Untitled

99 1 0
                                    

One in a Million

by: SheWearsSneakers

This story is for Jon Von Roque; although hindi siya aware na ginamit ko yung name niya dito. (Sorry Von!!?) Maria Richellin Alix, yan ang true name ng author nito; ako. All the characters here are totoo at tropa ko sila, except kay Sebastian Penafiel at Gelyn Diaz.

CHARACTERS

Maria Richellin Alix

Jon Von Roque

Gelyn Diaz

Nelson Gaupo

Leonaliza Tantay

Sebastian Penafiel

Lovely Pallingayan

Sarah Mae Ragay

Mary Grace Ann Cerbito (Len Len)

Jolina Descalso

Kim De Asis

Jane Apprelle Lozada

Michael Charles de Leon

Others

CHAPTER 1 - Untitled

JON VON'S POV

"Ang pagmamahal daw sakripisyo. Kapag hindi ka na mahal ng mahal mo, dapat mo na siyang pakawalan at ipaubaya sa tunay na mahal niya. Kahit sobrang sakit, kailangan mong magsakripisyo kasi tatawagin ka nilang makasarili kapag hindi mo yun ginawa. Ganun ba talaga dapat pag nagmahal ka ng totoo? Palagi kang magsasakripisyo kahit ang sakit sakit na? Sanay na ko. Naranasan ko na to e. Pero bakit ganun, mas masakit to? Sana katulad lang din ng pagbubura ng mga text niya yung pagbura ng nararamdaman ko para sa kanya. Sana ganun lang yun kadali."

"Malinaw pa sa isip ko yung mga katagang yan na minsan ko nang sinabi habang nakikita ko at pinapanood kong masaya sa iba yung mahal ko."

"Simula ng lokohin ako ng unang lalaking minahal ko ng totoo, ayoko na ulit magmahal. Sinabi ko yun sa sarili ko mismo. Sobrang nasaktan ako. Ayoko na ulit maniwala sa magic ng love. Ayoko ng maniwala sa promises. Ayoko ng maniwala sa happy endings. Ayoko ng maniwala sa mga fairy tales at destiny. Aaminin kong naging boyish ako dahil sa pangyayaring yun."

"Pero nung nakilala ko siya, nagbago talaga ang lahat."

"Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko habang binabasa ko lahat ng to mula sa diary niya noon. Hindi ko akalaing ganito pala yung sakit na dinulot ko sa kanya noon. Akalain mong napaibig ko yung isang taong ang hirap lambingin at paniwalain kasi niloko na? Takot nga siyang magmahal ulit pero binigay na naman niya yung pagmamahal niya sakin. Hindi mo alam, may tinatago pala siyang sweetness sa sarili niya na hindi alam ng karamihan dahil nga binago siya ng bigo niyang pag-ibig noon. Tapos hindi ko rin akalaing mamahalin ko sya. Yung babaeng akala ko boyish. Mas masakit pa nga ata syang sumuntok sakin e." Tumawa ako, pati silang lahat. Kahit yung iba, naiyak.

"Alam kong sobrang nasaktan ko sya non. Feeling ko tuloy hindi ako worth it. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako, kasi nung time na pinaka-kailangan nya ko, wala ako. Akala ko non, ayaw na nya kong makita. But I was wrong. Sobrang kakaiba sya. Sobrang humanga ako lalo na nung pinatawad nya agad ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya, sa isang gabi lang."

"Madami akong natutunan dahil sa kanya at sa kwento naming dalawa. Lahat ng yon, di ko kakalimutan. Sobrang naging masaya ako sa lahat ng oras at araw na nakasama ko sya.. Kahit bitin ako.. Kuntento na ko dun.." Nag-sigh ako at inayos ko yung damit ko.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon