He, a demon

450 5 0
                                    

He, a demon

Mahabang kwento to ah.

(hindi akin itong acc. Na ito, years ng hindi active. Ako gumawa nito at hindi na rin nagamit ng isang friend so that's why i can open this)
Hoping that you will post it, pero kung hindi, ayos lang

Also, I don't care if you believe that this story is fake.. Or not.

Lahat ng mga tropa ko ay kilala ako bilang isang boyish, siga, palamura, joker sometimes and also a mysterious girl na nagmula sa kabilang daigdig.

They gave me nickname as "Elyen" dahil hindi daw nila mareach ang nasa isipan ko. Bakit kailangan nilang abutin or alamin? If i know, no one knows what's inside your mind and what you're thinking most of the time. Diba? At, yun na ang nagiging topic everytime na kakain kami ng tropa kung saan-saan ng magkakasama. Feeling ko ay napaka weird na yung mga katoto mo ay may pakialam sa kung ano ang iniisip mo?

So, the main story here, yung very disturbing na nangyari sa akin (nangyari ito last 6 years). Meron akong kaklase, lalaki, good-look, humble, down-to-earth and medyo gay. No, i mean, kilos lang nya ay gay pero yung personalities nya talaga ay pang lalaki. Yung mga pinsan kong babae, kapag nakikita ang picture nya automatic mahal na nila, hihingiin ang number, makikipag-meet kasama ako, niligawan nila or else nababaliw pa dahil mahal na mahal na daw nila. (like, are they joking?)

Naging best buddy ko sya, may pictures kaming dalawa na kami lang. Lumalabas kami ng kami lang. Minsan kapag kasama ang lahat ng tropa, nauuna o nahuhuli kaming dalawa sa paglalakad. Because we have lots of similarities. We both love criminal stuffs, paranormal and supernatural, pyscho stories, gore and cannibalism, fantasies and magic. Nag-iimagine kami na sinasakop ng mga alien ang mundo, na we have powers to save the world (honestly, college na kami ng mga panahon na yan. And don't judge please) at ito ang naging dahilan para tumibay ang samahan naming dalawa and the friendships became consistent. But then, never kong naramdaman ang nararamdaman ng ibang babae na kapag nakikita sya ay nallove at first sight na sa kanya. Coz i'm cold and i'm not interested to any opposite being. Hindi pa ngayon.

Kaso, mas lalo pang naging solid ang friendship namin. To extent na kapag may magtatanong ng name nya, even friends, blood-related or kahit hindi ko pa kakilala ay sasabihan ko ng "huwag yan. kantiin mo na lahat, wag lang yang tropa ko na yan". It means, binakuran ko sya. Hindi ako nagshare sa iba, hindi ko sya pinahiram sa iba. Dahil he's the only person who can see what i'm thinking (which is my imaginations about not ordinary things, let us say, an impossible world) the one who can understand why i'm living in it. Because of him i never been alone, even though we're just friends. I keep him, guard him. And never kong inisip na he would do the same thing to me. Hindi ko kailangan ng kapalit.

And fast forward, i fell in love for him. Doon naman talaga mapupunta ang lahat at the end of the day. At walang sinuman ang nakakaalam noon. Kahit sya, maybe? Naramdaman ko ito noong graduate na kami ng college. After college. dahil kilala ako bilang walang pake minsan at cold, hindi na nagtataka ang tropa kung bakit almost a year ako hindi nagpaparamdam sa kanila. Hindi rin naman sila nag-abala na kamustahin o bulabugin ako thru chats.

And it's so bothersome.

Because that year, nagsuffer ako sa great depression (i'm not suicidal, takot ako mamatay for some reason, at dumagdag pa ang takot na ito sa paghihirap ko). Peer pressure, work pressure, heat pressure lahat ng pressure ay pumasok sa akin at ginawa akong baliw. Kinulong ako ng parents ko sa kwarto ko dahil kailangan, i could kill someone outside as my escape. One night sa kasagsagan ng kabaliwan ko ay nagwala ako at tumakbo palabas ng bahay namin, kumuha ng kahit anong mabigat at pinukpok sa taong grasa na natutulog sa kalye. Hindi naman namatay yung tao, pero yung blood na umaagos mula sa ulo nya, somehow, it gave enlightenment. An ecstasy. Gusto kong lapitan yung duguang tao dahil gusto ko syang hawakan at yakapin, yung blood nya almost covered his whole face that deepin' as black parang may resemblance sya sa pamilyar na tao. But my dad hugged me, and whispered to me says "Shh, tama na, tama na". At yon na ang nagpakalma sa akin. Hindi na nila ako pinalabas ng bahay since that night at tanging yung 'nice doctor' lang ang kinakausap at pinapansin ko. Dahil makulit sya, madaming tanong kaya tinatarayan ko na sya. I hate her.

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon