SOMEDAY WE'LL KNOW
--
YEAR 2012
Third year high school. Nagsimula yun sa pinaka-favorite (kong ibagsak) na subject, Geometry. Dahil Math yun, automatic na hindi na ako nakikinig sa Teacher ko nun. Maya-maya, pinatayo kaming lahat para sa sitting arrangement. Unluckily, nakatabi ko pa ang hindi makabasag pinggan na kaklase kong lalaki, si Marco (not his real name). And hell, nakakagulat na ang galing nya mag-solve. Samantalang ako, nakatunganga, nakatulala, iniisip kung anong formula. Badtrip. Tapos biglang tinawag ang apelyido ko. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nung tawagin ako ni Ma'am. Board work?! Anak ng kamatis, anong isasagot ko dyan? Lahat na ng mata nakatitig sakin, habang tumayo na ako at lumapit na sa black board. Para akong maiihi. Siguradong mapapahiya lang ako ngayon. Edi sinabi na nga ang problem, yung mga kasama ko sa board, nagsasagot na, ako, nanginginig at nakatitig sa blangko na board. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa.""Pst.""
Lumingon ako sa likod ko. Si Marco.
""90 degress divided by the number of given."" halos pabulong nyang dikta sakin.
Sinunod ko naman, hanggang sa nag-instruction pa sya ng pabulong ulit, edi sinulat ko na naman at hanggang sa matapos ang problem ko.
Pinaupo na ako ni Ma'am, kasabay nun ang pagbati ko kay Marco, na akala ko ay tahimik lang at walang pake sa mundo.
""Salamat,"" nakangiti kong sabi sa kanya.
""Welcome,"" sagot naman nya sakin.Naging magkaibigan kami ni Marco. Nung tumagal, nagkakatext na at nagkakatawagan sa cellphone. Grabe, kabaligtaran pala sa inaasahan ko si Marco. Kahit kasi wala na akong masabi, hindi sya nauubusan ng kwento. Pinapatawa nya ako lagi. Later then, umamin sya na gusto nya ako at interesado syang ligawan ako, pero tumanggi ako kasi ayoko muna mag-boyfriend. Para sakin, napakabata ko pa talaga sa mga ganung bagay. Tinutukso na nga kami ng mga kaklase namin, lalo na nung mga barkada nya. Naiilang naman ako kasi nga ayoko ng masyadong public attachment or attention. Kaya pinatigil ko sya noon, dun ko nalaman na iyakin pala sya. Iniyakan nya ako na wag ko daw sya layuan. Nakakatawa lang kasi konting sungit ko, iiyak agad yun.
**
YEAR 2013
Fourth year high school. Kasabay ng pagtatapos ko sa third year ang pagtatapos ng closeness namin. Nagkakatext kami pero nawala din yun dahil hindi na kami magkaklase. Pero since pareho naman kaming afternoon shift, nakikita pa rin namin ang isa't-isa. Hindi na nga lang ganun ka-close, pero tuwing break time madalas ko syang makita sa labas ng pinto ng classroom namin. Ngumingiti sya sakin at umaalis na pagkatapos. Nandun yung kilig feeling eh. Yung mga tropa nya, push na push pa rin sakin at luklukan pa rin ang pang-aasar sa kanya pag dadaan ako. Ganun lang kami, hanggang tingin na lang. Nakakamiss din pala. Hanggang sa nakatapos na kami sa high school, wala na akong naging balita sa kanya.**
YEAR 2014
Graduation. Nagkatitigan lang kami mula sa malayo. After nun, wala na naging kasunod. Summer noon at nag-summer job ako. Dito ko nakilala ang lalaking minahal ko ng sobra. Mahal na mahal namin ang isa't-isa. Halos hindi sya makatiis ng isang araw ng hindi ako nakikita. Kaya hindi ko naisip na, sa 5 months naming relationship, magagawa nya pa palang tumingin sa iba.**
YEAR 2015
Nakikipaghiwalay sya noon sakin dahil ayaw nya daw ng nagtatago kami. Hindi kasi kami legal sa side ko, dahil nga bawal pa dapat ako mag-boyfriend. Pero nakakapagtaka lang. Wala namang problema yun sa kanya, bakit ngayon dinadahilan nya sakin yan para makipaghiwalay? Ang malala pa, pwede naman daw walang kami pero ganun pa rin at walang pagbabago. Nainis ako nun. Like hello? Nag-gagaguhan ba tayo? Walang tayo pero parang tayo pa rin? Hindi ako pumayag sa ganung set-up, patayan yun para sakin. Mas gugustuhin ko pang pag break na, break na talaga. Kesa kasama nga kita, maiisip ko na hindi na pala kita pag-aari, mas masakit yun.
BINABASA MO ANG
Secret Files PH
RandomIto ay pagtitipon-tipon ng mga storya mula sa iba't ibang tao na gustong ipakita ang kanilang nilalaman sa mundo.