Titibo-tibo
Tuwing naririnig ko 'tong kantang 'to, hindi ko maiwasang matawa at magnilaynilay. Hindi rin maiwasan ng asawa kong tuksuhin ako.
Hindi lang ako titibo-tibo noon sa porma, literal na tibo talaga ako noon. Sabi nga sa kanta, imbis na chinese garter o barbie, jolens at teks ang laruan ko nung bata ako. Madalas mga kuya ko ang kalaro ko. Ako lang kasi ang babae sa aming magkakapatid. Eh ako pa yung bunso, so ayun... gupit lalake, pormang lalake, galaw lalake.
Kasali pa ako noon sa liga ng basketball sa baranggay namin. Kung hindi pa ako mag-makaawa sa konsehal at sa coach namin, hindi ako papayagan dahil 'Babae' pa rin daw ako. -_-
Dumating yung highschool, nag start akong magka-crush sa babae. Yung mga muse samin, nililigawan ko. Karibal ko pa mga tropa kong lalake. Pero ayaw nila sa akin kasi mas maganda pa raw ako sa kanila. Hahaha! Edi wow!
College. Dumating yung time na kailangan na naming mag-inquire sa mga universities. Magkakasama kami ng mga barkada kong lalake na nag take ng Entrance exams. Nakapag-exam na kaming lahat sa Uste, Commerce pero nung napadaan kami sa FEU, at nakita naming sobrang daming chicks, ayun... nahiwalay ako sa mga barkada ko. Napunta ako sa FEU dahil sa chicks. First year, nagkagirlfriend ako ng babaeng bisexual. Tumagal lang kami ng 8 months dahil bumalik sa ex niyang lalake. Ginawa lang akong rebound. Akala niya ang ganda niya e. -__-
Sa FEU, mga barkada ko puro lalake rin. Palagi kaming tambay sa Freedom Park, may dalang gitara, jamming lang kapag vacant pagtapos mag-yosi sa Gate 2.
Hanggang sa...
Dumating siya sa Freedom Park. Inapiran niya yung tropa ko. Pinakilala sakin. Tropa ng tropa ko.
Na-love at first sight ako, bro! Tangina yung ngiti, ang lakas makapabago ng sexual orientation. Hahahaha. Iba si kyah! Ayun, naging tropa ko siya nung una. Sumasama-sama na samin. Bilyar, DOTA, palaging kasama na siya. Pero ang napapansin ko, gusto niyang palagi akong katabi. Mapa-Computer shop, Bilyaran, sa Freedom Park, kahit sa kung saan kami kakain. Like... "BRUHH???!"
Hanggang sa nag birthday yung tropa namin. Nagkainuman kaming lahat. Lasing na. Mga alas dos na ng madaling araw nun. Tandang-tanda ko pa. Nagkukwento ako sa hinanakit ko sa ex girlfriend ko na iniwan ako at ipinagpalit sa lalake. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko, bumulong... "Mahal na kita". And I was like... "DAFUQ???" "Bakla ka, bro??"
Natapos yung inuman na dinibdib ko yung sinabi niya. Deep inside... sobrang kinilig ako dahil gusto ko rin siya since day one. Hihihi. Sabado siya nag tapat, lunes pumasok akong nakalugay. Naka-kilay, naka-lipstick.
"Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla
Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala"Lahat ng blockmates ko, napa-ngaga. Para akong celebrity dahil pati prof ko hindi makapaniwala sa itsura ko. Nakaupo na ako't lahat sa likod, nakalingon pa rin sila saken. Nakakita ng multo??? Hahahahaha.
Simula non, nagbago na trato saken ng mga tropa ko. Prinsesa na ako itrato, binibigyan ng upuan, sinisindihan ng yosi, at ang di ako makapaniwala, nililibre ako... parang tanga di ba? Eh pahirapan nga mangutang sa mga yon noon. Hahahaha. Sinungaling si Elsa! May himala sa mga 'to.
Pero ginawa ko yun para kay... *tooot* Hihihi. Hart hart! Sabi niya, ang ganda ko raw. *kilig* Nginitian na naman niya ako. Yung ngiti niyang nakakababae. Then after a few weeks, nag start na rin akong mag-palda, mag-sapatos na pangbabae, mag-headband, mag-makeup. Niligawan niya ako ng limang buwan, sinagot ko rin. Kasi alam kong mahirap manligaw, napagdaanan ko na eh.
Kaya...
"Nung tayo'y nag-college ay saka ko lamang binigay ang matamis na oo
Limang buwan mong trinabaho
Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte
Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebeKaya nga noong makilala kita alam ko na agad na mayroong himala
Natuto akong magtakong at napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
Pero di mo naman inasam na ako ay magbagong tuluyan para patunayang
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape ng iyong pagmamahal"Naging kami. Nung mga unang buwan, mas lalaki pa ako sa kaniya magsalita at gumalaw. Malamya kasi yun eh. Ang hina pa ng boses at hindi nagmumura. Kaya ayun, parang nanalo sa lotto yung nanay at tatay ko nung dinala ko siya sa bahay namin, akala nila hindi na siya magkaka-apo saken dahil nga babae rin ang gusto ko noon. Pero dahil sa ngiti niya, dahil sa tadhana, dahil sa tropa kong si Buboy, nakilala ko siya. Nagkagusto ako sa lalaki. Nagmahal ako ng lalaki. Nagbago ako para sa isang lalaki. Yosi, bilyar, inom, porma, pagmumura, tinanggal ko para sa kaniya. Slight na lang yung pagmumura actually. Hahahaha.
At sabi ko nga sa mga unang linya ko, tinutukso ako ng asawa ko kapag naririnig namin yang kanta ni Moira. Kasi swak na swak sa akin in real life. Kung ano ako six years ago. lol.
Kinikilig ang asawa ko kapag kinakanta ko yan sa kaniya.
"Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa'king buhay nagpapasarap"Hanggang dito na lang. Masama raw sa buntis ang nagpupuyat.
Para sa mga tibo, wag niyong pigilan ang sarili niyong magbago lalo na't yun ang gusto ng puso niyo.
Love wins! 💕
Armine
2004
FEU-EAC
FEU Manila
BINABASA MO ANG
Secret Files PH
عشوائيIto ay pagtitipon-tipon ng mga storya mula sa iba't ibang tao na gustong ipakita ang kanilang nilalaman sa mundo.