Fake Boyfriend

34 0 0
                                    

CHAPTER 3 - Fake Boyfriend

Walang masakyan na jeep. Buset!

"Lakad na lang tayo oy.." Tapos patawid na ko habang nakatingin ako sa kanila..

"Hoy Chi!!??!??" Hinila ako ni Benok tapos napayakap ako sa kanya. Tapos naramdaman ko nalang na nahagip ng motor yung cap ko kaya tumilapon sa malayo kasi mabilis yung motor. Nakatalikod kasi yung cap ko.. Tsaka lang ako natauhan nung naramdaman kong nalaglag yung bangs ko sa mukha ko. Bagsak kasi yung buhok ko.. Bigla kong tinulak si Benok.

"Ang baho mong chinito kaaaaaa!!!!" Tapos tinulak ko siya. Tahimik.

AWKWARD.

"Oo nga pala yung cap ko.. Nakita niyo kung san napunta??"

"Buti nga yung cap mo lang yung tumalsik e. Hindi ikaw. E kung ikaw?? Pasalamat ka kay Benok niligtas ka niya.. Utang mo buhay mo sa kanya.."

"TSS.. Ewan ko sa inyo!!"

"Bagay sayo walang cap Chi Chi!!" Tapos kinurot ako ni Chan chan sa chix ko. Naman e!!

Oo nga no. Di man lang ako nagpasalamat kay Benok nung niligtas niya ako. Amp!!!

JON VON'S POV

Bagay sa kanya pag wala siyang cap. Ang cute niya. Hays. Sakit ng ulo ko. Gusto ko nang matulog. Andito na kami sa bahay nila Weirdo.

"Good morning po.." Sabi namin nila Chan at Nelson sa Mama ni chi. Mabait naman yung mama niya kasi pumayag agad kahit mga lalaki kami. Ngumiti lang siya tapos bumalik na ulit sa kwarto.

"Tara guys!" Sa sala kami matutulog ngayon. Naglatag si Chi.. Tapos.. Nagulat ako!! TATABI SIYA SAMIN??? O___O Napatingin kami ni chan sa kanya nung pahiga na siya.. Nakalugay na naman siya.. Ang cute talaga.. Tapos nakapajama.

"Bakit Benok at Chan chan?? Ano ba kayo. Tropa kung tropa!"

"Kahit na. Lalaki pa din kami!!!"

"Masanay na kayo diyan sa babaeng yan." Sabi ni Nelson pero nakapikit na siya.. Sweet pala siya kahit tropang lalaki, tinatabihan niya matulog.

"Tama. Si Nelson nga lagi ko yang katabi sa pagtulog sa kanila e.. Halos kuya ko na tong si Nelson no.. Diba Kuya Nelson Gaupo???" Tapos kinurot kurot niya si Nelson. Ang close talaga nila ni Nelson..

"Tigilan mo nga ko Maria Richellin!!" Ang lambing niya. Tumabi siya kay Nelson tapos kaming dalawa na ni Chan. Bale nasa dulo siya.. Tas kaming tatlo na..

Nung tulog na yung dalawa at ako, hindi naman makatulog at nangingilala ako ng bahay,

"Chinits?" Chinito. Chinits. Pauso talaga e. Matawag ngang Weirdo to.

"Ano yun Weirdo?"

"Gising ka pa?"

"Tulog na ko. Kaya nga nagsalita ako e."

"Ang ayos mong kausap! Salamat kanina nung niligtas mo ko ah.. Anong gusto mong kapalit??" Kapalit?

"May kapalit ba kapag ganun?" Parang wala naman..

"Oo. Pagisipan mo ha? Goodnight."

"Goodnight." Hala lasing ba yung kausap ko kanina? WEW lang. Minsan lang siya magseryoso no. I mean, lagi siyang seryoso pero pag ako kausap niyan ay nako!!!? Baka naging seryoso kasi dahil sa yakap ko? HAHAHAHA! Joke laaaang!

Wait. May idea ako! Naiisip niyo ba yung naiisip ko?? Simple lang. Magpapanggap lang naman siyang girlfriend ko! Diba diba? Hanggaling!!?

................

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon