Bangkang Papel

23 0 0
                                    

CHAPTER 8 - Bangkang Papel

Habang umiinom kami ng kape sa Seven Eleven malapit sa ospital, tahimik lang kaming dalawa ni Von. Ang dami kong gustong tanungin pero di ko matanong. Nagpaiwan si chan at Nelson dun sa kwarto kung nasan si Mama para naman daw may magbantay sa kanya.. E nauna naman nang magkape yung dalawang yun samin.

"Von?" Habang hawak ko ng dalawang kamay ko yung baso ng kape.

"O baket?"

"Uhm.. Bakit.. Bakit ginawa mo yung kanina? Yung dun sa quadrangle ng school?"

"Ah. Yun ba beb?? Wala naman.. Gusto ko lang malaman kung nagselos ba si Gelyn o hindi.." Ah yun pala.. Akala ko kasi... Akala ko kasi talaga ... Para sakin talaga yun.. Oo na assuming na ko.. :( Hindi rin siya natingin sakin..

"Tagumpay ka, napagselos mo si Gelyn.."

"Alam ko.."

"O bakit ayaw mo siyang kausapin??"

"Ewan ko.. Naguguluhan pa kasi ako sa nararamdaman ko.."

'Nararamdaman saan??' Gusto ko tong itanong pero... Baka sabihin pa niya nangengealam ako... Hindi na lang ako sumagot.. At ininom ko na lang yung kape ko..

AWKWARD.

"Tara beb.. Balik na tayo.." Hindi ako tumingin sa kanya.. Ewan ko ba kung bakit ang awkward!! Kainis.. Tumayo ako tapos naglakad na kami.. Hanggang sa paglalakad walang nagsasalita samin.. Pero nakaakbay siya sakin.. Haaaay.

Pagbalik namin sa kwarto tulog si Chan Chan sa sofa pati si Nelson..

"Pre, andyan na pala kayo.. Uuwi na ko.. Ok lang ba chi?"

"Oo naman, nelson salamat ha.."

"Sige.. Magingat kayo.." Ngumiti ako nung nagapir kami ni nelson.. Inapiran niya rin si Von.. At tahimik na naman.

"Uuwi na din ako pagkagising ni Chan beb.. Okay lang ba??"

"Oo sige Von." Sakto nagising si Chan Chan..

"Good morning lovers.." Sabi niya.. Tapos ngumiti ako.. Ngumiti din si Von, pero may mali e.. Ibang iba siya  kumpara kanina.. Siguro kasi makikipagbreak na siya sakin.. Okay lang.. Simula pa naman nung una alam kong mangyayari din to, hinanda ko na yung sarili ko. Tsaka hindi naman ako inlove sa kanya.. Magiging madali din to..

"Uwi na ko Sebastian, sasabay ka na ba?" Tumayo na siya.. Tumingin sakin si Chan tapos kay Von..

"Sige pre mauna ka na.. Sasamahan ko si chi dito.. Dala ko naman motor ko e.." Tumango lang si Von.. Ako naman nakatingin lang sa kanila..

"Sige beb.. Chan.." Tumango lang ako. Di ko siya tiningnan. Pero feeling ko tumayo muna siya habang nakatingin sakin. Parang may hinihintay pero umalis na din naman siya agad kasi hindi na ko tumingin. Palagi ko siyang kini-kiss sa chix at hina-hug pag nagbabye kami sa isa't isa..

.......

"Anong drama niyong dalawa ha Chi Chi?" Nagulat ako kay Chan Chan..

"Wala naman, ewan ko din e. Siguro naiisip na niyang balikan kasi si Gelyn.." 

"E bakit nalulungkot ka kung sakali man?" HAH!!? Sinong nalulungkot na sinasabi niya!!?!?

"Oy hindi ah! Pagod lang ako Chan Chan..." Tumawa si Chan.. Pagod lang naman talaga ako eeee!

"Wag kang magalala, hindi gagawin ni Benok yun kung may balak siyang balikan na si Gelyn.." Napatingin na naman ako kay Chan habang si Mama naman, natutulog pa din.

"Ha? Ano na namang sinasabi mo??" Naguguluhan ako sa sinasabi ni Chan Chan.. >_____<

SEBASTIAN'S POV

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon