HST. 11

836 27 0
                                    

May meeting na naman ngayon tungkol naman sa debut namin ni Ten. Dapat dito na ako magfocus kaysa naman sa mga kati ko sa katawan na pinapakamot ko kay Luhan. Nandito ako sa SM para magkaroon ng maayos na future.

"Guys I want you to meet each other. Ten, this is Allison. Allison, this is Ten." pakilala sa amin.

"Hmm yeah. Hi." bati ni Ten sakin sabay bow. Nameet ko na siya before eh.

Nagbow din ako. "Hello."

"Take your seats. Maybe you guys already know that you're  going to debut as duo."

"Yes." sabi ni Ten, ako naman tumango lang.

"You're going to debut as SMD or SMDuo. Like the others, you'll be promoting Korean Popular, so it'll be music, dance, fashion, and drama." paliwanag samin. Marami pang pinaliwanag samin na nakalagay sa kontrata namin. "So starting tomorrow, you'll going to train as duo, and you will also live  in the same dorm."

Medyo nagulat kami pareho sa huling sinabi. Babae ako, tapos lalaki si Ten, ano na lang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman na nakatira kami sa iisang dorm. Pareho kaming hindi na umimik.

"I know what are you thinking, guys. You are old enough to know your responsibilities and besides the dorm has CCTV so the management is watching you 24/7. So no need to worry."

Nakahinga na kami ng maluwag matapos maipaliwanag yung tungkol sa dorm.

"Any questions?"

"None so far." sagot ko.

"Ten?"

"None."

"So everything's settled. Arrange your things, you'll move to your dorm now."

Matapos ko ayusin yung gamit ko sa dati kong dorm, sinundo ako ng isang kotse ng SM papunta sa bago naming dorm. Seryoso, hindi ko alam kung paano ako makikisama kay Ten. Lalaki yun, syempre pareho sila ng hilatsa ng kapatid ko, bakit sa kapatid ko kinumpara? Syempre kapatid ko pa lang naman ang lalaki na nakasama ko sa isang bahay. Panigurado tamad yun, makalat, walang pakialam sa nangyayari sa loob ng bahay, walang ibang inatupag kundi computer games. Hoy Ales pinasa mo pa sa kapatid mo yung katamaran mo! Hihihihi oo na ako na tamad. Pero promise this time susubukan kong maging responsible, nakakahiya naman sa kasama ko diba.

Maya-maya nakarating na kami sa dorm namin ni Ten, maganda rin siya katulad nung dati kong dorm. Pagkapasok na pagkapasok nagkataong sabay naming hinilata yung katawan namin sa sahig.

"Haaaay!" ako.

"Haaaaay!" Ten.

Napatingin kami sa isa't-isa at awkward na ngumiti.

"Ugh! I hate the atmosphere." tumayo siya sa harap ko. "We will work together for the next years, so let's just be comfortable with each other, okay?" sabi niya sabay lahad ng kamay.

Tumayo ako at inabot yung kamay niya. "Okay! From now on, I will treat you as my brother so I'll be comfortable with you."

"Good. We're siblings." humilata ulit siya sa couch. "Get something to eat. I'm starving."

Ugh! Mukhang version 2 nga to ng kapatid ko. "Starving your ass. Go get your own." ako naman yung humilata sa isa pang couch at ipinikit yung mata ko.

"Hoy sabing ikuha mo ako ng makakakain eh!" binitbit niya ako sa paa. Mukha tuloy akong paniki ng nakabitin ng pabaliktad.

"Hoy! Punyeta ka! Bitawan mo ako! Ano ba!"

"Hoy ka rin! Bakit mo ako minumura?! Akala mo hindi kita naiintindihan!" binaba na niya ako. "Nagpapakuha lang ng pagkain mumurahin pa ako."

"Eh kasi naman diba sana kung pumunta ka na sa kusina kaysa nag-effort na bitbitin pa ako. Teka bakit marunong ka magtagalog?"

"Filipina yung nanay ko." naglakad na siya papunta sa kusina.

Sinundan ko siya. "Marunong ka pala magtagalog. Halos dumudugo na yung ilong ko kakaenglish."

"Wow huh! Parang ang dami mo ng sinabi." Kumuha siya ng mga chips at sofdrinks sa ref at bumalik na sa living area.

"Ge dyan ka na. Aakyat lang ako mamimili lang ako ng magandang kwarto." paakyat na dapat ako pero hinila na naman ako ni Ten sa damit para hindi ako makaakyat at inunahan niya akong makaakyat.

"Akin yung maganda!"

Hinabol ko siya sa taas. "Ang sama naman ng ugali mo! Hindi ka na magbigay sa babae."

"Akala ko ba treat each other as siblings. Eh ganito ako sa kapatid ko."

"Argh! Pareho kayo ng kapatid ko! Sige iyo na yung maganda. Ayusin mo na lang yung gamit ko sa kabilang kwarto, mageeksperimento ako ng pagkain sa kusina."

"Ge. Sunugin mo ah."

Bumaba na ako sa kusina. Hindi talaga ako marunong magluto ng totoo, hanggang prito lang kaya ko. Naghalungkat ako ng pwedeng lutuin sa ref, may mga gulay at noodles. Ito na lang, pwede na to.

"Allison may tumatawag sayong baklang usa, sinagot ko sinigawan ako." dala-dala ni Ten pababa yyung phone ko.

"Eh bakit mo kasi sinagot?" inagaw ko yung phone sa kanya.

"Ang ingay eh. Yung panty mo pala tsaka bra di ko na pinakealaman baka magalit ka. Ge dyan ka na."

"Hoy! Bwisit tong sampu na to! Hello?"

(Sino yun? Bakit lalaki sumagot ng phone mo? Bakit pinapakialamanan niya yung underwear mo? Ugh shit. Sino ba yun?) sunod-sunod na tanong ni Luhan.

"Bakit ka tumawag?"

(Sagutin mo muna yung tanong ko.)

"Si Ten yun, kasama ko sa dorm, partner ko, okay na?"

(Bakit lalaki kasama mo sa dorm?)

"Eh kasi kami yung partner. Magdedebut kami as duo, ano okay na? Bakit ka nga kasi tumawag?"

(Ang aga mo kasing nawala sa building eh.)

"Nagmeeting kasi kami tapos lumipat kami sa bagong dorm ni Ten. Teka lang bakit ba sinasabi ko sayo lahat. Ibaba mo na to."

(Gusto mo ba siya?) ang random na naman ng tanong niya.

"Hindi. Tsaka ano naman sayo."

(Just asking. Sige na may practice pa kami. Nagalala lang ako kaya ako tumawag. Bye.) tapos binaba na niya yung tawag.

Hay naku Luhan pinapahirap mo lang yung sitwasyon natin.

"Sino yun? Boyfriend mo?"

"Hindi. Wag mo na nga akong intindihin."

"Wag intindihin eh sunog na yung niluluto mo. Tss. Gusto mo yata matusta tayo dito, ni hindi pa tayo nakakapagdebut."

Sunog na yung kaserola, sobrang itim na.

"Sorry."

"Sige na ako na dito. Maupo ka na dun mukhang may problema ka."

Pumunta ako sa living area. Gusto kong itigil na ni Luhan tong ginagawa niya. Mapapahamak lang siya sa ginagawa niya pag nahuli siya ng management. Leche naman! Naging kumplikado na yung buhay ko nung napasok ako sa SM, samantalang dati patili-tili lang ako sa harap ng laptop, paspazz-spazz lang online, padikit-dikit lang ng poster ni Luhan sa kwarto. At some point, naiisip ko na mas okay pala na fangirl lang ako.

hi sm town :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon