"Angel"
I'm a nurse here in Manila, di ko na babanggit name ng hospital kung saan ako nakaduty pero for sure alam na alam nyo to. I've been working here for the past 2 and a half years and as a nurse di mo maiiwasang di makakita ng mga taong nawawalan ng buhay, minsan sa harap ko pa, nung una hindi ko kinakaya lalo na nakikita ko yung family ng namatay na halos magdeliryo sa kakaiyak, pati ako napapaluha. Sobrang sakit sa puso nung una pero nasanay na rin ako.
There's this one patient na inalagaan ko, let's call her Tin she's 23yrs old. Yung nurse na naka assign sa kanya eh napalipat ng hospital kaya ako yung pumalit. She has malignant brain tumor (cancerous) aggressive yung cancer cells nya.
N.V
Me: Hi Tin, I'll be your nurse from now on.
Tin: Asan po si kuyang pogi?
Me: Napalipat sya ng hospital eh.
Tin: Sayang bet ko pa naman sya hahaha!Sa isip isip ko. Oo di ako pogi pero wala kang choice.
Tin: Jared? Tama ba? Malabo kase mata ko di ko mabasa nameplate mo.
Me: Yes po.
Tin: Jared, patanggal ng surgical mask mo please?
Me: Wag na po ma'am.
Tin: Sige na please?So ayon tinanggal ko yung mask ko.
Tin: Di kita maaninag masyado, lapit ka saken ng konti.
Nilapit ko mukha ko sa kanya isang dangkal lang yung pagitan ng mga mukha namin. Tinitigan nya ko tapos bigla syang tumawa ng malakas. Anak ng teteng medyo na offend ako non pero di ko pinahalata sa kanya.
Me: Okay na? Balik ako mamayang 6pm paltan ko dextrose mo.
Umalis na ko non, pero nung palabas na ko sa kwarto nya sumigaw sya ng
"JARED ANG CUTE CUTE MO! HAHAHAHA!"
Di ko alam kung sarcastic lang ba sya non or what pero napangiti ako.
A couple of days passed, kapag napunta ako sa room nya to check on her di sya nawawalan ng kwento saken. She showed me her pictures na nag ttravel, yung mga napuntahan nyang lugar, napakadami di ko na iisa isahin pero halos lahaat ng tourist spots sa Luzon napuntahan na nya. She really loves to travel. Wanderlust I might say. Sinabi nya rin saken yung bucketlist nya pag nakalabas na sya sa ospital. She was so jolly and she's fun to talk to. Napaka positive nya, di mo aakalain na may tumor sya.
Tin: Malapit na ko operahan no?
Me: 4 days from now yung surgery mo.
Tin: OMG! Malapit na! Malapit na ko sumahod sa paluwagan. Hahaha!Pangiti ngiti sya pero alam ko sa body language at sa mga mata nya na sobrang kinakabahan sya hindi nya lang pinapahalata. I held her hand, looked her in the eyes and I sincerely said
Me: Alam kong kaya mo yan Tin. Malakas ka, di ka papabayaan ni God. Let Him heal you and let us do the work for Him. Di ka namin papabayaan, di kita papabayaan.
She gave me her sweetest smile and she slept for the night. I almost burst out crying. She's still young, full of dreams and passion. Di nya deserve tong nangyayari sa kanya. I couldn't tell her na less than 40% yung survivability nya, ayokong panghinaan sya ng loob. I want her to stay positive, I want her to live. I made her a promise na kapag successful surger nya tutuparin namin yung nasa bucketlist nya.
Time flies by so quickly and eto na yug araw ng operation nya. I was so nervous. I prayed and I prayed and I prayed. 5hrs passed by. Nakita ko mana nya sa labas ng operation room. She was crying. She was indeed crying. Nanlambot tuhod ko non, gusto kong puntahan mama nya pero hindi ako makalakad. As soon as tita saw me, she run towards me and hugged me tight.
"Wala na sya. Wala na anak ko."
Nanlabo paningin ko. May luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na hindi successful yung operation. Niyakap ko si tita ng mahigpit. Ayoko sya bitawan. I can't let her see me crying baka mas lalo syang manghina. I couldn't move, paralisado ako sa pagkakatayo ko. Lumabas si Doc at kinausap si tita. She's gone but I know she's in a better place now. All the pain and suffering she endured, it's finally over.
They cremated her and they gave me a piece of paper that Tin wrote the night before her surgery.
"Hi jared!
Kung binabasa mo to ngayon alam kong nasa mabuting lugar na ko, kasama ko na si papa sa langit. Isa na kong Angel yey! Nagkapakpak narin ako sa wakas! Haha I just want to thank you for being there for me, you're the best, no the bestest nurse hahaha! Wag mo sana ako kalimutan kase hinding hindi kita makakalimutan. Salamat sa lahat lahat, mag iingat ka palagi. Wala man ako dyan ngayon pero I promise na I will always guide you. Ako naman yung magbabantay sayo.
Take care Jared.
Tin."
Jared
20**
Others
BINABASA MO ANG
Secret Files PH
RandomIto ay pagtitipon-tipon ng mga storya mula sa iba't ibang tao na gustong ipakita ang kanilang nilalaman sa mundo.