VI

51 1 0
                                    

"Gissing!!!" sigaw ng nasa tabi ko.


"Ano ba gumissing ka na !!" sigaw niya ulit tila wala atang patience sa buhay.


Naalimpungatan ako dahil sa ingay na yun. Ano ba ang aga-aga may sumisigaw. Lumaki na ang mata ko ng naisip ko lahat ng nangyari kagabi. At napayakap ako sa sarili kong katawan dahil nakarob pa rin ako.


"Hoy! Tumayo ka na jan. At bakit mo nilipat yang mga gamit mo rito ha!" Pasigaw niyang sabi sa akin, ang aga-aga naman oh. Tumayo ako at inayos ang sarili ko.


"Ikaw ang naglagay dito kagabi at ikaw pa ang mismong nagpatulog sa akin rito!" inis kong sabi sa kanya at ngumisi pa siya.


"Tsk! Gumagawa ka lang ng kwento para ano? Para mapaniwala mo'ko na okey na tayo. Kaya ka tumabi sa akin kagabi dahil lasing ako at kinuha mo ung chance na yun para gumawa ng plano para maging okey tayo. Yun ba yun ha? Ang desperada mo masyado, Sa tingin mo ba hindi ko makakalimutan ung ginawa mo noon! Nang dahil doon binago mo'ko kaya ako nagkakaganito dahil sayo! Dahil sayo!" duro niya sa akin, at sinigaw niya talaga sa akin ang bawat salita na iyon. Hindi ba niya alam na alam ko din iyon? Hindi ba niya alam na mas nasasaktan ako sa mga ginawa ko noon. Hindi ba niya alam na masakit sa akin na ako yung dahilan ng pagbago niya. Hindi niya alam.


Tumulo na ang luha ko at agad ko ng kinuha ang maleta ko sa gilid at agad ng pumunta sa study room. Nilock ko na din ang pintuan at doon ko na binuhos ang luha ko. Akala ko ba pinapatawad na niya ako ngayon. Akala ko hindi na niya ako susungitan. Akala ko the feeling is mutual. Akala lang pala. Tumunog ung phone ko nakita kong tumatawag si James. Bahala siya sa buhay niya. Bahala siyang humarap sa magulang ko ngayon. Yeah my Mom said to me last night na pupunta daw sila dito. Gusto na niyang pag-usapan ang Kasal namin ni James. Hindi ko din alam ang gagawin ni James para makalusot sa ginawa niyang kwento kay tita. Bahala siya. Narinig ko ang pag busina ng kotse. Sina Mom na yun at wala akong balak na lumabas ngayon para makipagplastikan sa harap nila. Masakit kasi magsalita si James parang wala kaming pinagsamahang dalawa. At napagsabihin pa ako ng desperada as far as i know kung makahalik siya sa aking noong lasing siya parang asawa ang turing niya sa akin. Pero makasigaw kanina parang kaaway lang ha. Nagbihis na ako at matutulog na lang ako ngayon papalipasin ko muna ang pamimintang niya sa akin.


6 Hours later


Nagissing ako sa sobrang gutom. Kaya napag-isipan ko na ding lumabas. Nang makalabas ako nakita ko si James na nasa sofa at kay aga-aga nagpapakalasing na naman. Nagdiretsyo ako sa kusina at kumukuha ng pagkain nong humarap na sana ako saktong andyan na siya sa harapan ko.


"Bakit ngayon ka lang lumabas ha? Alam mo bang ilang tawag ko sayo at katok ako ng katok sa study room para magissing ka ha! Alam mo bang dumating sila mama rito at Napag-usapan yang kasal na yan!!" Umatras siya sa kakasatsat at tumalikod na rin siya sa akin. 

Umupo na ako sa dinning table at sinimulan ng kumain. Siya? Ayun sat-sat pa rin ng sat-sat sa harapan ko pero diko siya tinitignan bahala siya sa buhay niya na mag explain sa harap ng parents namin. Tutal ginusto niyang ikasal kami at tinutulungan ko siya pero ano ang igaganti niya eto sinisigawan lagi at kung ano-ano ang pinagsasabi. Kung pwede lang sana na sabihin kila Mommy na itigil na ito sana ginawa ko, pero naaawa kasi ako kay James eh. Yun kasi ang gusto ng Mommy niya ang maipakasal sa akin at tanging kaligayahan lang ng Mommy ni James ang iniisip niya. Ganyan niya kamahal si Tita magmula bata ganyan na siya.

LEARN TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon