DEDS NA KO?
"Alumni po ako at ito ang kwento ko na nangyari sa totoong buhay at gustong gusto kong i-share sa inyo. Isang gabi pauwi ako galing sa lakwatsa, tumawid ako sa España Blvd. nang makita ako ng isa sa mga kaibigan ko. Yung kaibigan ko nagulat at parang natatakot nang makita ako. Ito ang pinag-usapan namin nang naisipan namin tumambay muna sa may Legarda para makapag-usap pa.
Siya: Tol? Ikaw ba talaga yan?
Ako: Haha! Oo naman ako to. Bakit ganyan yang tono mo? Nag-aadik ka ba?
Siya: Pero pano?
Ako: Anong pano? Nababaliw ka na talaga! Haha!
Siya: Hindi ako nababaliw. Seryoso ako. Pano ka nakabalik?
Ako: Sumakay ako ng jeep pa-Quiapo tapos bumaba ako sa Maceda at tumawid.
Siya: Patay ka na diba?
Ako: Patay? Sino nagsabi sayo niyan?
Siya: Nakita ko mismo.
Ako: Hindi magandang biro yan tol ha?
Siya: Hindi ako nagbibiro. Halika may ipapakita ako sayo.Inaya niya ko na pumunta sa isang lugar. Pumunta kami sa Fajardo.
Siya: Dito tol. Dito kita huling nakita.
Ako: Oo pumunta ko dito kasi may pinuntahan akong inuman nung isang araw.
Siya: Hindi lang yun yung nangyari. Hindi mo ba naaalala? Diyan mismo.May itinuro siyang pwesto.
Ako: Oh? Anong meron diyan?
Siya: Hindi mo ba talaga naaalala?
Ako: Teka nga. Hindi talaga kita maintindihan. Ikwento mo nga sakin lahat yang pinagsasabi mo.
Siya: Diyan tol. Diyan kita nakitang humandusay at namatay. Noong gabi na naglalakad ka dito may lalaking sumusunod sa likod mo. Sinaksak ka niya sa tagiliran at napaupo ka sa sakit. Hindi mo na nagawang lingunin pa siya dahil natumba ka na at nabagok ang ulo mo sa bangketa. Hindi mo ba talaga natatandaan yung nangyari?
Ako: Wala akong matandaan na may nangyaring ganyan. At hindi pa ako patay.
Siya: Nasa kabilang kalsada ako noong gabing yun. Nakita ng dalawang mata ko ang nangyari sayo. Patawid ako sayo para tulungan ka pero lumingon ulit yung lalaking sumaksak sayo at nakita ako. Natakot ako na baka gawin din niya sakin yung ginawa niya sayo kaya bago pa man siya bumalik sa direksyon natin ay tumakbo na ko palayo.
Ako: Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?
Siya: Oo. Pasensya na tol at hindi kita natulungan. Natakot kang din ako. Alam mo naman kung ano lagay ng pamilya namin. Ako lang ang inaasahan nila. Pasensya na naduwag ako.
Ako: Pero diba ang mga multo dapat hindi na nakakahawak sa mga bagay-bagay?
Siya: May mga ispirito na sa sobrang lakas ng presensya ay kayang humawak at magpagalaw ng kung anu-ano. Siguro ganon ka din dahil hindi mo pa alam na namatay ka na.
Ako: Kung totoo man yang sinasabi mo, bakit hindi alam ng magulang ko?
Siya: Kung ikaw nga hindi mo alam yung nangyari sayo sila pa kaya? Hindi ko din alam yung eksatong dahilan diyan.
Ako: Tatanungin ko sila para makumpirma. Sige na mauna na ko at gumagabi na.
Siya: Teka lang. Wag mo muna sabihin sa kanila. Magkunwari ka muna na ikaw nga talaga yan. Pasiyahin mo muna sila at unti-unti kang magpaalam. May sakit sa puso ang nanay mo. Hindi niya kakayanin kung biglaan niyang malalaman.
Ako: Sige na tol alis na ko. Salamat sa impormasyon.Naglalakad na ko pauwi sa amin at nagpapaulit-ulit sa isip ko yung mga sinabi sakin ng kaibigan ko. Hindi ako makatulog dahil sa mga narinig ko sa kanya. Hindi ko alam kung totoo o hindi pero parang naniniwala din ako sa kanya kasi kilala ko siya. May third eye siya simula pa nung bata pa siya. Magkasama kami mag-ghost hunting dati sa Magsaysay at magaling talaga siya.
Napag-isipan kong ilihim muna ang tungkol dito sa mga magulang ko dahil tama siya, may sakit ang nanay ko at hindi niya kakayanin kung bigla niyang malalaman na patay na nga ako.
Lumipas ang isang linggo na nagkukunwari ako na ako nga to at na buhay pa talaga ko. Kinabukasan pinuntahan ako ng kaibigan kong may third eye at niyaya akong maglakad-lakad. May sasabihin daw siya sakin. At pumayag naman agad ako.
Siya: Kamusta na tol?
Ako: Ito ayos lang. Parang walang nagbago sa pamilya ko. Pati na sa mga araw-araw na ginagawa ko. Kaso di talaga ko makatulog sa gabi sa pag-iisip na patay na ko at na niloloko ko nalang ang pamilya ko.
Siya: Kaya mo pa ba?
Ako: Oo, kaso nagi-guilty ako tol eh.
Siya: Ako din tol nagi-guilty.
Ako: Saan?
Siya: Sa mga sinabi ko sayo.
Ako: Wala yun tol. At least sinabi mo sakin yung totoo kahit na alam mo na magiging mahirap para sakin.
Siya: Hindi yun tol eh.
Ako: Eh ano?
Siya: Pasensya na tol. Pero hindi totoo lahat ng sinabi ko sayo.
Ako: Ha?
Siya: Hindi totoong patay ka na. Wala lang ako magawa nung gabing yun. Ngayon nagi-guilty talaga ko kasi naniwala ka talaga. Sorry tol.At dyan ko nadiskubre na sobrang tanga ko pala talaga para maniwala ng ganon ganon lang. Ngayon natatawa na ko sa sarili ko pag naaalala ko yung nangyaring yun. Isang linggo ko din inakalang patay na talaga ko dahil sa kaibigan kong ungas. Ngayon magkaibigan pa din kami at mas lalong tumibay yung pagkakaibigan namin dahil sa pangtitrip niya sakin na yun. THE END! :)"
Mumu
2013
Other
FEU Manila
BINABASA MO ANG
Secret Files PH
RandomIto ay pagtitipon-tipon ng mga storya mula sa iba't ibang tao na gustong ipakita ang kanilang nilalaman sa mundo.