Tagtuyot

30 2 0
                                    

CHAPTER 6 - Tagtuyot

WEEKEND. September 3.

2 months na halos yung nakalipas. Walang nagbabago. Ay meron pala. Hindi na ko nakakapagcap :( Kinarir na namin yung pagpapanggap namin, pero tong si Gelyn naman walang sinasabi, basta nakikita ko sa mga mata niya tuwing nakikita niya kami na nasasaktan siya. Ramdam ko naman yun. Ang pinagtataka ko lang e hindi siya gumagawa ng way para maging ok sila ni Benok. Close na ko sa mga tropa/kabanda ko. Syempre pati na rin kay Benok.. Di ko lang pinapakita sa kanya yung totoong ako.. Kasi... Basta may sarili na kong dahilan para dun.. And oh, ang dami nilang fans! SWEAR XD

"Mayaman pala si Benok?" Sabi ko. Magkasama na naman kami ni Chan ngayon sa Seven Eleven. Simula nung gabing kumain kami dito napapadalas na kami.

"Oo, nakakaangat talaga sila.."

"Eeeeeee bakit dito siya nagaral sa public school??"

"Loko yun e. Ayaw sa private kasi wala daw thrill. Pinilit pa niya yung Mama niya nung highschool na sa public mag-aral. Mabait na tao talaga yun si Jon Von." Kaya naman pala. Nakakatuwang isipin na may mga ganung tao pa pala.

"E feeling ko mahal pa siya ni Gelyn."

"Ewan ko sa mga yun. Feeling ko may dahilan si Gelyn kaya siya nakipaghiwalay e."

"Gulo nila." Tas tumungo ako sa table..

"Pero bat ka pumayag na magpanggap kayo?"

"Ahm. Magaan loob ko sa kanya e. Simula siguro nung.. Ahm.. Niligtas niya ko dun sa motor. Medyo madrama pero realtalk."

"Hahahahahaha. Kaw talaga." Tapos kinurot ako ni Chan sa pisngi.

*bzzt bzzt*

FROM: Beb kong Mahal <3

Beb,asan ka?..gusto kita makita e...hahahaha joke...

AT SINONG NAGIBA NG PANGALAN NIYA??!? KAPAL MUKS TALAGA YUN. -____-

TO: Beb kong Mahal <3

Asa Seven Eleven sa bayan baket? Wag na, baka magkatopak ako. HAHAHAHAHA.

FROM: Beb kong Mahal <3

Weh,korni mu..papunta na ko..wala nang atrasan to..hahaha,hintay mo ko dyan beb..

ABA HINDI KO NGA NIREPLYAN!!!

"Chan Chan umalis na tayo dito! Papunta na si Benok! Ayokong maasar. Ayokong masira weekend ko.. Puhleeeease!!?!?" Ok ang OA ko. Pero kasi sa weekend na nga lang kami hindi nagpapangabot ng unggoy na yun eeeeeeee. -____-

*bzzt bzzt bzzt*

Beb kong Mahal <3 Calling.....

Tinitigan ko lang...

"Sagutin mo na.." Sabi ni Chan.

"Ayoko nga!"

"Mamaya may emergency tas kinailangan ka niya.." Hay kinonsensiya pa ko.

At sinagot ko na nga.

"O baket?"

"Hello."

"Bakit?"

"Sino kasama mo?"

"Wala, baket?"

"Weh?"

"Oo nga beb!" ANONG SABI KO???? Natawag ko siya ng beb >_<

"Ay unggoy pala!!" Sunod ko pang sinabi.

"Palusot! Wala walaaaaaa, tinawag mo na din akong beb. Yiheeeeeeeeee!!!?" Tsssss. Di ko naman sinasadya e.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon