Slippers

29 0 0
                                    

CHAPTER 29- Slippers

SUMMER.

Umuwi si Chi, kasi ayaw na nya talaga sa ospital. Ang creepy raw. Dumadalaw every weekend yung tropa, ako naman every Rest day ko. Nag-apply kasi ako ng work sa Jollibee, para naman magka-experience ako since bakasyon naman. Ayaw ni Chi na lagi akong nasa kanila e, sya talaga nagsabi sakin na magtrabaho ako kaya naghanap ako ng summer job. Pag wala kasi akong ginagawa sa bahay nakakatamad. -__-

"Hi Beb.." Katatapos lang ng duty ko.. Nakahiga lang sa kama si Chi. Masyado syang weak para kumilos pa..

"Hello." Ngumiti sya. Tapos binigay ko sa kanya yung palagi kong inuuwing donut sa kanya, yung chocolate donuts sa Country Style. Pag gabi na kasi, nag-uubos sila ng paninda kaya nagiging buy one take one na yung donuts.

"Thank you beb.." Tapos lumapit ako sa kanya tas pumikit ako.

"Kiss ko??" Sabi ko tas tumawa sya ng mahina. Kiniss nya ko ng smack.

Palagi lang kaming ganto tuwing nagkikita kami. Kahit walang kailangang gawin. Nag-uusap lang kami. Ibibigay ko yung donut. Sobrang simple lang, basta palagi lang kaming magkasama at nakikita kong okay sya.. Ngayon naman, nanonood lang kami ng Warm Bodies.

"Beb..." Bigla nya kong tinawag..

Tas nagulat ako, bigla syang sumuka ng dugo..

"Chi?!?" Sigaw ko.. Napatayo ako para tawagin si MC.. Umiiyak si Chi habang nakahawak sya sa tyan nya.. Dumating si MC tas inalalayan nya si Chi.. Lumabas ako..

Tuwing inaatake sya ng sakit nya, hindi ako natingin.. Hindi ko kayang makita syang nahihirapan ng ganun.. Lalo na pag nagsusuka sya ng dugo tapos naiyak sya..

Lumabas si MC sa kwarto nya..

"Okay na sya??" Tumango si MC. Nag-sigh ako.

"Sige, uuwi na ko. Pakisabi na lang sa kanya.." Tapos umalis na ko.

...........

Iniisip ko pa lang na mawawala sya parang hindi ko na agad kinakaya. Hindi pa ko handa.. Nakakainis. Ang hina ko para i-let go sya.. Kahit kailan kasi pwede syang mawala e.. Hindi ko pa kaya.. Hindi pa..

Wala ako sa sarili ko ngayon pero pinilit kong dumiretso pa sa mall para bumili ng ireregalo lay Chi..

Syempre ano pa ba?

Dumiretso ako sa Blue Magic.

"Good evening Sir?!" Tumingin tingin ako paligid ko. Ang daming maganda. Di ko alam pipiliin ko.. Ngumiti ako. Tapos.. May nakita akong, stuff toy ng Siberian Husky. Natuwa agad ako pati napasmile.. Yun na agad yung kinuha ko tapos nagpunta akong counter..

"Sir, baka gusto nyo pong dagdagan ng pin.." Tumingin ako sa tinuro nung cashier tas nakita ko yung pin na 'I love my gf.'

"Ito na lang po ate.." Tapos binayaran ko na.. Bumaba ako.. Tapos bumili ako ng Brownies sa Brownies Unlimited..

Excited na kong ibigay sa kanya to bukas :))))))

MARIA RICHELLIN'S POV

Dinala na naman ako sa ospital kagabi kasi sobrang sakit talaga. Hindi pa alam ni Von kasi umuwi na sya kagabi. Inatake na naman ako nung madaling araw..

Nagiging komplikado na lahat.. Parang di ko na kakayanin.. Pero kailangan..

Paggising ko... Napasmile agad ako at nag-pray.. Buti dumilat pa ko.. Ayoko pang sumuko.. Hangga't kaya ko pang mag-stay.. Mags-stay ako..

Nakita ko agad si Kuya MC at Apprelle, nag-smile ako sa kanila..

"Okay ka na Chi?" Si Apprelle.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon