PUTANGINA NI TADHANA, PINAGTAGPO PA TAYO ULIT.
Naghiwalay kami ni Rj last Feb 2014. Nurse. Anak mayaman pero hindi galing sa magulang lahat ng naipundar nya. Gwapo. May kotse. Maputi. Matangkad. Gitarista. Famous sa fb. Marami ngang babae ang nag ppm pa sa kanya, inaaya siya na sana maidate man lang daw sila. Meron pang iba na nag-pplease pa nga. Alam ko lahat yun kase hnd naman siya mahigpit sa phone nya noon pagdating sakin. Mejo insecure din kase ako.
Hindi kase kami bagay.
Maliit lang ako. Hnd matangos ang ilong. Morena. Chinita. Malabo ang mata. Bokalista. At isang programmer.
Naghiwalay kami kase hindi ko kinaya ung pagiging malayo nya sa lebel ko. May times pa noon na hnd ko na alam kung sobra na ba ang pagiging friendly o gentleman nya kaya minsan kapag may babaeng gustong magpahatid sa kanya after shift, lalo pag madaling araw na, hinahatid naman nya. Hnd ko na kinaya kase hnd lang selos ang nararamdaman ko. Masakit na. At takot. Takot na baka paggising ko isang araw, nakakita na siya ng iba at hindi na ako ang gusto nya. Nagkagulo. Nag away. Natuluyan.
May 2015.
Nakilala ko si Pj. Sa isang event regards sa opening ng isang malaking kumpanya.Nagkaroon kami agad ng spark. Kahit marami kaming pagkakaiba, sobra naming na eenjoy ung company ng isat isa. Nagkakilanlan. Nagkagustuhan. Napadalas ang mga date namin. At nahulog ako ng tuluyan. Mabilis kong nakalimutan si Rj dahil kay Pj. Nalaman ko na graduate din pala siya ng Nursing, same school pa sila ni Rj pero hnd sila batchmate. Nauna lng ng isang taon si Rj sa kanya. Pero hnd siya nurse ngayon.
Like ni Rj, hnd anak mayaman si Pj. Pero marami na din siyang naipundar. Sobrang taas ng tingin ko sa mga lalaking pursigido sa buhay. Hnd siya kagwapuhan, may dating. Matangkad. Maputi. At pihikan. Pero sabog.
Nahulog ako ng todo kay Pj. Sa sobrang lalim ng pagkakahulog ko, hnd na nya ko nasalo. Marami siyang naiparanas sakin na hnd naibigay ni Rj. Hnd ako nagccompare, what im trying to say is, dahil mas maeffort siya, mas malala ung pagkakahulog ko sa kanya. I thought eventually magiging kami na. So naghintay ako. Naghitay akong magtanong siya dahil ""Oo"" lang agad ang isasagot ko. Naghintay ako. At naghintay. At naghintay ng matagal. Pero walang tanong akong narinig. Continues ung ""Ako at Pj"" pero wala pa ring ""Kami"". Label nlng ang kulang. We act like a couple na. In every way. Pero hnd nya ko tinanung. Akala ko hnd na kailangan. Inisip ko baka matik na yun.
Pero kailangan kong linawin. Kailangan kong mapanatag. Kaya ako na ung nagtanong. ""Ano ba ko sayo?"", tanong ko. ""Magkaibigan tayo db?"", sagot nya. Bigla akong nawasak.
Kaibigan lang pala.
May mag kaibigan palang ganito?
Itnigil ko kung ano man ang meron samin ni Pj. Itinigil ko lahat. Nagalit ako. Hnd pala kami sabay ng hulog. Hnd pala kami sa iisang direction naglalakad. Kahit hnd ko gusto, hnd na kami nag usap. Gusto ko maghabol. Gusto ko manumbat. Pero para saan pa? Kaibigan lang pala ako all this time. Dec 2014 ng mawala ang lahat samin ni Pj. Kung hnd tayo magkakaroon ng relasyon, hnd kita kayang maging kaibigan lang. Yan ang nasa isip ko. Kase mahal ko siya. At hnd ko tanggap na kaibigan lang ako pero pang girlfriend ang turing mo sakin. Akala ko makakamove on ako agad. Binuhos ko sa trabaho lahat ng oras ko. Iiyak ako kapag miss ko na siya.
Nagtravel ako mag isa. Sinubsob ang sarili sa mga libro sa mga oras na wala akong magawa. Lumabas kasama ang barkada. Lumipas ang maraming buwan. Pero si Pj padin ang hinahanap hanap ko.
Naghintay ako. Naghintay pa ko hanggang umabot ako ng kalahating taon. Pero hnd na nya ko binalikan. Walang Pj na bumalik sakin. Wala.
Naghintay ako. Araw araw. Naghintay at naghintay. Pero wala.
BINABASA MO ANG
Secret Files PH
De TodoIto ay pagtitipon-tipon ng mga storya mula sa iba't ibang tao na gustong ipakita ang kanilang nilalaman sa mundo.