Sweetest Kiss

17 0 0
                                    

CHAPTER 12 - Sweetest Kiss

Alam niyo ba kung anong naffeel ko ngayon? Eto, butterflies na naman. Uwaaaaaaaaaaaaaaah >__< Loko talaga yung Unggoy na Chinito na yun!

"GOOOOOOOOO JON VON ROQUEEEEEEEEEEE!!!!" Sigaw ko. Hahahaha.. Si Chan Chan naman nanonood lang sa likod ko. Tagaktak yung pawis ko e. Pano ba naman andito kami ngayon sa quadrangle. Ang init init!! >_____<

Yung saranggola niya, sobrang simple at bukod tangi sa lahat! Sa totoo lang, kunyare lang na naiinis ako pero ang sweet. Ang sweet para sakin nung nakalagay sa Kite niya. Awtsu.

Si Chi Chi, kaholding hands si Son Goku tapos nakawedding dress si Chi Chi, si Son Goku nakawhite na tux. (Yan yung sa anime ha.) Ang sweet talaga. Ito yung sa Dragon Ball Z nung kinasal silang dalawa <3 :"> Parang pinaprint niya tas ginawa niyang saranggola. Tela yun e. Ang sweeeet sweeeet talagaaaaaaa! <3

"Magpunas ka nga ng pawis mo!" Biglang sabi ni Chan sabay bigay sakin ng face towel.

"Mamaya na pagtapos!"

"Tigilan mo ko oy!" Bat hindi na siya tulad ng dati :( Tapos bigla niya kong pinunasan.. Sa mukha ko. Nagulat nga ko e. O___O

Habang pinupunasan ako ni Chan Chan, bigla akong may naalala. Yung.. Kababata ko na hindi ko na ulit nakita.. Nakilala ko siya non kasi naman kasi naiyak ako. E hindi ko kasi makalimutan yung pula niyang saranggola. I was 5 years old back then.

*FLASHBACK*

Umiiyak ako habang lumilinga linga ako sa paligid. Nawawala si Papa kasi e. Sabi niya lang bibilhan niya ko ng ice cream e. T____________T

"Bata bata, bakit ka umiiyak??" Una kong nakita yung saranggola niya na kulay pula na yakap yakap niya, sa laki e sakop yung buong mukha niya.

"Nawawala si Papa.." T______________T

"Halika, hanapin natin.." Tapos nakita ko na yung mukha niya. Inaabot niya yung kamay niya sakin. Napatingin muna ko sa kanya pero sumama ako sa kanya at inabot ko yung kamay ko. Doon, naramdaman ko na hindi ako nagiisa. Na mahahanap ko na si Papa kaya tumahan na ako. Naglakad kami hanggang sa nahanap namin si Papa..

"Nak, kanina pa kita hinahanap ah! Sino yang kasama mo?" Umiling lang ako nung tanungin ako ni Papa..

"Nakita ko po siyang nakaupo at umiiyak kaya po tinigil ko muna yung pagpapalipad ko ng saranggola ko tapos nilapitan ko siya." Nagsmile siya kay Papa.. Doon pa lang sa paglapit niya sakin, humanga na ko sa kanya.. Nagsmile din si Papa sa kanya at ti-nap siya sa ulo..

"Salamat bata ha.." Tapos biglang may lumapit samin na yaya ata niya.

"Ikaw bata ka, kung san san ka napunta! Halika na, tinatawag na tayo ng Mama at Papa mo!" Then sumama na siya. Nalungkot ako nun kasi hindi ko man lang natanong yung pangalan niya.

Since nung nangyari yun, gusto ko na siyang makilala. Gusto ko siyang makita ulit. Sa sobrang gusto ko ulit siya makita, pumunta ulit ako dun sa park ng magisa. Malapit lang naman siya sa bahay namin kaya ayos lang. Naglalakad ako ng magisa habang may hawak hawak akong lobo na kulay pula kasi ginaya ko siya. Sinulatan ko ng "Thank you" with smiling face. Take note: Ang pangit pa ng sulat ko nun. Ibibigay ko sa kanya.

"Bata!!" Napalingon ako nung may tumawag sakin. Nagsmile agad ako nun kasi alam kong siya yun.

"Sabi ko na e, makikita ulit kita dito!" Sobra yung smile niya, yung hindi na makita yung mata niya. XD Ngumiti ako tapos binigay ko sa kanya yung lobo without saying a word. Tapos binasa niya yung nakalagay dun. Pero natagalan pa since medyo hirap pa kaming bumasa at bata pa kami.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon