Kinabukasan, naitulugan ko na naman ang binabasa ko. Kaya eto ako ngayon, naghuhugas ng mukha. Kailangan ko palang maglinis ngayon ng buong bahay. Wala na rin kasi akong damit at kailangan ko pang mamalengke mamaya. Ang dami kong gagawin ngayon, inaaya pa naman din ako ng pinsan kong si Nica na pumunta ulit doon pero sinabi ko na lang na past muna ako ngayon.
Habang nag-luluto ako ng agahan eh, panay ulit ang tunog ng Cellphone ko. Di ko na lang iyon pinansin dahil alam ko naman na galing iyon sa Twitter at may Trending na naman. Baka yung paglabas ng librong ito. Matapos kong kumain eh, naglinis na ako sa bahay, ang kapal na rin ng alikabok dito. Halos maghabol ako ng hininga kakalinis sa buong sala. Naglinis naman si Sam dito kahapon pero gusto kong maglinis ngayon eh.
Binabad ko na rin yung mga damit ko sa Washing machine, habang ako naman eh nagdidilig ako sa garden. Bumibisita naman yung nag-aalaga rito, at ang lalago na ng mga bulaklak niya, pwede na itong ibenta pag nagkataon. May nakita akong aso na dumaan sa gate namin, tinignan ko iyon, hindi naman pala si Guitar iyon, yung alagang aso ni Enrique na si Kendryk pala iyon. Nga pala, kamusta na kaya yung lalaking iyon? Magmula kasi nong ipinagtapat niyang siya si Kendryk eh hindi na siya pumunta rito at hindi na rin siya nagmemessage sa akin sa Social media, siguro nga Busy din yung lalaking iyon sa pagmomodel. Ngayong mga nakaraang araw, walang masyadong nakikipag-usap sa akin ngayon. Busy ata lahat ng tao pwera lang ako. Napapansin ko lang ha, kung hindi naman sila magpapakita sa akin eh nagpapadala lang sila ng Mensahe. Kagaya ni Jea na ikakasal na this December, malayo pa kaso pinaghahandaan na nila ni Uno, sabagay isang buwan na lang eh manganganak na yung Babaeng iyon.
Isinampay ko na lang ang nilabhan kong damit at nagligo na rin. Kailangan kong maggrocery ngayon baka kasi mamatay ako rito dahil wala na akong nakakain. Buti nga at humiwalay na ako ng bahay kila Mommy kundi baka ngayon pa lang ang taba ko nang tignan. Kasi sa dating tinitirhan ko, which is sa Bahay nila Mommy, ang daming pagkain doon. As in Super, doon nga ang puntahan ni Jea noong College days namin para kumain ng kumain. Matakaw din kasi yung babaeng iyon noong college hanggang ngayon naman. Pero hindi pa rin siya tumataba.
Pagkadating ko sa Mall eh, pumunta na ako agad sa may Grocery, balak ko din sanang bumili ng damit kaso tinatamad ako. Kinuha ko na yung mga kailangan kong bilhin, Foods, Hygiene kit at mga Ingredients para sa Coffee na ginagawa ko sa bahay. Mga flour, mga flavorings ganyan tapos bumili na rin ako ng mga Karne para hindi na ako lumabas kung sakaling takaman man ako.
Heto nasa bahay ulit ako at ang boring talaga. Wala akong maisip na gawin kaya kinuha ko na lang yung libro at ipagpatuloy ang binabasa ko. Sana naman wag masasakit yung nababasa ko kasi sising-sisi ako sa mga nangyayari ngayon. Parang lahat ng nangyayari sa Buhay ko at buhay ni James ay dahil sa akin. Binuksan ko na ulit ang Pahina neto.
"Friend doesn't give up your attitude"
I will undertand her, i will
Isa, isang taon ang lumipas, pero hindi ka pa rin bumabalik rito sa pinas. Sinabi sa akin ng magulang ko na doon mo tataposin ang apat na taong pag-aaral mo. Sa isang taon mong nandoon, lagi pa rin akong may balita sa iyo. Sa isang taon na iyon ni minsan hindi kita kinalimutan at hindi kita isinantabi sa isip ko. Sa isang taon na iyon nag-aral akong mabuti para maisakatuparan ang gusto ko. Sa isang taon na iyon naging una rin ako sa klase ko. Ang ganda sanang mang-asar sayo kaso nabalitaan kong naging una ka rin sa klase. Sumali ako sa isang laro sa paaralan, naging magaling akong manlalaro roon. Kaso napagtanto ko, na sa pagsali ko sa isang laro, maraming taong gustong makasama ako. Maraming nakapansin sa hitsura ko, kasalanan ko bang biyayaan ako ng kagwapuhan. Kaya naman alam ko naman ang gusto mo sa akin diba? Naalala ko pa noon yung sinabi mong susuportahan mo ako sa gusto ko. Kaya hindi ko tinigil ang maglaro, mas hinusayan ko pa nga ng lalo dahil baka bigla kang dumating at makita ako. Nalaman ko rin na sa pagtungtong natin sa kolehiyo, pagmomodelo ang kukunin mo. At ang kukunin ko naman ay ang pagkuha ng litrato, iniisip ko pa lang eh bagay tayo, talagang bagay. Napangiti na lang ako sa kawalan dahil unti-unti nang natutupad ang pangarap ko. At ang isang pangarap na lang ang gusto kong matupad.
Ito naiiyak na naman ako. Hindi naman nakakaiyak yung part na ito. Kasi kahit iniwan ko na siya, iniisip pa rin niya ako. Kahit wala ako sa tabi niya naging inspirasyon niya ako. Ang dami ko talagang pagkukulang sa kaibigan ko, ang dami, kaya naman pala hirap na hirap niya akong patawarin.