One in a Million

27 0 0
                                    

CHAPTER 7 - One in a Million <3

JON VON'S POV

"Beb dalian moooooo mahuhuli na tayo sa last trip ng treeeeeeeeeeeen!!" Sabi ko habang hinihila ko siya pero ayaw pa din niyang dalian -___-

"Edi wag na tayong magtren kung mahuli man tayo.. Utang na loob napapagod na kooooooo ayoko na tumakbooooooo.." Hahahaha, ang kulit parang bata tong si Chi Chi e.

"E dali na!!"

"Ayoko nga sabi e! Kulit mo naman e.." At bigla siyang naging badtrip. O diba? Yan! Ganyan silang mga girls, napaka-moody!! Di mo alam kung meron ba o wala e! Ang hirap basahin ng isip!! Binitawan ko nga yung kamay niya. Hindi lang naman siya yung pagod no! -_-

"Sige. Kaw bahala."

"Kasi naman bakit dito mo ko dinala e no!!?"

"Gusto ko lang maging memorable yung first date nating dalawa e.. Tapos nagkakaganyan ka na.. Nakakainis ka na chi.."

"Nakakainis ka din!" Buti umabot kami sa tren, nagtatalo kasi kami habang naglalakad. Pagpasok namin sa tren, wala lang. Tahimik. Nagkasabay pa kami ng pagkabadtrip. Amp. Gulat ko nung may sumiksik kay chi e!

"Nasisiksik niyo na po yung girl friend ko!" Napatingin yung mga tao sakin pati yung lalaking sumisiksik kay Chi.. Medyo badtrip kasi yung boses ko.. Napatingin si Chi sakin tas nagkatitigan kami sabay biglang... Ngumiti kami sa isa't isa. At biglang naging good mood si Jon Von.. =))))) Aw ang bading ng smiley ko amp. Pero buti na lang nakaupo kami. Paglingat ko si chi nakatingala, nakatingin sa hawakan ng tren. Yung hawakan ng mga pasaherong nakatayo..

"Oy ang weird mo na naman beb." Natatawa na naman ako sa kanya.

"Beb, pakiexplain nga kung bakit kulay orange yang hawakan?"

"Kasi beb..." Tumingin siya sakin.. Siguro akala niya alam ko talaga..

"Hindi ko din alam.. Hahahaha.." Inirapan na naman niya ko. Talaga naman! Hahahaha. Weirdo niya talaga.. But I like it. Awtsuuuuuuu ano ba itong sinasabi ko!? >___< Napangiti na lang ako tas tumingin din ako dun sa hawakan nung tren na kulay orange..

"Estribo ang tawag diyan sa hawakan na yan beb.." Bigla na naman siyang nagsalita.. Estribo pala tawag dun. May bago akong nalaman sa araw na to! Hahahaha. Pagtingin ko nakangiti siya sakin. Ngumiti ako.

"Nacucurious ka na din Von no!?"

"Hinde beb ah!!" Defensive ang lola mo! Hahahaha syempre baka kasi isipin pa niyang weirdo din ako. At tumahimik na naman.

Ayaw niya maniwala sakin e hindi naman ako nagjojoke dun sa sinabi ko kanina. There's something about Chi na gusto ko, feeling ko sobrang special niya at minsan lang makakita ng katulad niyang tao. Lately nga, gusto ko andyan siya palagi. Parang hindi na ko agad sanay na wala siya. Hindi ko maexplain men! Almost 2 months na yung nakalipas e, dami nang naangyari.. Basta.... Waaaaaaaaaaaaaaaah! Wait.. Anong petsa ngayon?

"Pst beb." Pagtingin ko sa kanya bumabagsak na yung ulo niya kasi nakakatulog siya. HAHAHAHAHA. Nakakatawa e. Napangiti akong magisa. Hiniga ko na lang yung ulo niya sa balikat ko. Mamaya ko na siya tatanungin kung anong meron ngayon.. Di pa kasi ako sigurado e..

Buong byahe siyang natulog sa balikat ko. Nangalay ako pero okay lang.. Napagod kasi siya.. Halata e. Madilim na din nung nakabalik kami sa alabang. Habang nasa jeep kami, hinawakan ko yung kamay niya.. Hinayaan niya lang ulit ako.. Feeling ko ang saya ko pag hawak ko yung kamay niya. Okay lang kahit basa, hindi uso tagtuyot sa babaeng to. HAHAHAHA :""> (Ang bading ng smiley ko) Tas ngayon naglalakad na kami papuntang bahay nila..

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon