MORE THAN FRIENDS BUT LESS THAN LOVERS
So here's our story, We met in a company. We both got hired and we met before magsign ng contract. I don't know pero may iba skanya even tho muka syang babaero. Out of nowhere bigla syang nagpakilala and nakipagshake hands sakin. Then while signing the contract bigla nya kong tinawag tapos sabi nya pwede ko makuha # mo? To think na nandun ung staff na nag eexplain samin about sa contract. Hindi ko alam kung bakit ko binigay yung # ko pero sabi ko nga parang may iba skanya. Then after that I received a message from him ".... pala to. Ingat ka pag uwi!" and another message from ate ... "(name ko) lowbat na phone ko nakitext lang ako, text kita mamaya. Ingat pag uwi!"
Then to make the story short, palagi na kaming magkatext even sa chat. Sabay din kaming nagpamedical.
Sa sobrang dalas naming mag usap, magkita, alam kong nafafall na ko skanya which is hindi dapat pero wala eh ayun na. Paano ka ba naman kasi hindi mafafall sa taong mag eeffort magkasama lang kayo? Magkaiba kasi sched namin, so minsan dun na sya sa office matutulog just to wait for me. Minsan dun na din sya naliligo tapos kinabukasan na sya uuwi. Ilang oras lang tulog nya para lang makapaglunch kami ng sabay or magkasama kami.Then one day sabi nya papakilala nya daw ako sa mama nya and nakukwento na rin naman daw nya ko sa mama nya kasi sobrang open nya sa mama nya eh. So ayun na nagpunta kami sa bahay nila pinakilala nya ko sa mama nya and dun sa friends nya which makes me love him even more.
Sobrang smooth lang talaga kahit na walang kami. Yes walang kami but there's "I love you" with our convos. Meron na ding call sign which is normally used by those in a relationship. Tight hugs and kisses. Kumbaga label nalang yung kulang samin kasi parang kami na nga. Mahal namin yung isa't isa. But then yung araw na kinakatakutan ko eh dumating na. Yung araw na bigla nalang syang mawawala. Yung hindi man lang naging kayo official kasi natapos ung pinagsamahan nyo sa biglang hindi nalang kayo nag usap. Yung araw na bigla nalang syang hindi nagparamdam sakin. Walang text, chat or kahit tawag.
Hindi na talaga ko mapakali that time so my friends decided to call him tapos after that call nagtext sya sakin, nag usap kami tapos sabi nya sira daw kasi yung phone nya. Pero alam kong hindi ayun ung reason, kasi pwede naman nya kong ichat, makitext sa iba basta maraming paraaan na palagi nya namang ginagawa dati para lang makausap ako. And then that's it we ended up like that.
Ang sakit lang kasi natapos kayo sa ganun lang. Wala kang idea sa kung anong nangyari, kung bakit nagbago. Kung bakit bigla nalang syang nawala. Iniisip ko nalang na sguro pinaniwala ko lang yung sarili ko na gusto nya din ako, na mahal nya din ako. Na yung taong nagsabi na aalagaan ako, hindi magsasawa sakin eh naglaho nalang bigla. Yung taong kasama mo palagi, kausap mo palagi eh parte nalang ng nakaraan. Siguro hanggang dun lang talaga. Salamat nalang sa maikling panahon na napasaya mo ako.
PS: To all the girls out there, wag kayong papayag sa set up ng "more than friends but less than lovers" kasi kapag nawala sila parang wala kang karapatang magreklamo dahil wala namang kayo.
PB
College of Business Administration and Accountancy (CBAA)
2013
BINABASA MO ANG
Secret Files PH
RandomIto ay pagtitipon-tipon ng mga storya mula sa iba't ibang tao na gustong ipakita ang kanilang nilalaman sa mundo.