Little Things

22 0 0
                                    

CHAPTER 28- Little Things

FEBRUARY 14.

"Oh anong tungkol sa kasal?"

"Ah. Mas----mas gusto ko po yung simple lang, kasi mga bata pa naman kami." Hindi ko masabi. Bakit ganun? :( Natatakot ako.

"Yun lang pala?! Akala ko naman kung ano! Hahaha." Haaaay. :(

.............

Nakatingin ako sa salamin. Naka-wedding gown na ko. Hindi ako masaya, kahit alam kong ito talaga yung gusto kong mangyari. Ang ikasal sa taong mahal ko.

"Gelyn?" May kumatok.

"Pasok po." Si Tita, pumasok.

"Hindi namin makontak si Von." Kinabahan ako bigla.

"Baka po, tumakas na.." Tumungo ako..

Biglang may kumatok ng malakas sa pinto..

"Gelyn?!?" Si Von. Binuksan ni Tita.

"Bawal makita ng groom ang bride?!" Tapos nagulat si Tita.

"Lasing ka?!?" Sigaw ni Tita. Tapos natumba si Von, nawalan ng malay.. Pero nakabihis na sya.

............

JON VON'S POV

Pagdilat ko, napabigla ako ng bangon sa gulat ko. Di ko alam yung mga nangyari. Anong petsa na ba ngayon? Naramdaman ko bigla yung pagkauhaw at sakit ng ulo ko. Hang-over siguro.

Nasa kwarto ako. Lumabas ako. Nakita ko si Gelyn. Nakaupo sa sofa. Teka, ano ulit ngayon?? Tiningnan ko yung cellphone ko. February 14 ngayon. Kasal dapat namin..

Nakatungo lang sya.

"Buti naman, gising ka na." Tumingin sya sakin.

"A-anong nang----"

"In-explain ko nang lahat sa mga guests at kay Tita.. Hindi na itutuloy ang kasal." Nagulat ako.

Sa saya ko, napaiyak ako. Parang may nabunot na tinik sa dibdib ko.

"But promise me one thing."

"Ano yun?"

"Just be happy, okay?" Ngumiti sya sakin.

"Oo naman. Sorry, Gelyn."

"Hindi mo kailangang magsorry Von. Ginawa ko to kasi nahihirapan din akong makita kang hindi masaya sakin. Akin ka nga, alam ko namang hindi ako ang mahal mo. Diba? Ako ang dapat mag-sorry. Ako may kasalanan nito."

Nakita ko na naman yung mukhang ganito ni Gelyn. Ganitong ganito yung itsura nya nung nakipaghiwalay sya sakin dati.

"Nung una pa lang, iniwan kita. Ngayon, sinabi ko kay Papa na gumawa sya ng paraan para maikasal tayo. Nangyari naman. Yun nga lang.. Hindi ka masaya. Sorry Von.. Sorry.." Sabi pa nya. Nagulat ako sa mga sinabi ni Gelyn. Gusto kong magalit kaso okay na, kasi at least wala nang kasal. Ang nasa isip ko na lang.... Kailangan kong hanapin si Chi..

"Salamat, Gel."

"Salamat at sorry rin." Ngumiti sya sakin, alam kong pinipigilan nya yung luha nya.

Sana, maging maayos na lahat.

..............

MARIA RICHELLIN'S POV

February 14. Ngayon na sila ikakasal.. Hindi ko na alam kung nasasaktan pa ko. Wala na ko maramdaman. Nasanay na kong masaktan..

Ang lungkot na nga dito sa ospital, wala pa kong dalaw.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon