From Bad to Worse

30 0 0
                                    

CHAPTER 19 - From Bad to Worse

MARIA RICHELLIN'S POV

Weekend. Malapit na agad mag-Christmas. Diba ang saya? But still, ayoko pa ring magpacheck up kahit pinipilit na nila ko. Magpapacheck up na lang ako pag ako na lang magisa. Ang daming nagbago, pumayat na talaga ko. Laging pagod. Palaging nagsusuka ng dugo, pero secret na lang, ayoko nang ipakita yon sa kanila. Buti na lang natatago ko :(

"Beb, gusto mo magpacheck up?"

"Ayoko Beb."

"Nagaalala na kami nila MC sayo. Gusto mo ba yon?"

"Ayoko ren."

"Tara na."

"Tsaka na. May mga bagay

na dapat inuuna bago dyan."

"Tulad ng?" Nakakatampo tong lalaki na to. Di na matandaan kung anong meron ngayon.

"Wala."

"To talaga tampo na agaaaaaad??!" He slightly pinched my cheek.

"Happy monthsary Beb! I love youuuu! Kala mo nakalimutan ko? Kaya nga nagpunta ko sa inyo ngayon e. Wag na magtampo." Then he kissed me on my forehead.

"Happy monthsary Beb. I love you. Salamat sa pagpapasaya saken. Thanks kase talagang di mo ko iniiwan pag kelangan kita." Then kiniss ko sya sa cheek nya. Tapos nahiga ako sa balikat nya. Ito yung 'silence na hindi awkward.' Then I found myself smiling while he was holding my hand.

Nagtataka ako kase tahimik pa rin sya.

"Beb, may problema ba?"

"Wala beb."

"No, meron. Hindi ka naman ganyan tuwing magkasama tayo e."

"Naantok lang ako."

"Tara, tulog tayo." Ngumiti ako pero ang weak ng smile nya. Ano ba talagang problema?

"Beb, monthsary natin pero ganyan ka. Ano ba talagang problema?"

"I'm just worried about.." Kinakabahan ako.

"About you." Akala ko naman kung ano.

"You have nothing to worry about." Nagsmile sya.

"I love you Chi, palagi mo yang tatandaan."

"Mas mahal kita."

"Pantay lang beb."

..........

Nagising ako, wala sya sa tabi ko. Kinabahan ako.

"Beb? Ben---Benok?" Pinilit kong lakasan yung boses ko, pero nanghihina na naman ako.

Binuksan ko yung ilaw sa sala. Walang nagresponse.

Nagulat ako nung may nakita akong lalaking nagluluto. Nagsmile ako bigla.

"Napakatagal mong matulog e, kaya nagluto na ko beb."

"Akala ko nga iniwan mo ko ng walang paalam e. Ayoko ng ganun, parang ang weird sa pakiramdam kase tabi tayong natulog tas paggising ko, wala ka na. Beb wag mo na uulitin yon ah?" Sabi ko then I hugged him from behind.

"Opo Chi Chi ni Son Goku." Tas nagsmile kami sa isa't isa. Pero feeling ko talaga may problema sya. Pero ayoko nang tanungin.

Tas natawa ako kase akala ko kung anong niluluto nya, Pancit Canton lang pala. Hahahaha. Pinanood ko lang syang ihanda yung pagkain, sa isang plato. Kumuha ako ng isang plato para sakin.

"Bat nakuha ka pa ng isang plato?"

"Hah? Malamang kakain ako."

"Share tayo sa isang plato." He grabbed the plate in my hand and nilagay nya sa taguan ng mga plato, or kung ano mang tawag sa lagayan ng plato. Ang sweet. Haaaay.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon