Zombies

47 0 0
                                    

CHAPTER 2 - Zombies

"Game game! Anong kakantahin sa Seminar?" Meeting na namin. Malapit na ang Orientation e.. Iwewelcome mga freshmen. Tutugtog kami dun. Ano nga bang magandang kantahin? Uso broken ngayon no?

"Guys, ano nga?" Nakatulala lang kaming lahat kay Benok. HAHAHAHAHA. Geh na nga magsasabi na ko ng nasa isip ko.

"Won't Go Home Without You by Maroon 5." Nagtinginan yung tatlong mokong sakin. Apat lang naman kami sa bandang to.

"Bakit iyon?"

"Uso broken ngayon e. Nagtatanong ka tapos...." Tumungo si PRINSIPE BENOK. HAHAHAHAHA. Bagay sa kanya yung kantang yun. Natamaan siguro. Hahaha!

"O sige sino tutol?" Wala namang nagtaas ng kamay. Sabi ni Nelson.

Nagtaas ako ng kamay.

"Pwedeng magtanong?" Tumingin na naman sila sakin. -_-

"Ano yun Chi?" Sabi ni Nelson habang nagaayos na sila ng mga gamit at magppraktis na kami.

"Anong bandname natin?"

Nagtinginan yung tatlo.

"Yo Gabba Gabba.." Sabi ni Nelson.

"Bungol, barney and friends kaya!!"

"Tatawa na ko?" Sabi ko. Pataray effect. Tapos tumawa si Chan. Napakamot ng ulo si Benok.

"Untitled ang name ng band natin. Wala pa kasi kaming maisip e." Sabi ni Benok.

"Kami kasi ang unang nangahas na gumawa ng organization na ganito e. Kumpleto na tayo ngayon at hindi na kami naghahanap ng ibang members kaya okay na to. First performance natin sa Orientation kaya dapat magaling tayo. Tsaka na yang title. Wala nga pala yung adviser ng bandang to. Nasa bakasyon. Si Ma'am Miks." Ahhhh. Kaya pala nagtataka ako at wala kaming adviser dito. Kala ko trip trip lang to e. Hayst.

"Ang kakantahin natin yun na talaga ah. Tara na!"

"Tara praktis!" Sigaw ni Chan. Kengkoy talaga to si Chan.

"Chi Chi, halika." Sabi ni Chan. Lumapit naman ako.

"Ano yun?" Tas bigla niyang inalis yung cap ko. Nakita tuloy nila yung mahaba kong buhok na ayaw ipagupit ni mama kasi sayang daw >__< WAAAAAAH!

"Ayan mas ok sayo pramis!" Sabi ni Chan sakin.

"Akin na yang cap ko!!! Papatayin kita!!!?" Tapos tiningnan ko siya ng masama.

Sana matakot!!! Sana matakot!!!!

"Oh eto na! Hindi ka naman mabiro Chi Chi e!" BUTI NAMAN. Kahit si Nelson takot sakin kasi pag tinatanggalan ako ng cap nagiiba ako e. Hmpt.

Sinuot ko yung cap ko tas nakatingin silang lahat sakin. Kakainis!!!!! Nakita nila kong nakalugay :(

"Pre, wag mong kukuhanin yang cap niyan baka makapatay ng tao yan. HAHAHAHA! Simula ng maloko yan naging ganyan na yan e. Saksi ako sa mga araw na nagdalamhati siya. Bwahahahahahaha.." Tiningnan ko ng masama si Nelson.

"Ay sorry na tol. HAHAHAHA. Kahit sakin hindi mo pinapakita yang buhok mo Chi ah.. Ang haba na pala.." Sabi ni Nelson. Tumungo lang ako tapos inayos ko na yung piano.

"Pag-aralan na natin yung kanta." Singit ni Benok. Siya nga pala yung kakanta no. Hmmm.

............

"Okay na yun!! Maganda na no?" Tapos nagthumbs up si Chan.

Ngumiti lang ako.

"Wow nagsmile si Chi Chi! HAHAHAHA." Sabi pa niya.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon