Martyr

23 0 0
                                    

Chapter 27- Martyr

"Sabi ko naman sayo wag ka nang pumasok e.." Si Chan.

"Kahapon pa yan chan, pinagsabihan na namin yan.." Si Ate Leona.

"Ang pagmamahal daw sakripisyo. Kapag hindi ka na mahal ng mahal mo, dapat mo na syang pakawalan at ipaubaya sa tunay na mahal nya." Pinunasan ko yung luha ko, tsaka pinilit kong mag-smile.

"Kahit masakit, kailangan mong magsakripisyo kasi tatawagin ka nilang makasarili kapag hindi mo yun ginawa. Ganun ba talaga kapag nagmahal ka ng totoo? Kailangan mong magsakripisyo kahit ang sakit sakit na? Sanay na ko. Naranasan ko na to e. Pero bakit ganun? Mas masakit to?" Nag-sigh ako. Nakatingin lang silang lahat sakin, nagtataka siguro kasi ang talinhaga ko. :(

"Sana katulad lang din ng pagbubura ng mga text nya yung pagbura ko ng nararamdaman ko para sa kanya. Sana ganun lang yun kadali." Sabi ko. Hindi ko pa rin mapigilan yung pagtulo ng luha ko at panay pa rin yung punas ko sa mukha ko.

"Ang pangit ko na ba? Kaya ba..." Sabi ko ulit..

"Wag mo ngang isipin yan?!?" Si Lovely.

Palagi na lang akong umiiyak :(

"Hindi yon. Alam naming mangyayari to. Nakita na namin sya kanina sa Bayan.. Ayaw lang namin makita ka ulit na umiiyak.."

"Ang pangit ko kaya iniwan nya ko.. Hindi sya nakuntento.. Kase ba mas maganda at sexy sakin si Gelyn?! Alam ko hindi ako sexy---"

"Chi ano ba.. Hindi ka ba titigil ng kakasabing pangit ka??" Si Chan, ang seryoso..

"Wag ka nang umiyak. Andito pa kami.. Hindi kami mangiiwan.." Si Len.. Hinawakan nya ko sa kamay ko..

Walang makakapagdescribe kung gano ko nasasaktan ngayon.

"Maganda ka chi.. Dito.." Tinuro ni Len yung puso ko..

"At tsaka dito.." Hinawakan naman ni Jolina yung baba ko..

"Oo nga. Kung magssmile ka.." Si Sarah. Nagsmile ako, pinilit ko..

"Salamat sa inyong lahat.. Pero nakapag-decide na ko..." Sabi ko. Pinunasan ko yung luha ko, tumayo ako.

"Magddrop na ko.."

Madami na masyadong nangyayari.. Kaya nag-drop na lang ako. Si Gelyn at Von.. Yung sakit ko.. Pumayag rin naman silang lahat, kasi alam nilang may sakit ako at kailangan kong magpagamot.. At naiintindihan rin nila ako.. Haaaay.. Hindi ko na alam gagawin ko. ;((((

............

SEBASTIAN'S POV

January 30.

BADTRIP AKO SA BENOK NA YAN?!? Pinaraya ko na nga si Chi sa kanya tas iiwan din naman pala nya?! Sabe na mangyayari na naman to e.. Nakakaasar?! Ayoko pa namang nakikitang naiyak si Chi. Hindi ko tuloy alam gagawin ko. Nag-drop na sya.. At napapansin na rin namin yung sakit nya. Haaaay.

Ang sakit makitang nasasaktan rin yung mahal mo.. Ilang linggo na rin yung nakalipas simula nung maghiwalay si Benok at Chi, palagi nang tahimik si Chi.. Nag-iba na sya..

"Gusto ko pong magpa-surgery." Si Chi, kasama ko ngayon magpa-checkup.

"I'm sorry Ms. Alix. It's too late.. Nasa late stage ka na ng Gastric Cancer." Natulala si Chi nung marinig nya yun, again? Umiyak na naman sya. Ako? Kinabahan ako bigla.

"Doc. Kahit ano gagawin ko, gumaling lang ako. Please.."

"I'm sorry.." Hindi na lang ako nagsalita..

"Kung gusto mo magpa-confine ka na dito, para mas mapahaba pa natin yung buhay mo.." Tumayo si Chi at nagwalk-out.

"Sorry Doc. She's upset."

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon