HST. 8

877 36 3
                                    

Nakakainis! Naiinis ako! Argh! Bakit ngayon ko lang naisip na sabay yung meeting at yung date namin ni Luhan. Paano ako pupunta niyan dun kung sabay? Hindi pwedeng hindi ako pumunta sa meeting, panigurado bengga ako nun kay manager. Nakakahiya naman kapag hindi ko sinipot si Luhan, galit pa nga sakin yun tapos gagawa na naman ako ng ikakagalit niya. Argh ano bang gagawin ko? Ano kaya kung pumunta muna ako sa meeting, siguro naman hindi masyadong matagal yun diba? Tapos after ng meeting tsaka ako pupunta kay Luhan, feeling ko naman maiintindihan niya pag nagpaliwanag ako diba? Oo tama ganun na lang gagawin ko.

4 pm nung makarating ako sa building, tumambay muna ako sa labas ng meeting room habang naghihintay ng oras. 5:30 pero wala pang tao, okay lang baka Filipino time din tong mga koryanong to. Sinubukan kong tawagan si Luhan para sabihin na malelate ako, pero voicemail lang ang sumasagot. 6:00, si manager pa lang ang dumating. Tinext ko na si Luhan na wag na akong hintayin, baka inip na inip na yun dun. 7 pm na nagsimula yung meeting, bago pumasok sa meeting room chineck ko yung phone ko pero walang reply o tawag mula kay Luhan. Ano na kayang nangyari dun?

"We're very sorry, Allison to keep you waiting." Sabi nung isa.

Ano pa nga bang magagawa ko diba? Ngitian ko lang sila, sign na okay lang. Kahit hindi talaga. 3 hours kaya akong naghintay.

"So, let's proceed. We're working on your first project, Allison."

"You'll be EXO's leading lady for the next drama version of their mv."

WHAT ANODAW?! LEADING LADY?! OMG ANG GANDA KO NAMAN! PERO LAGOT AKO SA FANS. NAALALA KO TULOY NUNG MAY BABAE RIN SA DRAMA VER NG WOLF. GRABE LANG YUNG MGA FANS NUN.

"Continue your daydream later, Allison." Sabi sakin ni manager.

Halata ba ako masyado?! Ashshdjfnccnsjdcj ang sarap tuloy lumubog dito sa kinauupuan ko. "Mian."

"So yeah. Next week, we will have a meeting again with EXO for the concept. We just want to inform you to get yourself ready for your first project. We know that you can do this."

"Thank you for trusting me. I promise to work harder for this mv." Tapos nag-bow ako sa kanila.

Lumabas na rin sila sa meeting room at naiwan ako dun. Time check: 7:35pm. Wala na dun si Luhan sigurado. Pero chineck ko pa rin yung practice room, wala na talaga siya. Asa ka pa ba Ales na maghihintay yun ng ganun katagal sayo. Makauwi na nga lang. Palabas na ako ng building.

"So hindi mo talaga ako sisiputin?"

Liningon ko kung sino yung nagsalita sa likod ko kahit na alam ko na si Luhan yun. Lumapit ako sa kanya. "Uy sorry na. Nagmeeting kasi kami kanina eh, late na nagsimula kaya late na rin natapos. Sorry na talaga."

"Gabi na tuloy. Hindi na tayo makakapagdate." Sabi niya.

Kahit nag-assume talaga ako na date yun, iba pa rin yung kilig pag sa kanya mismo nanggaling na date talaga yun. "Date?"

"Yep. Our first date. Pero fail." Parang lumungkot yung itsura niya.

"Hindi fail ano ba." Pinapagaan ko yung loob niya.

"Panong hindi eh hindi naman tayo nakalabas."

Gusto kong pagaanin yung loob niya kasi mukha siyang matamlay na baby deer pag malungkot siya. "Hindi naman kailangang lumabas eh. Tara." Hinila ko siya sa vendo machine. Naghulog ako ng barya at kinuha yung dalawang chips at soda. Binigay ko sa kanya yung isa at hinila siya pabalik sa lobby. "Ito. Pwede na to matawag na date."

Kahit papano lumiwanag yung mukha niya. "Oo nga. Hindi kailangang lumabas para masabing date. Kahit saan pwede basta kasama mo yung taong gusto mong kasama."

Hindi ko maiwasang mapaisip sa mga ginagawa at sinasabi niya. Ano to? Fan service? Kung oo, itigil mo na to kasi baka mahulog ako. "Bakit mo to ginagawa?" hindi ko alam kung saan ko nahugot yung lakas ng loob na tanungin sa kanya yun.

"Hindi ka naman siguro manhid para hindi maisip kung bakit ko ginagawa to." ang seryoso mg itsura niya.

"Luhan oppa, ayoko umasa, ayoko mag-assume kaya sabihin mo kung ano to?"

"Gusto mo talagang marinig? Gusto kita, Ales. Hindi ko alam kung bakit at paano, basta gusto kita."

Gusto kita, Ales

Gusto kita, Ales

Gusto kita, Ales

Gusto kita, Ales

Gusto kita, Ales

The same feeling nung sinabi sakin ni Sehun na mahal niya ako. Bakit ba ganito? Bakit nagkakaganito? Ewan ko kung nananaginip lang ako o pinagtitripan nila ako at ginagawa nila sakin to. Sorry masyado akong assuming, pero hindi ko maiwasan.

hi sm town :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon