It Started with a Kiss

19 0 0
                                    

CHAPTER 11 - It Started with a Kiss

Nagising ako sa sobrang sakit ng stomach ko.. It's 3:30AM pero pinilit ko pa din pumikit after ko tingnan yung oras. Ano bang nangyayari.. Ang sakit ng tyan ko, sobra. Hindi naman to kabag or pupu.. Ang sakit... Ang sakit sakit... =(

Nawala antok ko.. Kinapa ko kung asan yung phone ko then I dialled Von's Number..

"Hello??" Parang nagising ko ata siya. MALAMANG!? Yung boses niya parang naantok na ewan na ang cute cute. PERO ANG SAKIT PA DIN NG TYAN KO! Lamig na ng pawis ko =(

"He--hello Beb?? Von.." Parang hindi din ako halos makapagsalita..

"O? May problema beb??" Biglang naging seryoso yung boses niya..

"W--wa-wala naman.. M-masakit lang yung tyan ko.."

"Huh? Nadudumi ka ba? O kinakabag ka?"

"H--hindi beb.. Promise!"

"Tsk. Beb naman e. Pinagaalala mo ko.. Punta ko dyan??"

"H-hindi na.. Beb.. G-gusto ko lang.." No. No way hindi ko sasabihin yung naisip ko right now!

"Gusto mo lang na??"

"Beb.."

"Ano yun beb??"

"Gusto ko l-lang na..." Ayokooooooooo!!?!?

"Ano nga beb??

"Gusto ko l-lang n-na.. Marinig yung b-boses mo.." OKAY. NASABI KO NA. -__-

"..."

"Bb-beb??" Hindi na siya sumagot.

"Pupunta na ko dyan."

"No, w-wag na. May pasok pa bukas. Tulog ka n-na. Goodnight beb.." Then binaba ko na.

Ang sakit pa din ng tyan ko pero pumikit na ko.. Di ko na alam gagawin ko....

Paggising ko may araw na.. Buti na lang hindi na masakit yung tyan ko.. O panaginip lang yun?? Hindi ko na maalala. Takte.. Pinilit kong tumayo pero pagtayo ko, napahiga ulit ako.. Bat ako nanghihina?? :( Feeling ko sobra yung pagod ko.. At nauwi ang lahat sa hindi ko pagpasok.. Feeling ko sobrang pagod pa rin ako.. :(

NELSON'S POV

First time ko magka-point of view. Haaaay yes. Malapit na ko mag one week sa trabaho ko. I had my new friends na since nagsimula ako. Syempre friendly ako e. Hahahaha. Andyan na si Pam, yung nililigawan ko. Wait lang guys..

"Pam, pauwi ka na??"

"Oo.."

"Sakto pauwi na rin ako.. Sabay na tayo??"

"Sige Nelson.." Yun oh! The moves yan e! Hahahahaha. And nagsabay na nga kaming umuwi ni Pam.. Kainis. Hindi ako nakasama sa Basketball Tournament ng Foundation Week namin. Hay.

Pauwi na sana kami ni Pam nang tawagin ako ng manager..

"Nelson!"

"Po mam??" Lumapit ako.

"Gusto mo ba magduty ulit?? Nag-AWL yung isang crew na kabatch mo e.." Isip nelson. Isip!! Love life o pera??? Sige na nga pera na muna.. >___<

"Sige po ma'am.." After nun, lumapit ako kay Pam..

"Pam, pinagduty ulit ako e. Sorry pam.."

"Ah, sige Nelson.." Ngumiti siya sakin. Ilang days ko na ring nakakasama sa paguwi tong si Pam. Kung hindi ako yung naghihintay ng paguwi niya, siya naman yung maghihintay sakin.. Diba? Nagliligawan pa lang yan! <3

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon