit sa lahat paano ako makikisama sa bias ko?