"Patawad Anak"

446 7 0
                                    

"Patawad Anak"

14 years ago, nabuntis ako ng isang coastguard. Pero that time, hindi pa ako ready magkaroon ng anak. Niyaya akong magpakasal nung nakabuntis sakin, pero ayaw ko. I was just 19 years old by that time. Hindi matanggap ng mga magulang ko yung nanyari sakin nung una, pero natanggap din naman nila.

After 9 mos pinanganak ko ang isang batang babae, sobrang saya ng mga magulang ko ng makita nila ang panganay nilang apo. Ako? Tulala lang at hindi ko parin matanggap yung nangyari sakin, yung nakabuntis sakin di na nagpaparamdam. After 1 month kong manganak, I decided na iwan ko muna yung anak ko sa bahay ng mga magulang ko kasi balak ko magtrabaho sa Cebu, pinayagan naman nila ako.

Many years na hindi ako umuwi samin. Hindi ko man lang namiss yung anak ko, she's 4 years old that time, naisipan kong umuwi. Pag uwi ko, unang sumalubong sakin yung anak ko, tuwang tuwa sya nang makita ako, napakamasayahin nyang bata, lagi niya kong kinekwentuhan every night about sa studies niya, pinapakita niya sakin yung mga medalya niya. Ako naman di ko namamalayan na nakatutulugan ko na pala siya,

Then the day na aalis na naman ako pabalik sa Cebu, yinayakap niya ko at lagi niya akong sinasabihan na, 'Ma, Bonding po ulit tayo pagkabalik niyo ah? Tsaka po, kayo po ang magsasabit ng mga medalya ko, ingat po mama'

Tinatanguan ko lang sya nun.

Then may dumating sakin na blessings na pwede na ako ako mag trabaho sa abroad, kaya ginrab ko na agad. Hindi na ako umuwi samin para mag paalam sa magulang ko saka sa anak ko. Sa Korea ako nag trabaho nun. 3 years past, di parin ako umuuwi pero nakakausap ko naman yung pamilya ko thru vc. Dalaga na anak ko  Pero minsan lang kami nag uusap.
Then tuloy tuloy na yung years na hindi ako umuwi sa pinas, until Graduation na ng anak ko sa Grade 6, salutatorian sya.

Before sya aakyat sa stage nun, nag promise ako sa kanya na ako yung aakyat na kasama sya, andami kong pinangako sa kanya, hanggang pauwi na sana ako ng pinas, kaso sinama ako ng mga kaibigan ko sa Japan kaya di ako natuloy umuwi ng pinas. Alam kong naghihintay yung anak ko, pero di ko inisip yun. Hanggang nakauwi na ako sa korea at doon lang ako naka pag VC ulit kina mama. Kinausap ako ng anak ko, pinakita niya yung medalyang nakuha niya, kung umasta sya parang wala akong kasalanan, pero alam kong iyak daw sya ng iyak nung pagkatapos ng graduation kasi daw wala ako sabi ni mama.

Hanggang nag Grade 7 siya, pinilit ko syang pumasok sa private school kaya lang namimilit sya sa public nalang daw kaya pinagbigyan ko. Andami nyang achievements sa school. One time, kinausap niya ko na gusto niya pag 12th birthday niya nandoon ako, ako naman oo lang ng oo. Pero di ako nakapunta nun.

Dun na nag simulang hindi na niya ako kinakausap kahit isang salita wala na kong naririnig galing sa kanya, wala akong pake kong magalit sya nun.

Hanggang nag 14 years old na sya At Grade 9 student na. Hindi niya parin ako kinakausap. Dumating ako sa puntong may nakilala akong amerikano, naging kasintahan ko, hanggang nagyaya ng magpakasal. After a year nabuntis ako. Hindi ko pinaalam sa anak ko.

Lagi ko syang iniistalk sa facebook. Kumikirot puso ko pag nakikita ko sya, masasabi ko nalang 'Dalaga na pala anak ko' di ko namamalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko, namimiss ko na pala sya.

More than 10 years ko na pala syang hindi nakita, nayakap, nakakwentuhan, wala akong lakas nang loob na mag message sa kanya, kasi nahihiya ako, wala akong mukhang ihaharap sa kanya.

Hanggang isang araw tinanong ako ng mama ko kung may ipon ba daw ako pambili ng laptop para sa pag aaral ng anak ko. Ang sinagot ko 'Wala akong pera ma' kaya nalaman ko nalang na nag papart time job yung anak ko kada gabi, aral sa umaga. Nawalan na talaga ako ng oras para sa kanya.

Isang araw, nag chat sya sakin ng 'Ma, Miss ka na po namin. Uwi napo kayo'. Sineen zoned ko lang sya nun. Hindi ko alam na may sakit na pala sya nun na stage 3 dengue. Lagi niya akong kinakamusta. Pero walang ni isang response galing sakin.

Until one day may nag chat sakin na pinsan ko. Wala na daw anak ko, sa una ayaw kong maniwala, pero may nag send sakin na picture ng isang kabaong. Nanlabot tuhod ko ng makita ko kung sino ang nakahiga dun. Ang anak kong kay bata'bata pa, na pinabayaan ko nuon.

Agad agad akong umuwi ng pinas para masilayan ko anak ko. Para malaman ko ano ba talaga ang totoo. Ang sakit sakit mawalan ng anak. Sobrang nagsisi ako sa lahat ng nangyari. Hanggang nakadating ako sa bahay namin, nakita ko agad ang maraming tao, may trapal, may mga sasakyan. Dumeretso ako sa kabaong kung san nakahiga yung anak ko.

Pinipilit ko syang gisingin at patayuin sa kabaong na yun, anlamig na ng katawan niya, sigaw ako ng sigaw dun sa mga nanood na buksan yung kabaong kung san naka higa anak ko. Gusto ko mabalik yung mga oras na buhay pa yung anak ko. Ni isang bonding namin mag ina walang nangyari. Gusto gusto kong marinig yung boses niya, yung pagtawag niya sakin ng MAMA, yung pagtawa nya pag ngiti niya, umaasa parin ako na masisilayan ko yung mga yun.

Sobrang sisi yung nararamdaman ko nung time na yun. May binigay saking kahon yung bestfriend niya, dun pala nakatago lahat ng greeting cards niya na para sakin, mas lalo akong nasaktan, sobrang sakit, Lord? Bat ganito? Please, sa mga OFW dyan. Sana hindi niyo pabayaan yung mga anak niyo, Walang kasing sakit pag nawala sila 😢

Joy
20**
Others

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon