Bad News?

31 0 0
                                    

CHAPTER 18- Bad News?

MICHAEL CHARLES' POV

Paggising ko nabasa ko agad yung text ni Apprelle.

From: Apprelle :)

andito ako sa harap ng bahay niyo. hintayin na lang kitang magising.

Sumilip ako sa bintana ko. Tapos nakita ko sya :( Never pa syang nakapunta sa bahay na to pero bat andito sya ngayon? Pano nya ko nahanap?

Lumabas ako gate at pinapasok ko sya.

"Pano mo ko nahanap?"

"Yan ba agad ang tanong mo? Hindi ba kung kumain na ba ko o kung kamusta na ko?"

"Apprelle naman." Umiyak sya.

"Ang hirap MC. Yung nagkakaganyan ka ng di ko alam yung tunay na dahilan. Kung may mahal ka na ba o kung may nagawa ba kong masama? Sabihin mo naman o." Ang sakit makitang umiiyak yung taong mahal ko.

"Apprelle kasi. Alam kong.. Alam ko kasing di na magwowork tong relationship natin pag di na ko bumalik sa work natin. Lalo pa nung nalaman ng parents mo na tayo at nagalit sila." Tumingin sya sakin.

"Ayoko silang problemahin. Ang mahalaga yung tungkol satin. Bakit ba ang lagi mong iniintindi yung future?"

"Kase baka masaktan ka pa."

"Baka masaktan? Ano bang nangyayari sakin ngayon?" Medyo tumataas na yung boses nya.

"Sorry. Sorry talaga kung kailangan ko tong gawin." Tumungo ako.

"Mahal kita MC. Hindi ako susuko."

"Tama na Apprelle." Umiling lang sya. Sabay biglang tayo. Sakto dating ni Chi. Himala, di nya kasama si Von?

Nakita kong nagkatinginan yung dalawa. Nagtataka si Chi.

"Uhh. Hi?" Nagwave lang sa kanya si Apprelle kasi paiyak na sya e, baka mahalata pa ni Chi.

"Uuwi ka na ba?" Biglang singit ko.

"H--hindi pa." Haaaaaay. Bahala na. Ano din ba kasing nangyayari sakin?

"Ayaw mo na ba talaga?" Nagulat ako nung tinanong nya yan. Inisip ko pa yung isasagot ko sa kanya.

"Oo. Ayoko na." Hay. Wala na nasabi ko na, magsisi man ako, wala na ren.

"Okay. Sige. Yan ang gusto mo e. Alis na ko. Salamat MC, sa lahat." Tumayo sya tapos umalis na sya. Sa sobrang pagkabigla ko sa mga nangyari, di na ko nakapagsalita pa. Di na ko nakatayo, di ko na sya naihatid. Sumuko na sya? Sabagay ako naman ang may kasalanan. Kailangang panindigan ko na to. Talagang wala na. Wala na.

MARIA RICHELLIN'S POV

I was walking at the hallway when all of a sudden, I heard some of the students giggling. I thought I felt someone's at my back but I was wrong. Tumingin tingin ako sa paligid and I was still hearing giggles. Feeling ko ako yung may problema dito e!

"Miss ano yang nasa likod mo?" Nagulat ako at hinawakan ko yung likod ko. Okay, may papel. Nung mabasa ko, nabadtrip ako.

"Ako ay pasmado. Tumawa kayo!" Anong nakakatawa dito!??! Tss. Tumingin ako sa paligid ko to see if someone I know ay nasa palagid ko lang. But wala akong nahanap. Tinapon ko yung papel.

"Nasan na ba yung von na yun. Sabe nya magccr lang sya." Sabi ko sa sarili ko.

Tapos may naramdaman na naman akong parang may dumampi sa likod ko.

"Anak ng tokwaaa!" Medyo tumaas yung tono ng boses ko. And I was shocked when I saw Von standing there, smiling.

"Oh bakit ganyan mukha mo Beb? Kinalabit ka lang e." He said while he was walking away from me. May ibang students na nakatingin samen.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon